Friday, November 21, 2014

Budgies Update: October Egg Failure

mga istorya ng kabugukan noong nakaraang October 2014...


by October 5, 2014..
isang poorly developed egg ang nakita ko sa loob ng nest box..
ibinilang ko ang itlog na ito sa 5th clutch...


by October 8, 2014..
isang panibagong itlog ang binutas at itinapon papalabas ng nest box (probably ni Yellow-Girl, since ang mga lalaki yung madalas maglabas ng mga sirang itlog mula sa pugad nila)..
kakaiba ang pangyayaring ito, dahil binutas na nila yung itlog nang hindi pa naman ito nalilimliman..
usually kasi, chini-check lang nila at binubutasan ang mga itlog kapag lampas na ito sa incubation period...

heto yung parehong itlog na nasa image sa itaas, matapos ko siyang mailabas sa kulungan..
napansin ko na bukod sa pagbutas doon sa itlog ay nilalagyan rin nila ito ng wood shavings sa loob...


by October 12, 2014..
sa puntong ito ay naalarma na talaga ako..
isa na naman kasing bagong labas lang na itlog ang sinira ng mga budgies ko at itinapon papalabas ng nest box nila..
hindi ko alam kung tinopak ba yung lalaki dahil ako yung nagliligpit sa mga itlog nila noon..
o kung nai-stress na sila dahil sa kai-inspeksiyon ko sa pugad nila tuwing nangingitlog si Yellow-Brown..
o kung alam na talaga nila sa simula na hindi naman fertilized yung mga bagong lumalabas na itlog..
anyway, tumigil na ako sa pagsilip sa pugad nila sa puntong ito at hindi ko na rin nasubaybayan nang ayos kung ilan na nga ba yung nailabas nilang itlog at kung saang clutch ang mga ito kabilang...

at parang naging automatic na nga yung pagki-kick out nila ng mga itlog sa mga sumunod na araw...


by October 14, 2014...


by October 18, 2014...


by October 20, 2014...


by October 23, 2014...


by October 29, 2014...

natapos ang buwan ng October na nasa 10 itlog yung nabilang ko na sinira lang ng mga budgies ko..
walang picture yung iba dun, pero may mga clue na may iba pa nga silang sinirang mga itlog..
ni hindi ko na na-determine kung isang clutch nga lang ba iyon o kung dalawang magkasunod..
haaay..
wala na yata talaga akong pag-asa na makapag-breed ng mga budgies...


No comments:

Post a Comment