Friday, June 3, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Few Days of June 2016 (The Worst Month)

May 28, 2016...

[Games]
feeling , ang hirap makapasok sa Arena 4 nang walang dolyares...
>
nabasa na ni Miss X yung message ko...
feeling , ano kayang magiging aksyon nila...?
---o0o---


May 29, 2016...

ang bulok ng OKC..
itinapon lang yung 3-1 na lead..
itinapon rin ang home court advantage...

pinaganda lang tuloy nila ang istorya ng GSW..
kapag natalo sila sa Game 7, mas gaganda pa lalo ang alamat ng GSW para sa Western Conference... :(

feeling , sira na sana yung pangarap ng GSW eh...
>
[Public Interest]

arawang biyahe mula Malacañang to Davao City and vice-versa..
ayos yan! :like:
mukhang magagamit nang husto yung regalong private plane ah...

sana may magandang mangyari habang nasa biyahe... ^_^
feeling , natanggap kaya siya ng regalong gasolina...?
>
according to a source, preparation for their retirement yung dahilan ng price hike..
ang target is after 2016...

so mukhang 7 months na lang ang meron ako..
at ni hindi pa ako nagiging normal...

dammit, Tyche!
ano ba...?
feeling , we badly need luck...
---o0o---


May 30, 2016...

Rebisco Pastillas = hoax 💔
parang Vanilla rin lang eh... :(
feeling , umasa pa naman ako...
>
hmmm..
todo promotion na ulit sila..
mukhang habol nila yung mga mag-aasawa ng mga June Bride ah...

yun rin siguro yung rason para sa price hike... :(
feeling , strategy.. tingnan natin kung uubra...
>
sino bang hindi mapapagod...? :(

yun mismong mga tao na gumawa sa'yo (nang hindi mo naman hiniling) eh sila pang kontrabida sa buhay mo... :(

kapag nababaon sila ng utang sa Money Remittance na mina-manage ko - eh itigil na lang daw para hindi na matukso na hiramin yung pera...

noong naglo-load pa ako dati..
sa tuwing nauubusan ako ng pang-load dahil sa bilis ng pagkonsumo ng mga tao - eh itigil ko na lang daw dahil nakakahiya kapag may napunta sa bahay na magpapa-load tapos eh naabutan nga ng pagkaubos...

tapos ngayon pati sa nano-retailing ko..
kapag na-out of stock ako dahil rin sa bilis ng pagkonsumo ng mga tao, tapos eh hindi kaagad ako makapag-grocery dahil may iba pa akong ginagawa - eh itigil na rin daw dahil nakakahiya kapag may bumibili tapos eh out of stock na yung produkto...

putang ina ninyo!
pinipilit kong mabuhay kahit na ayoko na..
tapos wala kayong ginagawa kundi paulit-ulit akong kontrahin..
tang ina!
kailan ba ako nagmalabis sa mga tao!!?
hindi pa ba sapat yung 1.9% na kita sa load, o yung ilang sentimos na tubo sa mga paninda para masabing nakakatulong naman ako!!?
tapos magre-request lang ako na hintayin naman sana yung next schedule ko ng pag-alis ng bahay - pero itigil na kaagad yung mga raket ko ang suggestion!!!?

wala kayong kasing-demonyo! :(
feeling , napakamalas ko sa inyo.. ang gusto nyo sa bawat kilos eh may katumbas na malaking pera...
>
[Public Interest]

ang hindi matanggap ng mga maiingay na Marcos' supporters na 'to...?

na hindi lahat ng mamamayan eh kasing-tatanga nila...

the desperation itself eh nagbibigay na ng clue na may motibo talaga kaya gustong makabalik ulit sa tuktok eh...
feeling , dapat talaga maubos na lahat ng existing generations ng mga Marcos - para sa ikatatahimik ng mga naging biktima nila...
---o0o---


May 31, 2016...

[Public Interest]

kung may naganap mang dayaan sa nakaraang eleskyon..
nasa form na lang siguro yun ng vote buying...

mukhang masyadong malaking trabaho kung dodoktorin ang digital data, ang resibo, at ang mismong mga balota para palabasin na halos walang masyadong discrepancy ang kabuuan ng mga boto sa bandang huli..
ilang presinto rin ang sakop ng 100,000..
siguro isang medyo malaking buong bayan ang kakailanganing gawing kasabwat para lang magawa yung ganung klase ng pandaraya...


pero kung machine lang ang isa-sabotage..?
imposible namang maapektuhan nun yung mga mismong resibo at balota...
feeling , paid actors...?
>
mukhang sa photoshoot sila naging busy lately ah...

mahirap silang basahin dahil kino-kontrol nila yung mga reviews eh... :(
feeling , we'll see....
---o0o---


June 1, 2016...

[Public Interest]

so ganun din pala ang balak nilang gawin laban sa media..?
gaya ng sa mga salvage victims..?
papatayin yung mga taong may alam, at iba-brand sila bilang kriminal o masamang tao - para makondisyon ang isip ng mga mamamayan na tama lang ang naging pagpatay sa kanila...? 💀

galit ka sa kurakot..?
pero ang mga taong pinapaboran mo eh mismong mga kurakot..?
ang pesteng bangkay ni Ferdinand Marcos, at ang kasalukuyang henerasyon ng mga Marcos na kumakain pa rin hanggang ngayon gamit ang mga nakaw na pera..
ang pesteng Macapagal-Arroyo na nagpauso ng may-sakit-at-may-edad-na-ako-no-jutsu, na nabuking naman na nagko-cosplay lang bilang may sakit, kasama na rin lahat ng kasabwat niya sa pagnanakaw sa bayan..
et al - alam mo kung sinu-sino talaga sila mula sa hanay mo...

feeling , lagot ang katotohanan...
>
[Business]

May 2016 was my worst month..
grabe! pinatay ng eleksyon ang main na hanapbuhay ko...

Php 75 lang ang komisyon ko for the entire month.. :(
that is since 2010 or 2013 yata...

maging ang AdSense ko ganun din..
supposedly nakuha ko nitong month of May yung pinakamarami kong blog hits..
pero nagulat ako, dahil nasa pinakamababa rin ang naging performance ng AdSense ko..
i guess na-counter nung maraming blog hits yung dami ng click sa ads.. :(
it will only work kung mako-convert din sa hits sa ads yung bawat blog views...
feeling , lason...
>
so i went to a sacred place this morning..
it was weird..
being there and talking for a few minutes - in silence...

wala na akong maisip na paraan..
i guess desperado na rin ako..
i'm not yet at my worst limit..
pero i need a quick way to get back in track...

feeling , i want that bridge to her heart...
---o0o---


June 2, 2016...

if it's not FATEd to happen - it won't...
feeling , so what now...?
---o0o---


June 3, 2016...

[Public Interest]

w-w-wait...?

what was that..?
kilala mo yung ibang tiwaling media..?
kasi ikaw mismo yung nagbayad sa kanila...??

WTF!?
eh anong katiwalian ang ginawa mo na dahilan para busalan mo ang media...??

tapos kung makasipol ka..
ano na namang palusot mo - nagtatawag ka ng ibon..?
the same reason siguro kung bakit gusto mo ng babaeng PSG, ano...?

for now you're showing both good and bad sides..
pero alin kaya ang nagtatakip sa alin...?
feeling , nahuli na naman ang isda sa sarili niyang bibig...
>
so nabasa na niya kaninang tanghali yung PM ko for her...

i don't know how they do it, pero paisa-isa sila nang pagla-log-in..
parang nakapila..
they seem to do the comments and postings to hide reviews na pwedeng magbuking sa mga tricks nila..
or to promote themselves, meaning available sila at walang raket...


base sa log-in time nila..
mukhang siya yung nagtagal, almost 45 minutes..
so i'm hoping na kinuha nga nila yung mensahe nung PM ko..
para na rin sa kapakanan nila...

yun nga lang - no reply..
as usual... :(
feeling , pag-isipan nyo...
>
[Public Interest]

mabuti pa si Donaire - alam kung anong ibig sabihin ng pagiging patas..
hindi kagaya ni Boy Absent..
mukha ng "para sa karangalan ng bansa"... :(
feeling , magpasa ka na lang ng batas.. sayang yung 1 seat...
>
[Public Interest]

masama 'to..
nagsisimula na ang mga pulis sa brand-ing..
hindi mabuti yung bounty system kung hindi pa 100% na malinis ang kapulisan..
posibleng magamit lang yun para kumita ng pera...

mga itinatanim lang na mga ebidensya..
frame up..
existing police records..
death without process..
magagamit nila ang mga bagay na 'to to claim bounties...

hindi talaga magandang idea na shoot to kill ang order...
feeling , who wants to get brand-ed...?
---o0o---


June 4, 2016...

Burger's back... ^_^

akala ko ba nasa Dubai..?
tapos nasa Hong Kong daw...?

tapos bumalik na nga siya ulit...
feeling , ang gulo nyo...

No comments:

Post a Comment