Sabina Altynbekova of Kazakhstan..
credit goes to whoever owns this cute photo... ^_^
---o0o---
August 5, 2017...
[V-League]
Semifinals
Creamline versus Bali Pure
LOL, s-um-ideline si Padda bilang commentator, okay naman, lively siya..
kaso di pinayagan si Baldo ng Rebisco..
saludo ako sa Rebisco, willing silang pakawalan ang championship or 2nd place para sa Creamline, basta 100% lang si Baldo for the national team..
pero it's a good effort na andun siya, at naka-uniform din ng Creamline..
para medyo nakaka-intimidate din sa kalaban, kunwari kumpleto yung team pero bangko lang si Baldo talaga..
siyempre mahirap para sa kanya na andun na yung pagkakataon na umangat habang kakampi niya si Morado, tapos biglang makakawala sa kanila ang Finals...
sa Creamline talaga ang Set 1..
25-13 naman ang ginawang overkill sa kanila ng Bali Pure para sa Set 2..
28-26 naman for Set 3, lumaban talaga ang Creamline para maagaw sa Bali Pure yung set na yun, as in malaki ang hinabol tapos biglang overtake..
nanlaban rin naman sila sa Set 4, pero ilang beses talaga silang iniwan ng Bali Pure along the way..
tapos 15-7 kill para sa Set 5, maagang ginanahan noon ang Creamline...
at dahil dun ay wala pa ring talo ang Creamline under Morado hanggang sa ngayon..
the usual main weapons were Vargas and Soriano, lalo na si Vargas for the 5th Set..
more on block points na si Soriano sa huli..
at significant rin yung naitulong nina Remulla, Balse, Racraquin, at Cabanos..
si Remulla sa Set 1..
si Balse parang ipinakita na ulit yung laro niya sa Army sa Set 3..
Racraquin still improving her attack power..
at si Cabanos bilang defensive player, akala ko nga eh magdo-double Setter sila against 5 attackers ng Bali Pure dahil pinagsabay sina Morado at Cabanos, pero for defense pala yun which really worked for Set 3...
Pocari versus Air Force
3-0..
Air Force naman ang umapi sa Champion Team ngayon...
was feeling , hooo! salamat talaga team sa pagtulong ninyo kay Morado.. kaso parang bukas na kaagad ang Game 2 ng Semifinals...?
---o0o---
August 6, 2017...
[Emo]
sana lang talaga nabiyayaan ng kakayahan sa Math yung biological mother ko..
kahit yung basic lang na kakayahan para sa pagba-budget...
mag-o-OJT na kasi yung paboritong bunso sa Cavite..
hindi naman uwian sa probinsiya..
libre daw ang pabahay..
hindi masyadong mamasahe..
libre na rin daw ang lunch..
at may allowance mula sa company..
yung load naman niya eh matagal nang budget para sa bahay yung sumasalo, since paborito nga siya..
bale kuryente, tubig, at yung ibang meal lang ang pagkakagastusan, pati yung pamasahe everytime na magta-travel siya from province to province...
pero kagaya pa rin ng allowance niya papunta sa malayo niyang campus yung hinihingi..
Php 1,200 daw per week, bale Php 200 per day for 6 days..
kesyo daw bibili pa siya ng smartphone eh...
dati kasi, Php 500 dun ang sagot nung panganay, Php 500 yung sagot nung pangalawa, at palihim na sinasagot nung biological mother yung Php 200 na wala naman na dapat...
so heto yung basic na kuwentahan..
dahil sa palihim na inutang na Php 100,000 at dahil sa Php 30,000 na bagong ipinangutang na laptop, eh naagaw na yung monthly na budget namin para sa bigas..
that's around Php 1,800 to Php 2,400..
at hindi ko alam kung kaninong patubuan na naman inuutang nung matanda yung pambili ng bigas..
eh ngayon, dahil alam nung pangalawa na marami namang benefits yung company eh gusto niya siyempre na tapyasan yung ibinibigay niyang allowance sa patas lang na halaga..
so anong mangyayari kung ipipilit pa rin yung Php 1,200 per week..?
that means na sa halip na lumiit naman yung ibinabawas na pera nung biological mother mula dun sa monthly budget namin, eh mas lalaki pa yun this time since babawasan nga nung mga nagpapabaon yung contribution nila...
okay na sana noong na-establish yung monthly budget eh..
at least tuwing may dumadating na bayarin eh naka-ready na yung pera..
ilalabas na lang, at hindi na maghahanap pa ng uutangan na patubuan..
pero talagang hindi nila nakikita yung essence nun..
ang pilosopiya nila sa paggastos eh, i-prioritize ang mga kapritso, at ipangutang na lang yung mga magiging pagkukulang.. :(
gaya ngayon..
ano ba ang nangyayari na dun sa Php 30,000 plus na laptop..?
maghapon naka-on dahil sa paglalaro ng computer games..
ginagahasa ang battery, dahil ginagamit pa rin kahit na nagcha-charge..
at puros malware na..
nakigamit ako noong isang araw, pero automatic na nagbubukas yung 3 internet browser kahit na hindi na naka-connect sa internet...
kaya nasaan na naman yung pagiging patas dun..?
uulit-ulitin yung topic na kesyo wala siyang smartphone, samantalang nasa 1 week nga lang yung itinagal nung brand new phone na ibinigay sa kanya...
was feeling , bakit kasi kasali sa computation yung mga gagastusin para sa babae niya..? hindi ba dapat ay savings niya kinukuha yun...?
>
[V-League]
PVL - 2nd Round of Semifinals
Air Force versus Pocari
nahirapan ang Pocari..
pero naitabla naman nila sa 1-1 ang Semis..
Creamline versus Bali Pure
tig-5 players pala nila ang nag-double digit kagabi..
maagang nalamangan ng Bali Pure sa Set 1..
Creamline naman ang unang nakapag-invest ng kalamangan sa Set 2..
maaga ulit naiwan ng Bali Pure sa Set 3..
Creamline naman ulit ang nakalayo sa Set 4..
kaso sa Set 5, nagpahabol tapos nagkalat after ng change court kaya naagaw yung kalamangan..
sayang yung mis-set ni Morado, tapos nasundan pa kaagad ng mishit ni Mandapat..
lumaban naman pero natapos yung match sa 15-13...
ito yung laro na nag-contribute talaga ang lahat ng usual scoring players ng Creamline..
nakalaro rin yung ibang bench players para mapagpahinga yung mga key players..
kaso marami rin talaga silang errors sa laban na 'to..
at dahil dun ay nakuha ng Creamline ang kauna-unahang talo nito for this conference..
ang kauna-unahang talo ni Morado with Creamline...
sa puntong 'to eh mas malaki na yung tsansa ng Bali Pure na makabalik sa Finals, since sila naman talaga yung mas maraming offensive players..
kung gusto nilang manalo sa 3rd Game eh kailangan nilang siguraduhin na makukuha nila ang first 2 sets..
ang worst case eh Air Force o Pocari ang makakalaban nila sa battle for third place kapag nalaglag na sila, at halos sigurado naman na wala na silang makukuha na award dahil offensive team rin yung 2 na yun...
was feeling , sayang talaga yung after-8 na run na yun.. na-secure na sana nila yung Finals seat with bonus rest day...
---o0o---
August 7, 2017...
unfortunately..
hindi maganda ang simula ng August ko..
nagkamali na naman ako ng desisyon...
nag-transfer ako ng malaking pondo..
at hindi ko in-expect na kakailanganin kong maglabas ng limpak-limpak na pera sa simula ng buwan..
kaya ayun, nadamay yung mga cash on hand ko sa micro-business..
nagkautang-utang na rin...
hindi ko pa naman magamit yung pera ko sa PayPal dahil hindi ko pa nga ma-convert yun...
at yung may-ari nung micro-business eh hindi ko pa makausap..
pang-madaling-araw kasi yung taong yun eh... :(
was feeling , sana kayanin ko naman ang August...
---o0o---
August 8, 2017...
bad news..
hindi na nabili si Manong Magma-mani ng HP 680 na empty cartridge...
pero kahit papaano eh nakita ko naman ulit si Emoji-Girl sa grocery...
was feeling , saan ko pa pwedeng ibenta yung mga cartridge...?
>
[Online Marketing]
had a busy day..
ni wala nga akong naidagdag sa current project ko eh...
nag-grocery nga kaninang umaga..
tapos biglang dumating sa [Name of City] yung isa kong buyer sa eBay..
kaya kahit na masama ang panahon eh sumaye ako para makipag-meet at maibigay na yung item niya...
was feeling , ayun.. 1 na lang tuloy yung nakaimbak kong ready to render...
---o0o---
August 9, 2017...
[V-League]
teka..
hindi ipapalabas sa Channel 23 ang laban ng Creamline at Bali Pure pamaya..?
anak ng...?
was feeling , kapag nalaglag ang Creamline, babangungutin ako nung Game 2 fail na yun...
>
[V-League]
Pocari versus Air Force
nakaka-impress na yung lineup nila ay binubuo ng mga lumakas na veteran..
pero ang laking disappointment nun para sa Air Force..
from 1-0 win sa Semis..
from 2-0 sets na kalamangan nitong 3rd game..
tapos biglang natalo pa..
partida pa na bench players yung ibang naglaro ngayon para sa Pocari..
ang laki ng nawala ngayon sa Air Force at sa Hair Fairy.. :(
at hindi nga nila nagawang tapusin ang dynasty...
ang lakas na namang makabida ng istorya na 'to ng champion team na Pocari..
parang mga makalumang action movie lang..
nagulpi muna..
pero sa bandang huli eh sila pa rin ang nagwagi...
was feeling , sana naman hindi ganito ang sapitin ng Creamline...
>
[V-League]
2017 Asian Women's Volleyball Championship
nagkamali ang sense of time ko..
ngayon na nga pala yung start nito, hindi next week..
kaya pala nawalan ng airtime ang laban ng Creamline...
anyway..
diyan ka na lang bumawi Baldo..
yung mataas na ranking na makukuha sana ninyo sa PVL eh diyan mo na lang subukang kunin..
tamang-tama at kasama mo diyan ang finest Libero na si Macandili at ang one of the finest Setters na si Fajardo...
was feeling , talunin lahat ng kayang talunin...
>
[V-League]
Creamline versus Bali Pure
ang sakit..
mukhang lumaban sa Set 2, pero Bali Pure pa rin ang nanaig..
close rin naman yung Sets 1 and 3..
pero kinulang talaga eh..
at ayun na nga, naging bangungot na yung mga errors nila sa Set 5 ng Game 2...
end of campaign para kay Morado..
wala na nga si Baldo, nawala pa si Galanza..
reason lang daw kung sasabihin na kesyo nawala kasi si Baldo..
pero for a player na kayang umi-score ng 30 plus points sa isang match, hindi ba valid na reason yun..?
nakakapagyabang lang sila dahil hindi naman bahagi ng national team yung mga players ng teams na sinusuportahan nila..
useless na maghabol sa 3rd Place since 8 teams lang naman 'to..
mukhang wala rin silang makukuha na award for this conference..
lahat ng paghihirap eh nauwi lang sa wala..
nasayang lang ang lahat...
nanaig na naman ang mga dynasty..
boring nang panoorin ang katapusan nitong PVL..
salamat sa magandang pagse-set ng schedule PVL..
salamat sa abala National Team..
siguraduhin niyo lang na may mapapala ang bansa diyan ha..
siguraduhin niyo lang na may makukuha kayong place..
at binabawi ko na yung sinabi ko noon..
hindi nakakabilib ang Rebisco sa ginawa nilang pag-preserve kay Baldo..
nakaka-badtrip sila dahil campaign ni Morado ang isinakripisyo nila... :(
ang damot ninyo Rebisco!
ano ba naman yung hayaan lang na mabago naman yung larawan ng Finals sa PVL..?
ano ba naman yung siguraduhin lang na makakapasok ang Creamline sa Finals..?
ano ba naman yung hayaan man lamang na maka-secure ang top team sa Eliminations ng at least 2nd Place...? ðŸ˜
Philippines versus Hong Kong
3-0 sets..
panalo ang Pilipinas..
nakapanalo naman laban sa mga Intsik...
was feeling , #12 Morado...
>
[TV Series]
La Luna Sangre
wala..
pang-suporta lang pala sa industriya ng pag-aartista ang habol ng script nila..
pa-3 malaking labanan na 'to kung saan maraming characters ang tinatapos...
akala ko pa naman makakapagsanib pa nang buo yung puwersa nina Malia Cyrus at nina Papa Tom..
pero massacre na naman yung ginawa nila..
sa bagay, yun pa lang aspeto na nakakalaban nang husto sa mga Vampira yung mga ordinaryong tao na maalam sa martial arts kumpara sa mga miyembro ng Luna eh malaking butas na sa script eh...
was feeling , talo na nga ang Creamline.. tapos mukhang pinatay pa si Jane De Leon...
---o0o---
August 10, 2017...
[V-League]
2017 Asian Women's Volleyball Championship
base sa resulta ng mga unang labanan..
mukhang Maldives ang pinakamahinang team..
Sri Lanka, New Zealand, at Iran naman eh mukhang nasa average..
Hong Kong eh kaya naman...
Thailand at Japan naman yung mga sadya ng rankers..
not yet sure about the other 5 teams..
bale China, Chinese Taipei, South Korea, Vietnam at Australia yung mga yun...
mukhang lagot bukas ang Philippines laban sa Kazakhstan..
mukhang combination sila ng height, power, at speed..
pero sa bagay, pasok na yata sila sa susunod na pool since parehas na nilang natalo ng Kazakhstan ang Hong Kong sa kanilang pool of 3...
pero ang mas importanteng tanong..?
may magagandang players ba gaya nina Sabina Altynbekova at Naz Aydemir this year..?
parang hindi na parte si Altynbekova ng national team ng Kazakhstan eh...
was feeling , bukas nyo patunayan na tama ang ginawa ninyong pagsakripisyo kay Morado at sa Creamline...
>
my most productive day for project #3..
pero andami pa rin ng kulang...
pero parami pa rin naman nang parami ang mga natututunan...
was feeling , lagot, wala yata akong sasahurin nito sa September ah...
---o0o---
August 11, 2017...
[V-League]
Philippines versus Kazakhstan
yan na nga ba ang sinasabi ko eh..
0-3 laban sa Kazakhstan..
Set 1 lang sila nakapanlaban nang maganda..
lamang sila hanggang 2nd technical timeout...
pero ang talo ay talo...
mahina ang Australia..
mas angat ang Thailand kesa sa Chinese Taipei..
at natalo naman ng South Korea ang Vietnam...
ang bad news..?
Kazakhstan, South Korea, at Vietnam ang kasama sa next pool ng Philippines..
pero sa bagay, at least eh hindi yung Thailand at Japan...
talo na nga..
wala pang Altynbekova...
was feeling , hinayaan ninyong malaglag ang Creamline sa Finals ng PVL para lang sa ganyan...?
---o0o---
August 12, 2017...
[Online Marketing]
natanggap ko na yung bayad for the 2nd project..
tabla lang pala dun sa una ko..
kahit kasi hindi regular ang araw ng sahod, eh by month pa rin yung cut-off..
kaya naiwan pa yung mga benta ko for August...
at ayun..
may bago na naman akong pag-aaralan..
pending kasi yung status nung sahod ko eh..
payment received, kaso pending..
itinatanong ko pa kung anong ibig sabihin nun..
kaya hindi ko pa tuloy ma-convert sa Peso...
is feeling , tama na ang aberya sa buhay ko...
No comments:
Post a Comment