Friday, November 14, 2014

Banzai Pest Catch Sheets

WARNING: ang sumusunod na blog entry ay may content na maaaring hindi kaaya-aya sa mga taong mahihina ang sikmura, mga taong nandidiri sa mga peste, o mga taong kasalukuyang kumakain.. i advice na huwag na kayong magpatuloy sa inyong pagbabasa kung kabilang kayo sa mga nabanggit na uri...


kayo ba ay merong problema sa mga peste..?
lalo na sa mga peste, mababaho, nakakadiri, at mapanirang mga daga..?
ito na marahil ang sagot sa inyong problema..
ang Banzai Pest Catch Sheets...


sample image ng Banzai Pest Catch Sheets..
mabibili lang ito sa murang halaga..
mga nasa Php 22.00 to 25.00 per pair (2 sheets ng adhesive trap)..
 

sample catch..
maglagay lamang ng pain (yung malakas ang amoy) sa bandang gitna ng adhesive sheet..
at kapag may kumagat na sa bitag ay maliit na lang ang tsansa nila na makatakas mula sa adhesive trap na ito..
matapos yun ay pwede nyo nang gawin ang inyong gusto sa inyong huli, gaya ng paghagupit ng patpat sa mga ito hanggang sa sila ay mamatay (sino ba naman kasi ang gugustuhing mabuhay pa sila??)..
Note: yung mga images ng langaw ay naka-print talaga doon sa adhesive side nitong trap..
maaari ring gamitin ng makailang ulit itong adhesive trap hangga't may bisa pa yung adhesive nito, alisin lamang ang kung anumang huli ninyo at muling ihanda para sa susunod na panghuhuli...


ang biggest catch namin so far..
i believe isa 'tong babae..
at mukhang may laman din yung sinapupunan niya nang mahuli namin siya..
patay siya/sila dahil sa Banzai Pest Catch Sheets! XD


No comments:

Post a Comment