Loveless Story
January 11, 2026...
tama nga naman..
dati pahirapan pang mamboso sa mga babae..
pero sa panahon ngayon..
ang dami nang nagbabalandra sa internet...
is
feeling , ginusto nila eh...
>
end of postwork..
inabot ng 7 days..
bale 36 days lahat-lahat..
tanggal na sa bilang yung 7 araw na wala akong nagawang trabaho...
tapos na rin sa proofreading...
is
feeling , promotional materials na lang ang kulang...
---o0o---
January 13, 2026...
kapag inilabas ko yung pera ko mula sa bangko..
walang matitira doon kundi yung pambayad utang ko na hindi naman sinisingil sa akin...
nakakapagod nang maging loser..
walang kakayahan na bawiin ang ipinautang na pera..
walang kakayahan na mabawi ang mga pera na naipasok sa cryptocurrency... 🙁
takam na takam na ako..
pero wala akong magawa para matakasan ang mga kamalasan na meron ako... 🙁
is
feeling , hindi ako pwedeng maka-recover...
>
[Gadget-Related]
malas talaga..
so last year ko lang napalitan yung Lazada phone ng biological mother ko..
gamit yung mga napaglumaan na phone na ibinibigay sa amin..
halos kabibili ko rin lang ng bagong case para dun..
pero heto..
hindi pa nagtatagal ng 1 taon sa akin, eh bumigay na kaagad ang screen..
multiple bright lines kaagad ngayong umaga, na humaharang sa display..
sayang dahil maganda pa ang lagay ng battery niya..
problema ko na naman kung ano ang ipapalit ko dito... 🙁
is
feeling , kapag malas ka, eh malas ka...
>
nakatapos na rin sa promotional images..
tapos na nang tuluyan sa project #27..
5 na sila ngayon na naghihintay pa kung kailan pwede at safe na i-release...
is
feeling , balik na kayo mga supporter.. at yung ibang pwedeng mag-support, hanapin nyo naman ako...
---o0o---
January 14, 2026...
[Gadget-Related]
wala na..
ang bilis nang mag-degrade nung phone.. 🙁
kahit na kahapon lang naman siya nagsimulang magkaroon ng issue sa screen...
mula sa isang bright vertical line..
hanggang dumami yung mga linya, at nagdikit-dikit na para mabuo..
hanggang sa napatunangan pa ng ilang brighter lines..
tapos ngayong umaga eh nagsimula na siyang magkaroon ng mga purple na blot..
na ang bilis din na dumadami at tumitingkad... 🙁
lumalabas na screen bleeding ang issue niya..
na mauuwi sa purple screen of death..
nagkaganun kaagad siya kahit na ni hindi naman siya nababagsak...
is
feeling , ang sakit-sakit ng ganitong klase ng ubod ng malas na buhay...
>
[Gadget-Related]
ano nga ba ang nagawa kong mali na naman..?
masikip ba yung phone case kaya masyadong nahigpitan yung bandang screen..?
o mali ba na gumamit ako ng power saver lately..?
o dahil ba laging naka-AOD (Always On Display) yung paggamit nila dun sa phone dati...??
ano man ang dahilan..
wala na ring magagawa..
lalong kumakalat yung purple na blot sa tuwing manggagaling yung phone sa pag-sleep...
is
feeling , bakit ba ang malas-malas mo...??
>
nakalipat na rin ang mga template sa 2026..
mga panibagong project na lang ang kulang...
is
feeling , ang hirap magpatuloy kapag tuluy-tuloy din ang pagdurog sa'yo ng buhay...
---o0o---
January 15, 2026...
[Gadget-Related]
2nd fallen Lazada phone na kaagad..
fallen as in nasira, hindi literal na nabagsak..
pare-parehas na mga Imperial phones..
in less than a year... 🙁
wala eh..
3rd day pa lang simula noong sumulpot yung damage sa screen..
pero pabigay na kaagad..
mahirap nang gamitin, dahil maraming spot na yung hindi nakikita..
kaya naman kinailangan nang i-factory reset, bago pa mahuli ang lahat...
naubos ang umaga ko..
nag-copy ng files, in case na kailanganin nung original na may-ari nung phone..
kinailangan pa yung data cable ng biological mother ko, na doon ngayon tumitigil sa bahay ng isa kong biological brother..
sunod ay nagbura ng contacts..
then nagbura ng application programs..
nagbura ng media files..
at saka idinaan sa factory reset...
is
feeling , sikreto ng mga malas...
---o0o---
January 16, 2026...
noong isang araw, may nagpadala sa akin ng private message doon sa community na nangungumusta..
na para bang kakilala niya ako..
kaya naman tinanong ko siya kung sino siya...
ngayong araw, nabasa ko na yung reply niya na mula kahapon..
at nagpakilala siya bilang si Attendant M..
tanda niya ang account ko..
o mas tama sigurong sabihin na isa ang account ko sa mga natatandaan niya...
pero bakit..?
graduate ka na..
pwede ka nang magtrabaho sa kung saan mang hospitality-related na field...
is 💔 feeling , huwag mo akong yayayain ha.. kasi matatanggihan lang kita...
-----o0o-----
[Sports]
January 10, 2026...
ayun..
malungkot..
kinapos si Alex Eala sa Semifinals..
natambakan siya ng 1-5 sa Set 1, kaya akala ko noon na wala na..
pero nagawa niyang baliktarin yung laban at nakuha yung set sa 7-5..
lamang siya sa Set 2, 5-3, at nasa match point na sana siya..
akala ko naman noon na makakatawid na siya ulit sa Finals..
pero magmula sa punto na iyon eh nahirapan na si Eala na matapos ang bawat lead at Advantage niya..
according sa commentator ay nagbago ang laro ni Eala dahil sa posibleng lower back problem..
umabot ng Set 3 ang laban, pero maaga nang nakakuha ng mga Game yung kalaban para makuha yung match..
nakaraming puntos pa rin naman si Eala, kaso ay huli na... 🙁
tinalo sila ng mga Imperyalista sa Doubles kahapon..
at tinalo muli siya ng isang Imperyalista sa Singles..
hanggang ngayon nagpapatuloy pa rin ang problema ni Eala laban sa mga Asian sa loob ng WTA na mga tournament... 🙁
si Iva Jovic din..
hirap i-maintain ang lead niya laban sa 1st seed..
kaya naman hanggang Semifinals din lang ang inabot niya, katulad ni Eala... 🙁
is
feeling , malungkot.. but still a good run...
-----o0o-----
January 10, 2026...
[Trade]
day 760...
stable ang lahat..
walang kuwenta..
walang pakinabang... 🙁
is
feeling , wala talagang nangyayari na maganda...
---o0o---
January 11, 2026...
[Trade]
day 761...
ganun pa rin..
patuloy lang sa pagbibilang sa mga araw ng kamalasan... 🙁
is
feeling , wala na itong katapusan.. itinakda na ng mga makapangyarihan...
---o0o---
January 12, 2026...
[Trade]
day 762...
bumigay na ang level ng ARDR..
pero malayo pa ulit sa dati nilang mababang level..
ang TNSR naman eh kulang pa rin sa pagbaba... 🙁
is
feeling , palapit nang palapt ang sunod na Imperial New Year...
---o0o---
January 13, 2026...
[Trade]
day 763...
umangat na naman ang Bitcoin..
walang kuwenta...
umaangat..
pero wala ng value ang AXS..
wala ng value ang SLP..
wala ng value ang LUNC...
is
feeling , lahat na lang ng ginagawa ko eh mali...
---o0o---
January 14, 2026...
[Trade]
day 764...
tumaas pa ulit ang Bitcoin..
tumaas ang ARDR..
tumaas ang TNSR..
tumaas ang AXS, pero supot naman kumpara sa USD 10 each... 🙁
is
feeling , tumaas ang mga demonyo...
---o0o---
January 15, 2026...
[Trade]
day 765...
bumaba na kaagad ang AXS..
kahit na hindi pa naman nila naaabot ang USD 10 na palitan ulit... 🙁
may USD 120 plus sana ako sa Ronin wallet ko..
pero wala..
lugi ang lahat... 🙁
is
feeling , Php 85,000 ko.. bumalik na kayo sa akin...
---o0o---
January 16, 2026...
[Trade]
day 766...
walang kuwenta pa rin ang galaw ng ARDR at TNSR..
sayang naman yung 30% increase sa AXS..
kaso hindi ko na alam kung paano pa ako magte-trade... 🙁
is
feeling , wasak na wasak na ang buhay ko...
No comments:
Post a Comment