Saturday, January 24, 2026

How to Destroy Any Impeachment

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is πŸ’€ feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is πŸ’€ feeling , day 2023...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..

update (512 + 501 + 205 + 208 + 96 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pumalo na pala kaagad sa nasa Php 17.65 Trillion ang utang ng bayan base sa record noong November 2025
  • yung ibinida ang bayan sa APEC para daw sa mga dayuhang investor, sa kabila ng mga nabubuking na katiwalian sa pamunuan
  • yung nag-resign na Executive Secretary at Budget Secretary matapos na madawit ang mga kagawaran nila sa isyu sa flood control projects
  • yung claim ng MalacaΓ±ang na kusa DAW na nag-resign yung Executive Secretary dahil sa delikadesa, bagay na itinatanggi ngayon nung tao, dahil sinabihan daw siya na kailangan na niyang umalis
  • yung nasaktan na naman ang mga government teachers at nurses, dahil mas nauna na naman kesa sa kanila ang umento sa sahod ng mga armadong empleyado ng gobyerno, na malamang ay dahil sa mga banta ng destabilization

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa SEA Games sa Thailand, yung artista, na atleta, na Representative sa Leyte, na nakunan ng CCTV na nanakit ng opisyales ng Philippine Fencing Association sa pamamagitan ng pambabatok
  • sa Northern Police District, yung sinibak na opisyales matapos daw na magpalabas ng isang detainee 
  • yung nahuli ng NBI na administrative officer daw sa DOJ, na nabisto na nag-divert ng nasa Php 12 Million na halaga ng public funds sa mga mule account
  • kaugnay sa nangyaring raid noong 2024 sa Bataan laban sa isang suspected na scam hub, yung nasa Php 13 Million daw na halaga ng ipinababalik na nakumpiska na pera noon, na lumalabas na pinaghati-hatian daw ng 6 na pulis at pinalitan na lang ng budol money
  • sa Davao City, yung 3 nahuli dahil sa ilegal na pagbebenta ng mga baril, kung saan kabilang ang 1 pulis
  • sa Quezon City, yung 3 pulis na nanggulo sa isang KTV bar, nagkasa daw ng baril yung iba at nagbasag din ng mga bote
  • sa Bulacan, yung pulis na napatay sa engkuwentro matapos daw na mang-holdap ng isang convenience store
  • sa Porac, Pampanga, yung 5 pulis na nagnakaw daw ng nasa Php 14 Million laban sa isang private contractor
  • sa Pasig City, yung 8 pulis na miyembro daw drug enforcement unit at ang kanilang civilian asset, na inireklamo dahil sa pagnanakaw ng mga alahas at susi ng mga motor mula sa isang bahay
  • sa may Zamboanga, yung miyembro ng Marines, na nang-hostage daw ng sarili niyang girlfriend dahil sa selos sa kakagamit nung babae ng Tiktok
  • sa San Pascual, Batangas yata iyon, yung matanda na dati daw Barangay Tanod, na nakunan ng video ng concerned citizen na nanggagahasa ng isang bata
  • yung nakunan ng mga CCTV camera sa isang motel sa may Sampaloc, Manila, yung pulis na inakusahan ng isang babae ng panghahalay matapos siyang mawalan daw ng malay mula sa isang bar at bitbitin patungo dun sa motel
  • sa Cavite, yung buy-bust operation daw ng nasa 14 na pulis, na nauwi daw sa panghahalay ng team leader nila sa 18 y/o na babae, bukod pa sa may kinuha daw sa kanila na mga gamit
  • yung Police Colonel daw ng HPG, na nanggulpi at nanutok ng baril laban sa isang Patrolman, matapos daw na makainom sa kanilang party
  • yung pulis na nasa restrictive custody dahil sa kaso nila ng pagnanakaw sa POGO hub na ni-raid nila sa Bataan, na sinaksak ang kapwa niya pulis na kasama niya sa restrictive custody
  • sa DasmariΓ±as, Cavite, yung Barangay Captain na namaril at nakapatay ng kanyang kapitbahay matapos daw siyang sitahin ng biktima nang dahil sa videoke at inuman
  • sa Negros Occidental, yung pulis na nakabaril at nakapatay sa kanyang nobya
  • sa Sibulan, Negros Oriental, yung 4 na katao na napatay sa pamamaril ng 1 pulis, kung saan kabilang ang 3 kabaro nung suspek na kasama niya doon sa bar
  • sa Bangued, Abra, yung 2 pulis na namatay sa barilan ng magkakabaro sa loob ng mismong istasyon nila

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • sa Tuba, Benguet, yung dating Undersecretary ng DPWH na namatay sa bangin
  • yung umamin na yung nagbitiw na Party-list Representative, at idinamay na niya sa iskandalo ng budget insertion ang mismong Pangulo, nasa Php 100 Billion daw na halaga ng insertion ang iniutos
  • yung ayon sa isang Senadora ay may mga testigo daw sa flood control scandal ang babaliktad
  • sa rally ng isang religious group, yung claim ng isang Senadora na kesyo mga durugista daw ang kanyang kapatid na Pangulo, ang First Lady, at maging ang mga anak nila
  • kung totoo ang mga claim nung Senadora, eh lumalabas na nag-endorse ang partido nila dati at yung religious group ng durugista noong nakaraang Presidential Election 2022, na batid niya iyon pero inilihim niya kapalit ng pagkamal nila ng mga kapangyarihan sa pamahalaan
  • yung sunog sa Senate building
  • yung naging sunog daw sa bahagi ng DPWH-CAR office

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung mga ghost na super health center ng DOH na nagsimula pa sa nakaraang administrasyon
  • sa DPWH, yung sa halip pala na mapamura nila ang presyo ng mga binibili nilang materyales, eh overpriced pa pala ang nangyayari
  • yung 3 gusali daw ng LTO na ginawa ng contractor na related sa nag-resign na Party-list Representative, na overpriced na nga pero underutilized naman
  • yung tax evasion case laban sa mga DPWH engineers na dawit sa mga katiwalian sa flood control projects
  • yung may nagbitaw na nga kaagad na opisyal mula sa ICI, kahit na hindi pa nga nila nagagampanan nang husto ang kanilang purpose
  • yung 3 opisyales na kaagad ng ICI ang nag-resign
  • sa ICI, yung abunado na daw para sa operasyon nila yung iba nilang mga tauhan
  • yung kaduda-duda nang nagkakasakit yung mga taong kailangang kausapin ng ICI
  • sa Quezon City, yung nasunog na opisina ng DPWH
  • yung Representative sa Batangas, na na-tamper ng grupo ang imbestigasyon laban sa DPWH, dahil inilagay nila ang batas sa sarili nilang mga kamay para manguha ng mga record
  • yung may mga mambabatas DAW na nakitaan ng bank account na may bank transfer mula sa mga contractor
  • yung mga contractor na demanding para maging state witness sila, samantalang kasabwat sila sa katiwalian at napatunayan nang may mga ghost project
  • yung isa sa mga contractor na nagsabi na modern day daw na pagnanakaw ang pagpapasauli sa kanila ng mga yaman na ninakaw nila sa pondo ng bayan habang kasabwat ang ibang nasa gobyerno
  • yung kaugnayan daw ng construction firm ng tatay ng isang Senador sa kompanya ng mga Discaya upang makakuha sila ng mga proyekto ng gobyerno sa Davao Region
  • yung pinuno sa PAGCOR, na may dating kaugnayan sa kompanya ng contractor, kung saan bahagi pa rin ang kanyang mga kamag-anak, na ang dami ng nakukuhang government infrastructure projects
  • yung Representative mula sa Surigao del Sur, na sinampahan ng kasong graft at plunder, dahil daw sa dating kaugnayan niya at sa kasalukuyan naman ay ng kanyang mga kamag-anak sa kompanya ng contractor na nakakakuha ng mga government infrastructure project
  • yung mga kompanya ng contractor na una nang na-claim ng mga Discaya na sa kanila daw, pero lumalabas ngayon sa record sa SEC na hindi naman pala sa kanila nakapangalan ang mga iyon
  • yung mga opisyales sa LGU na nagpuntahan sa iba't ibang bansa kahit pa may balita na tungkol sa mga paparating na bagyo
  • sa La Loma, Quezon City, yung napeste ng African Swine Fever yung mga litsunan doon
  • yung mga local water district na gusto nang kumalas sa deal nila sa PrimeWater, kasi nga daw ay palpak naman ang serbisyo
  • yung driver ng isang Undersecretary ng DOTr na napaaway sa isang multicab driver, kung saan gumamit sila ng sasakyan na may Protocol Plate Number 10
  • sa BIR, yung money-making scheme daw gamit yung LOA, kung saan nasa 70% daw ng nakokolekta ay hindi naman napupunta sa gobyerno
  • yung umaabot na daw ngayon sa Php 8.8 Billion ang lugi ng kasalukuyang pamunuan ng GSIS
  • yung nasilip ng COA sa SSS, yung binili daw ng mga ito na nasa Php 13 Million na halaga ng nasa lagpas 143,000 na tissue paper
  • yung nasilip din ng COA sa SSS, yung gumastos sila ng nasa Php 333 Million sa prestige awards para sa cash incentives ng nasa 6,000 mahigit na tauhan ng SSS
  • yung nasilip ng COA sa AKAP ng DSWD, yung nasa Php 926 Million daw na ayuda na napunta sa mga kuwestiyonableng benepisyaryo
  • ngayong kababagong taon lang, yung 4 na jackpot na kaagad sa lotto ang sunud-sunod na kataka-takang napapanalunan
  • bago mag-Bagong Taon hanggang sa kalagitnaan nitong January 2026, yung nasa 10 na kaagad na jackpot sa mga main game ng PCSO ang napapanalunan
  • yung pagbisto ng Secretary ng DILG sa mga katiwalian sa operasyon ng BFP
  • sa Eastern Samar, yung 16 na pulis, kabilang ang kanilang hepe, na nag-inuman sa mismong police station para sa kanilang party habang naka-duty sila
  • yung pinapadalhan na ng mga subpoena ang mga student leaders na nag-o-organize ng mga protesta laban sa katiwalian, sa halip na imbestigahan yung mga marahas na pekeng protesta ng mga kriminal na h-in-ire ng ibang kampo
  • yung isa pang Russian vlogger na nang-harass ng mga lokal na mamamayan noon para sa kanyang content, na nagawang makapag-video habang nasa kulungan na siya
  • sa Marikina City, yung lalaki na nakulong na daw ng 15 taon, pero naging magnanakaw naman ng cellphone matapos na makalaya nitong April 2025
  • yung pagpapalaya sa babaeng kinatawan ng POGO firm na Lucky South 99 mula sa Correctional Institution for Women, na Congress daw ang may kagagawan
  • yung nakalabas na daw ng bansa yung babaeng bahagi ng Lucky South 99 at hindi na siya ma-trace ngayon ng gobyerno
  • yung Senador na hindi na daw nakikita sa Senado simula noong lumabas yung balita na may arrest warrant na ang ICC laban sa kanya
  • sa COMELEC, yung wala daw problema ang pagtanggap ng isang Senador ng milyung-milyong donasyon mula sa government contractor noong 2022 election
  • yung nanalong Senador na hindi nagdeklara nang tama sa kanyang SOCE, matapos na mabuking na hindi tugma ang kanyang SALN at nakaraang SOCE
  • yung Senador na dismissed na pala dapat noong 2016, pero binaliktad daw nung nakaraang Ombudsman yung desisyon
  • yung kahit may nawalang pondo ng bayan, kahit wala namang output, eh gusto pa rin ng mga korte na may concrete na ebidensya na dumaan nga sa mga kamay ng mga suspek yung nawalang pera
  • yung ikalawang impeachment complaint sana laban sa Presidente, na tinanggihan namang tanggapin ng Office of the House Secretary General dahil kesyo wala daw yung mismong Secretary General
  • yung ang dami na ngang nawala sa school calendar dahil sa mga sakuna, tapos nakikain pa ng weekdays ang ilang araw na rally ng isang sekta na nag-e-endorse din naman sa mga kriminal
  • noong nabuking ang Vice President nila, eh todo protekta sila at tutol sa impeachment, tapos ngayon eh nagkukunwari na naghahangad ng transparency
  • yung Senadora na todo protekta na kaagad sa Vice President dahil sa posibilidad ng renewal ng impeachment, todo sabotahe sa national budget kahit wala naman siyang inilalatag na mga ebidensya
  • yung pag-a-award ng chapter ng IBP sa Davao City sa maling tao na madaming ginawang kuwestiyonable laban sa bayan
  • sa OVP, yung nasa Php 3.9 Million daw na halaga ng mga laptop, tapos ang paliwanag lang ay clerical error daw iyon
  • yung Congressman mula sa Davao City na ayaw magpaimbestiga sa ICI
  • yung Representative sa Davao City na ayaw na ayaw na nalalaman ng minamahal nilang Imperyo na may weapon system na kayang magdepensa sa bayan kahit na papaano

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagbaba daw ng proficiency level o antas ng pagkatuto ng mga lokal na estudyante habang umaangat ang kanilang grade level, na malamang ay dahil sa mga gadget at sa social media na puros bad influence
  • sa Quezon City, yung 13 y/o na estudyante na kinuyog matapos na mapagkamalan na kaaway ng mga suspek
  • sa Sampaloc, Manila, yung riot ng mga kabataan na nag-ugat lang sa masamang tinginan
  • sa General Trias, Cavite, yung 16 y/o na estudyante na napatay sa pananaksak ng kapwa nila menor de edad daw na estudyante na sinalag daw yung saksak para sa kanyang kasamahan
  • sa Tondo, Manila, yung 18 y/o na lalaki na umaawat lang daw sa rambulan ng mga basurang kabataan, na kritikal ngayon matapos na pagsasaksakin
  • sa Quezon City, yung binatilyo na pinagsasaksak sa gitna ng riot ng nasa 67 na kabataan
  • yung Russian vlogger na nagbanta na magpapakalat daw ng HIV dito sa loob ng bayan
  • yung naging Imperyalista na rin ang USA dahil sa interes nila sa supply ng petrolyo
  • yung nakakatakot na kagustuhan ng USA President na makuha na rin ang Greenland, na autonomous territory ng Denmark
  • sa Maynila, yung mga nasabat na smuggled na carrots mula sa Imperyo
  • sa Pasay City, yung Imperial citizen na dinukot ng mga kapwa niya Imperial citizen, tinakot daw na ibebenta ang kanyang mga lamang loob kung hindi siya magbibigay ng pera sa kanila
  • yung kalokohang diplomatic protest ng Imperial embassy dito sa bayan, samantalang sila nga itong nambabangga, nangwa-water cannon, at kung anu-ano pang pang-aabuso
  • yung bangka ng mga Imperyalista na pumasok sa may malapit sa area ng BRP Sierra Madre, na itinaboy ng mga lokal na sundalo, at nadiskubre na gumagamit ng cyanide sa pangingisda
  • sa may Bajo de Masinloc, yung mga bangka ng mangingisda na halos banggain na ng mga barko ng Imperyo, at tinapatan din daw sila ng LASER
  • sa Escoda Shoal, yung mga mangingisda ng bayan na tinira ng water cannon ng mga demonyong coast guard ng Imperyo, kung saan may mga nasugatan na mga mangingisda at mga nasirang bangka
  • sa may Bajo de Masinloc, yung bangka ng mga lokal na mangingisda na ginamitan ng sirena at itinaboy ng barko ng mga Imperyalista
  • malapit sa may Pag-asa Island, yung 3 barko ng BFAR na nakaangkla lang na nilapitan ng mga barko ng Imperyo, tinira ng water cannon, at binangga din
-----o0o-----


January 20, 2026...

[Natural Calamities]

sa bandang ibaba..
nasa Magnitude 5.2 na lindol..
sa may area ng Sultan Kudarat...

is feeling , baba...


>
yung pagbaba daw ng proficiency level o antas ng pagkatuto ng mga lokal na estudyante habang umaangat ang kanilang grade level...

malamang ay dahil sa mga gadget at sa social media na puros bad influence...

is feeling , dapat kasi i-ban ang mga kabataan sa paggamit ng smartphone.. keypad phone lang dapat habang below 18 y/o pa, in case na mahalaga talaga ang line of communication...


>
sa Quezon City..
yung binatilyo na pinagsasaksak sa gitna ng riot ng nasa 67 na kabataan...

is feeling , ang kabataan ang pag-asa para lalong mawasak ang bayan.. future criminals...

---o0o---


January 21, 2026...

yung isa sa mga contractor na nagsabi na modern day daw na pagnanakaw ang pagpapasauli sa kanila ng mga yaman na ninakaw nila sa pondo ng bayan habang kasabwat ang ibang nasa gobyerno...

is feeling , pagnanakaw pala iyon...??

---o0o---


January 22, 2026...

[Natural Calamities]

sa ibaba ulit..
nasa Magnitude 5.1 na lindol..
sa may area ulit ng Sultan Kudarat...

is feeling , baba...


>
yung Russian vlogger na nagbanta na magpapakalat daw ng human immunodeficiency virus (HIV) dito sa loob ng bayan...

is feeling , negative daw siya sa lahat ng sexually transmitted diseases (STD).. so ibig sabihin ay naghahabol lang talaga siya ng viewers...


>
yung isa pang Russian vlogger na nang-harass ng mga lokal na mamamayan noon para sa kanyang content..
na nagawang makapag-video habang nasa kulungan na siya...

is feeling , malakas siya.. nangako siguro ng share mula sa monetization...

---o0o---


January 23, 2026...

yung ikalawang impeachment complaint sana laban sa Presidente..
na tinanggihan namang tanggapin ng Office of the House Secretary General dahil kesyo wala daw yung mismong Secretary General...

is feeling , wala palang kuwenta yung office kapag wala yung head nila...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of January 2026 (Failure with Infinity Shards)

Loveless Story


January 17, 2026...

araw na naman ng paniningil..
at wala na naman akong nadatnan na reply sa group chat namin... πŸ™

57 months ng mga utang.. πŸ™
39 months na wala man lamang hulog..
25 months ng pinutol na communication...

2026 na..
ibang strategy naman..
so idinagdag ko na sa group chat ng pansingil ko ng utang yung ina nila..
yung nahagilap ko na active na account nung kapatid niyang babae na kasama niya dati sa industriya..
at isinali ko na rin yung isa pa nilang kapatid na babae na walang kaugnayan sa industriya..
hindi ko pa lang idinadamay yung step family niya sa father side...

is feeling , demonyo ka.. magbayad ka na, bago pa maagnas 'yang peke mong ilong...


>
hmmm..
tanda niya ang province ko, at isa nga siya sa nakakaalam kung nasaan ang location ko..
tinatanong niya ako kung same pa rin ba nga ako ng province..?
pero nag-deny na lang ako kung nasaan ako currently..
mahirap na..
baka yayain niya ako sa common province namin...

is πŸ’” feeling , natapos ko na yung Dream Date.. kaya iba na ang mga target ko sa panahon ngayon...

---o0o---


January 18, 2026...

so nakapag-transfer na ulit ako ng pera sa bangko ko..
sapat naman na yung pondo..
pero iyon eh kung malilimitahan ko sa Php 20,000 lang yung magagastos..
magtitiis na muna sa 3 oras...

grabe na talaga ang pagkasira ng panahon at ng ekonomiya.. πŸ™
samantalang dati..
sa Php 10,000 eh pwede na akong maging masaya sa loob ng 6 na oras na may 4 na rounds...

pero nag-iisip pa rin ako..
worth it ba yung 18 y/o..?
dahil lang sa pagiging mas bata..?
paano kung hindi siya kasing-sexy nung iba..?
paano kung mas worth it yung presumably above 30 y/o, na aware ako na sexy, at kayang mag-service nang naka-heels...??

is feeling , problema ng mga mahihirap na undesirable guy...

---o0o---


January 19, 2026...

noong Saturday..
matapos ang halos 2 araw ng katahimikan sa subdivision namin..
umuwi yung kapitbahay namin at sinubukan na naman akong suhulan..
this time, eh hindi na kamoteng kahoy..
pero madami ng agricultural products na galing daw sa Baguio...

pero tinanggihan ko lang ulit yung nakatatanda sa kanila na babae..
ni hindi ko pinakialaman kahit pa may mga nahulog sa hawak niya...

hindi ako papayag na gagawing parking lot ng kung sinu-sinong mga dayo ang mismong entrance namin..
may tapat kami na emergency parking space sana, pero mas pinili nila na gawing tindahan iyon ng ginawa nilang food cart na wala namang bumibili..
dahilan kaya wala ng magamit na emergency parking space sa tapat namin..
kahit mga biological brother ko eh hindi na nagagamit iyon..
besides, palaging may nagpa-park sa mismong kalsada sa opposite lane ng entrance namin..
kaya palalalain lang nila ang traffic sa area namin dahil sa mga maling gawain nila...

is feeling , hindi ipinagbibili ang prinsipyo ko...


>
[Manga]

put*ng ina..
beyond Mjolnir si Ragnir..
hindi lang lightning ang ability niya..
kundi multi-elemental..
kung squirrel siya, then Ratatoskr ang pinakamalapit na nilalang sa Norse Mythology na pwedeng i-compare sa kanya..
at wala namang elemental na kakayahan yung Ratatoskr..
pero dahil may ice ability din siya..
hindi kaya siya Mythical Zoan na climate mismo ang power...??

tapos Giant pa ang size...

is feeling , sobrang lakas na kakampi...

---o0o---


January 21, 2026...

bad news..
mahirap na kung tutuusin yung requirement nung 18 y/o na down payment..
since bata pa siya..
at marami sa mga kabataan sa panahon ngayon ang natutuwa sa pang-i-scam...

pero mas humirap pa ang sitwasyon..
kasi kabilang na siya sa grupo na parang sindikato ang operasyon..
dawit sa mga sugal na mga babae ang pinagpupustahan..
nagre-require ng pondo na inilalagay sa pangangasiwa nila..
at siyempre, damay ang personal details sa ganung sistema...

is feeling , talaga bang hindi na ako pwedeng maging masaya ulit...??

---o0o---


January 22, 2026...

lagpas doble na ang tubo ng gold ko sa ngayon..
kung alam ko lang sana na mangyayari ito..
madaming ginto na lang sana ang binili ko noong 2022...

is feeling , makakagawa ka na lang nga ng tama, pero may mali pa rin...


>
[Gadget-Related]

ganito na lang ba talaga ang buhay ko..?
ultimo pagdating sa mga OTP eh puros ako kamalasan..
send nang send ng request sa bangko..
pero wala ni isang OTP ang dumadating sa smartphone ko... πŸ™

is feeling , ubod ng malas...


>
at totoo nga..
bumalik si Attendant M sa industriya..
iyon nga ang kutob ko dahil sa pagpaparamdam niya sa akin doon sa community..
malungkot..
kasi katulad sa isa niyang katrabaho, eh graduate naman na siya sa college..
bukod pa sa with academic honor siya...

is πŸ’Œ feeling , still hoping na makakalabas ulit siya.. para sa family niya...

---o0o---


January 23, 2026...

[Tech Guide]

grabe..
nakakatakot talaga ang kakayahan ng AI..
gamit lang ang anggulo ng mukha na ni hindi nga masyadong detalyado..
gaya ng malapit sa side view..
na natatakpan pa ng buhok..
eh kaya pa rin ng system na i-project yung itsura na malapit nga sa actual na mukha nung subject...

is ⚠ feeling , napakatinding kakayahan ng mga computer...

-----o0o-----


January 17, 2026...

[Trade]

day 767...

halos walang pagbabago sa ARDR at TNSR..
pero nasa 80% na ang itinataas ng AXS..
ibig sabihin..?
sayang yung 30% na hindi ko nasakyan kamakailan..
tapos sayang din nga itong pump na ginagawa nila ngayon..
malayo sa 1000% na kailangan ko..
pero baka mas mabuti na yung tumataas, kesa naman sa stagnant...

is feeling , mag-USD 10 ka na, AXS.. para makapag-withdraw man lamang ako ng USD 100...

---o0o---


January 18, 2026...

[Trade]

day 768...

sablay na naman ako..
na-miss ko yung pagsabog ng AXS hanggang USD 2.20 kagabi.. πŸ™
bago nag-retrace sa USD 1.80..
lagpas 120% increase iyon...

tapos 20% din yung na-miss ko ngayong araw... πŸ™

is feeling , puros trauma na lang ang nararamdaman.. hindi na makapagdesisyon nang tama...

---o0o---


January 19, 2026...

[Trade]

day 769...

sayang..
nadoble ko sana yung pondo ko na pambayad ng monthly bills namin sa loob ng Coins ko..
tapos nadoble din sana yung nakukuha nun na interes...

nag-dip ang Bitcoin ngayong umaga..
at hindi ko nai-exit yung AXS ko sa tamang panahon sa USD 2.00 man lamang na palitan..
sa ngayon eh 15% na yung nawawala sa halaga nila... πŸ™

wasak na ulit ang AXS..
samantalang supot pa rin ang level ng ARDR at TNSR para makabili ako ng mura... πŸ™

is feeling , tadtad ng mga kamalasan...

---o0o---


January 20, 2026...

[Trade]

day 770...

at mas bumaba pa nga ang AXS ngayong araw..
pero nakagawa naman ulit sila ng nasa 20% na pump..
at ngayon ko lang sinamantala yung palitan para um-exit na muna sa kanila..
USD 20 na muna, kapalit ng USD 100 na totoong value nun sana... πŸ™

pero ayun..
matapos kong magbenta, eh mas umangat pa tuloy ang AXS... πŸ™

is feeling , mali na naman.. lugi na naman...

---o0o---


January 21, 2026...

[Trade]

day 771...

ayun..
natanga nga ako kahapon..
nag-exit ako sa USD 2.00 na palitan ng AXS..
after that eh umakyat pa sila hanggang USD 2.40..
USD 4.00 din iyon na kawalan para sa akin... πŸ™

30% naman yung napakawalan ko ngayong araw..
USD 1.90 to 2.50 na pump ng AXS..
USD 15 sana iyon kung itinaya ko lahat ng pondo ko sa Ronin wallet ko... πŸ™

is feeling , wala akong kakayahan na gumawa ng tama...

---o0o---


January 22, 2026...

[Trade]

day 772...

28% pump naman ang ginawa ng AXS ngayong araw..
USD 12 din sana iyon para sa pondo ko sa Ronin wallet... πŸ™

is feeling , saan ba ako pwedeng pumasok na may 1000% na potential...??

---o0o---


January 23, 2026...

[Trade]

day 773...

mas tumaas na naman ang level ng AXS..
20% din iyon..
from USD 2.40 to 2.90..
USD 7 din sana iyon para sa pondo ko sa Ronin wallet... πŸ™

is feeling , araw-araw talunan...


Saturday, January 17, 2026

Authorized Criminals

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is πŸ’€ feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is πŸ’€ feeling , day 2016...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..

update (512 + 501 + 205 + 208 + 90 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pumalo na pala kaagad sa nasa Php 17.65 Trillion ang utang ng bayan base sa record noong November 2025
  • yung ibinida ang bayan sa APEC para daw sa mga dayuhang investor, sa kabila ng mga nabubuking na katiwalian sa pamunuan
  • yung nag-resign na Executive Secretary at Budget Secretary matapos na madawit ang mga kagawaran nila sa isyu sa flood control projects
  • yung claim ng MalacaΓ±ang na kusa DAW na nag-resign yung Executive Secretary dahil sa delikadesa, bagay na itinatanggi ngayon nung tao, dahil sinabihan daw siya na kailangan na niyang umalis
  • yung nasaktan na naman ang mga government teachers at nurses, dahil mas nauna na naman kesa sa kanila ang umento sa sahod ng mga armadong empleyado ng gobyerno, na malamang ay dahil sa mga banta ng destabilization

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa SEA Games sa Thailand, yung artista, na atleta, na Representative sa Leyte, na nakunan ng CCTV na nanakit ng opisyales ng Philippine Fencing Association sa pamamagitan ng pambabatok
  • sa Northern Police District, yung sinibak na opisyales matapos daw na magpalabas ng isang detainee 
  • yung nahuli ng NBI na administrative officer daw sa DOJ, na nabisto na nag-divert ng nasa Php 12 Million na halaga ng public funds sa mga mule account
  • kaugnay sa nangyaring raid noong 2024 sa Bataan laban sa isang suspected na scam hub, yung nasa Php 13 Million daw na halaga ng ipinababalik na nakumpiska na pera noon, na lumalabas na pinaghati-hatian daw ng 6 na pulis at pinalitan na lang ng budol money
  • sa Davao City, yung 3 nahuli dahil sa ilegal na pagbebenta ng mga baril, kung saan kabilang ang 1 pulis
  • sa Quezon City, yung 3 pulis na nanggulo sa isang KTV bar, nagkasa daw ng baril yung iba at nagbasag din ng mga bote
  • sa Bulacan, yung pulis na napatay sa engkuwentro matapos daw na mang-holdap ng isang convenience store
  • sa Porac, Pampanga, yung 5 pulis na nagnakaw daw ng nasa Php 14 Million laban sa isang private contractor
  • sa Pasig City, yung 8 pulis na miyembro daw drug enforcement unit at ang kanilang civilian asset, na inireklamo dahil sa pagnanakaw ng mga alahas at susi ng mga motor mula sa isang bahay
  • sa may Zamboanga, yung miyembro ng Marines, na nang-hostage daw ng sarili niyang girlfriend dahil sa selos sa kakagamit nung babae ng Tiktok
  • sa San Pascual, Batangas yata iyon, yung matanda na dati daw Barangay Tanod, na nakunan ng video ng concerned citizen na nanggagahasa ng isang bata
  • yung nakunan ng mga CCTV camera sa isang motel sa may Sampaloc, Manila, yung pulis na inakusahan ng isang babae ng panghahalay matapos siyang mawalan daw ng malay mula sa isang bar at bitbitin patungo dun sa motel
  • sa Cavite, yung buy-bust operation daw ng nasa 14 na pulis, na nauwi daw sa panghahalay ng team leader nila sa 18 y/o na babae, bukod pa sa may kinuha daw sa kanila na mga gamit
  • yung Police Colonel daw ng HPG, na nanggulpi at nanutok ng baril laban sa isang Patrolman, matapos daw na makainom sa kanilang party
  • yung pulis na nasa restrictive custody dahil sa kaso nila ng pagnanakaw sa POGO hub na ni-raid nila sa Bataan, na sinaksak ang kapwa niya pulis na kasama niya sa restrictive custody
  • sa DasmariΓ±as, Cavite, yung Barangay Captain na namaril at nakapatay ng kanyang kapitbahay matapos daw siyang sitahin ng biktima nang dahil sa videoke at inuman
  • sa Negros Occidental, yung pulis na nakabaril at nakapatay sa kanyang nobya
  • sa Sibulan, Negros Oriental, yung 4 na katao na napatay sa pamamaril ng 1 pulis, kung saan kabilang ang 3 kabaro nung suspek na kasama niya doon sa bar
  • sa Bangued, Abra, yung 2 pulis na namatay sa barilan ng magkakabaro sa loob ng mismong istasyon nila

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • sa Tuba, Benguet, yung dating Undersecretary ng DPWH na namatay sa bangin
  • yung umamin na yung nagbitiw na Party-list Representative, at idinamay na niya sa iskandalo ng budget insertion ang mismong Pangulo, nasa Php 100 Billion daw na halaga ng insertion ang iniutos
  • yung ayon sa isang Senadora ay may mga testigo daw sa flood control scandal ang babaliktad
  • sa rally ng isang religious group, yung claim ng isang Senadora na kesyo mga durugista daw ang kanyang kapatid na Pangulo, ang First Lady, at maging ang mga anak nila
  • kung totoo ang mga claim nung Senadora, eh lumalabas na nag-endorse ang partido nila dati at yung religious group ng durugista noong nakaraang Presidential Election 2022, na batid niya iyon pero inilihim niya kapalit ng pagkamal nila ng mga kapangyarihan sa pamahalaan
  • yung sunog sa Senate building
  • yung naging sunog daw sa bahagi ng DPWH-CAR office

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung mga ghost na super health center ng DOH na nagsimula pa sa nakaraang administrasyon
  • sa DPWH, yung sa halip pala na mapamura nila ang presyo ng mga binibili nilang materyales, eh overpriced pa pala ang nangyayari
  • yung 3 gusali daw ng LTO na ginawa ng contractor na related sa nag-resign na Party-list Representative, na overpriced na nga pero underutilized naman
  • yung tax evasion case laban sa mga DPWH engineers na dawit sa mga katiwalian sa flood control projects
  • yung may nagbitaw na nga kaagad na opisyal mula sa ICI, kahit na hindi pa nga nila nagagampanan nang husto ang kanilang purpose
  • yung 3 opisyales na kaagad ng ICI ang nag-resign
  • sa ICI, yung abunado na daw para sa operasyon nila yung iba nilang mga tauhan
  • yung kaduda-duda nang nagkakasakit yung mga taong kailangang kausapin ng ICI
  • sa Quezon City, yung nasunog na opisina ng DPWH
  • yung Representative sa Batangas, na na-tamper ng grupo ang imbestigasyon laban sa DPWH, dahil inilagay nila ang batas sa sarili nilang mga kamay para manguha ng mga record
  • yung may mga mambabatas DAW na nakitaan ng bank account na may bank transfer mula sa mga contractor
  • yung mga contractor na demanding para maging state witness sila, samantalang kasabwat sila sa katiwalian at napatunayan nang may mga ghost project
  • yung kaugnayan daw ng construction firm ng tatay ng isang Senador sa kompanya ng mga Discaya upang makakuha sila ng mga proyekto ng gobyerno sa Davao Region
  • yung pinuno sa PAGCOR, na may dating kaugnayan sa kompanya ng contractor, kung saan bahagi pa rin ang kanyang mga kamag-anak, na ang dami ng nakukuhang government infrastructure projects
  • yung Representative mula sa Surigao del Sur, na sinampahan ng kasong graft at plunder, dahil daw sa dating kaugnayan niya at sa kasalukuyan naman ay ng kanyang mga kamag-anak sa kompanya ng contractor na nakakakuha ng mga government infrastructure project
  • yung mga kompanya ng contractor na una nang na-claim ng mga Discaya na sa kanila daw, pero lumalabas ngayon sa record sa SEC na hindi naman pala sa kanila nakapangalan ang mga iyon
  • yung mga opisyales sa LGU na nagpuntahan sa iba't ibang bansa kahit pa may balita na tungkol sa mga paparating na bagyo
  • sa La Loma, Quezon City, yung napeste ng African Swine Fever yung mga litsunan doon
  • yung mga local water district na gusto nang kumalas sa deal nila sa PrimeWater, kasi nga daw ay palpak naman ang serbisyo
  • yung driver ng isang Undersecretary ng DOTr na napaaway sa isang multicab driver, kung saan gumamit sila ng sasakyan na may Protocol Plate Number 10
  • sa BIR, yung money-making scheme daw gamit yung LOA, kung saan nasa 70% daw ng nakokolekta ay hindi naman napupunta sa gobyerno
  • yung umaabot na daw ngayon sa Php 8.8 Billion ang lugi ng kasalukuyang pamunuan ng GSIS
  • yung nasilip ng COA sa SSS, yung binili daw ng mga ito na nasa Php 13 Million na halaga ng nasa lagpas 143,000 na tissue paper
  • yung nasilip din ng COA sa SSS, yung gumastos sila ng nasa Php 333 Million sa prestige awards para sa cash incentives ng nasa 6,000 mahigit na tauhan ng SSS
  • yung nasilip ng COA sa AKAP ng DSWD, yung nasa Php 926 Million daw na ayuda na napunta sa mga kuwestiyonableng benepisyaryo
  • ngayong kababagong taon lang, yung 4 na jackpot na kaagad sa lotto ang sunud-sunod na kataka-takang napapanalunan
  • bago mag-Bagong Taon hanggang sa kalagitnaan nitong January 2026, yung nasa 10 na kaagad na jackpot sa mga main game ng PCSO ang napapanalunan
  • yung pagbisto ng Secretary ng DILG sa mga katiwalian sa operasyon ng BFP
  • sa Eastern Samar, yung 16 na pulis, kabilang ang kanilang hepe, na nag-inuman sa mismong police station para sa kanilang party habang naka-duty sila
  • yung pinapadalhan na ng mga subpoena ang mga student leaders na nag-o-organize ng mga protesta laban sa katiwalian, sa halip na imbestigahan yung mga marahas na pekeng protesta ng mga kriminal na h-in-ire ng ibang kampo
  • sa Marikina City, yung lalaki na nakulong na daw ng 15 taon, pero naging magnanakaw naman ng cellphone matapos na makalaya nitong April 2025
  • yung pagpapalaya sa babaeng kinatawan ng POGO firm na Lucky South 99 mula sa Correctional Institution for Women, na Congress daw ang may kagagawan
  • yung nakalabas na daw ng bansa yung babaeng bahagi ng Lucky South 99 at hindi na siya ma-trace ngayon ng gobyerno
  • yung Senador na hindi na daw nakikita sa Senado simula noong lumabas yung balita na may arrest warrant na ang ICC laban sa kanya
  • sa COMELEC, yung wala daw problema ang pagtanggap ng isang Senador ng milyung-milyong donasyon mula sa government contractor noong 2022 election
  • yung nanalong Senador na hindi nagdeklara nang tama sa kanyang SOCE, matapos na mabuking na hindi tugma ang kanyang SALN at nakaraang SOCE
  • yung Senador na dismissed na pala dapat noong 2016, pero binaliktad daw nung nakaraang Ombudsman yung desisyon
  • yung kahit may nawalang pondo ng bayan, kahit wala namang output, eh gusto pa rin ng mga korte na may concrete na ebidensya na dumaan nga sa mga kamay ng mga suspek yung nawalang pera
  • yung ang dami na ngang nawala sa school calendar dahil sa mga sakuna, tapos nakikain pa ng weekdays ang ilang araw na rally ng isang sekta na nag-e-endorse din naman sa mga kriminal
  • noong nabuking ang Vice President nila, eh todo protekta sila at tutol sa impeachment, tapos ngayon eh nagkukunwari na naghahangad ng transparency
  • yung Senadora na todo protekta na kaagad sa Vice President dahil sa posibilidad ng renewal ng impeachment, todo sabotahe sa national budget kahit wala naman siyang inilalatag na mga ebidensya
  • yung pag-a-award ng chapter ng IBP sa Davao City sa maling tao na madaming ginawang kuwestiyonable laban sa bayan
  • sa OVP, yung nasa Php 3.9 Million daw na halaga ng mga laptop, tapos ang paliwanag lang ay clerical error daw iyon
  • yung Congressman mula sa Davao City na ayaw magpaimbestiga sa ICI
  • yung Representative sa Davao City na ayaw na ayaw na nalalaman ng minamahal nilang Imperyo na may weapon system na kayang magdepensa sa bayan kahit na papaano

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Quezon City, yung 13 y/o na estudyante na kinuyog matapos na mapagkamalan na kaaway ng mga suspek
  • sa Sampaloc, Manila, yung riot ng mga kabataan na nag-ugat lang sa masamang tinginan
  • sa General Trias, Cavite, yung 16 y/o na estudyante na napatay sa pananaksak ng kapwa nila menor de edad daw na estudyante na sinalag daw yung saksak para sa kanyang kasamahan
  • sa Tondo, Manila, yung 18 y/o na lalaki na umaawat lang daw sa rambulan ng mga basurang kabataan, na kritikal ngayon matapos na pagsasaksakin
  • yung naging Imperyalista na rin ang USA dahil sa interes nila sa supply ng petrolyo
  • yung nakakatakot na kagustuhan ng USA President na makuha na rin ang Greenland, na autonomous territory ng Denmark
  • sa Maynila, yung mga nasabat na smuggled na carrots mula sa Imperyo
  • sa Pasay City, yung Imperial citizen na dinukot ng mga kapwa niya Imperial citizen, tinakot daw na ibebenta ang kanyang mga lamang loob kung hindi siya magbibigay ng pera sa kanila
  • yung kalokohang diplomatic protest ng Imperial embassy dito sa bayan, samantalang sila nga itong nambabangga, nangwa-water cannon, at kung anu-ano pang pang-aabuso
  • yung bangka ng mga Imperyalista na pumasok sa may malapit sa area ng BRP Sierra Madre, na itinaboy ng mga lokal na sundalo, at nadiskubre na gumagamit ng cyanide sa pangingisda
  • sa may Bajo de Masinloc, yung mga bangka ng mangingisda na halos banggain na ng mga barko ng Imperyo, at tinapatan din daw sila ng LASER
  • sa Escoda Shoal, yung mga mangingisda ng bayan na tinira ng water cannon ng mga demonyong coast guard ng Imperyo, kung saan may mga nasugatan na mga mangingisda at mga nasirang bangka
  • sa may Bajo de Masinloc, yung bangka ng mga lokal na mangingisda na ginamitan ng sirena at itinaboy ng barko ng mga Imperyalista
  • malapit sa may Pag-asa Island, yung 3 barko ng BFAR na nakaangkla lang na nilapitan ng mga barko ng Imperyo, tinira ng water cannon, at binangga din
-----o0o-----


January 11, 2026...

[Natural Calamities]

kahapon..
malalakas ulit na lindol sa bandang ibaba pa rin..
nasa Magnitude 6.4 sa may area ng Davao Occidental..
nasa Magnitude 5.2 sa may area ng Davao Occidental...

is feeling , wasakin na ang mga taong pahamak...


>
kung responsable lang sana ang gobyerno..
kung responsable lang sana ang mga car owner at hindi nalabag sa mga batas..
edi sana hindi malala ang problema sa traffic..
edi sana hindi pa ganito kalala ang klima ng mundo sa ngayon... πŸ™

kaso wala eh..
nagkaroon lang ng sasakyan, ang tingin na sa entrance ng ibang bakuran eh property na rin nila..
ang tingin sa sidewalk at sa mismong kalsada eh parking area na nila..
pero galit na galit naman kapag yung entrance sa kanilang bakuran ang naharangan..
ganun kasakim ang maraming car owner dito sa bansa na ito..
ang malala pa..?
kung sino yung mga wala namang sariling bahay..
eh sila pa yung may mga sasakyan..
at kung nangungupahan man sa bahay na may garahe..
eh kulang naman yung garahe para sa lahat ng sasakyan na meron sila.. πŸ™
baka bumibili ng mga nakaw na sasakyan...??

kung may batas sana na nagbabawal sa mga walang garahe na mag-provide muna ng garahe bago makabili ng sasakyan..
o na required na umupa sa bahay na may sapat na garahe..
edi nalilimitahan sana ang mga sasakyan at ang pagkasira ng kalikasan...

is feeling , tapos magrereklamo na kesyo masasamang tao sina ano dahil ayaw pumayag na nahaharangan ang entrance sa bakuran nila.. ay mga put*ng ina ninyo...

---o0o---


January 12, 2026...

sa may Zamboanga..
yung miyembro ng Marines..
na nang-hostage daw ng sarili niyang girlfriend dahil sa selos sa kakagamit nung babae ng Tiktok...

is feeling , seloso sa viewers...


>
sa isang motel sa may Sampaloc, Manila..
yung nakunan ng mga CCTV camera..
yung pulis na inakusahan ng isang babae ng panghahalay..
matapos siyang mawalan daw ng malay mula sa isang bar, bitbitin patungo sa isang motel, at saka siya hinalay doon...

is feeling , nasaan ang consent sa walang malay na tao...??


>
sa Sibulan, Negros Oriental..
yung 4 na katao na napatay sa pamamaril ng 1 pulis, kung saan kabilang ang 3 kabaro nung suspek na kasama niya doon sa bar..
una daw binaril nung suspek yung biktimang babae..
inaresto daw siya nung 3 pulis, kung saan kabilang ang kanilang mismong hepe..
pero nagawa daw nung suspek na patayin din yung 3...

is feeling , malakas siya...

---o0o---


January 13, 2026...

sa may Bajo de Masinloc..
yung bangka ng mga lokal na mangingisda na ginamitan ng sirena at itinaboy ng barko ng mga Imperyalista...

is feeling , pag-aari nila ang buong mundo...


>
yung pagbisto ng Secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga katiwalian sa operasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP)...

is feeling , matagal na.. ngayon nyo lang ibinubuking...


>
yung pulis na nasa restrictive custody dahil sa kaso nila ng pagnanakaw sa POGO hub na ni-raid nila sa Bataan..
na sinaksak ang kapwa niya pulis na kasama niya sa restrictive custody...

is feeling , nagbubura ng testigo...

---o0o---


January 14, 2026...

[Natural Calamities]

kahapon..
sa bandang ibaba pa rin..
nasa Magnitude 5.1 na lindol..
sa may area ng Davao Occidental...

is feeling , doon na lang...

---o0o---


January 15, 2026...

yung naging sunog daw sa bahagi ng Department of Public Works and Highways Cordillera Administrative Region (DPWH-CAR) office...

is feeling , nagwawasak ba ng mga ebidensya...??

---o0o---


January 16, 2026...

sa Pasay City..
yung Imperial citizen na dinukot ng mga kapwa niya Imperial citizen..
tinakot daw na ibebenta ang kanyang mga lamang loob kung hindi siya magbibigay ng pera sa kanila...

is feeling , malulupit talaga...


>
yung kalokohang diplomatic protest ng Imperial embassy dito sa bayan..
diplomatic..?
eh sila nga itong nambabangga, nangwa-water cannon, at kung anu-ano pang pang-aabuso...

is feeling , palabas na naman...


>
[Lottery]

bago mag-Bagong Taon hanggang sa kalagitnaan nitong January 2026..
yung nasa 10 na kaagad na jackpot sa mga main game ng PCSO ang napapanalunan...

is feeling , meron talagang mali...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of January 2026 (Screen Bleeding)

Loveless Story


January 11, 2026...

tama nga naman..
dati pahirapan pang mamboso sa mga babae..
pero sa panahon ngayon..
ang dami nang nagbabalandra sa internet...

is feeling , ginusto nila eh...


>
end of postwork..
inabot ng 7 days..
bale 36 days lahat-lahat..
tanggal na sa bilang yung 7 araw na wala akong nagawang trabaho...

tapos na rin sa proofreading...

is feeling , promotional materials na lang ang kulang...

---o0o---


January 13, 2026...

kapag inilabas ko yung pera ko mula sa bangko..
walang matitira doon kundi yung pambayad utang ko na hindi naman sinisingil sa akin...

nakakapagod nang maging loser..
walang kakayahan na bawiin ang ipinautang na pera..
walang kakayahan na mabawi ang mga pera na naipasok sa cryptocurrency... πŸ™

takam na takam na ako..
pero wala akong magawa para matakasan ang mga kamalasan na meron ako... πŸ™

is feeling , hindi ako pwedeng maka-recover...


>
[Gadget-Related]

malas talaga..
so last year ko lang napalitan yung Lazada phone ng biological mother ko..
gamit yung mga napaglumaan na phone na ibinibigay sa amin..
halos kabibili ko rin lang ng bagong case para dun..
pero heto..
hindi pa nagtatagal ng 1 taon sa akin, eh bumigay na kaagad ang screen..
multiple bright lines kaagad ngayong umaga, na humaharang sa display..
sayang dahil maganda pa ang lagay ng battery niya..
problema ko na naman kung ano ang ipapalit ko dito... πŸ™

is feeling , kapag malas ka, eh malas ka...


>
nakatapos na rin sa promotional images..
tapos na nang tuluyan sa project #27..
5 na sila ngayon na naghihintay pa kung kailan pwede at safe na i-release...

is feeling , balik na kayo mga supporter.. at yung ibang pwedeng mag-support, hanapin nyo naman ako...

---o0o---


January 14, 2026...

[Gadget-Related]

wala na..
ang bilis nang mag-degrade nung phone.. πŸ™
kahit na kahapon lang naman siya nagsimulang magkaroon ng issue sa screen...

mula sa isang bright vertical line..
hanggang dumami yung mga linya, at nagdikit-dikit na para mabuo..
hanggang sa napatunangan pa ng ilang brighter lines..
tapos ngayong umaga eh nagsimula na siyang magkaroon ng mga purple na blot..
na ang bilis din na dumadami at tumitingkad... πŸ™

lumalabas na screen bleeding ang issue niya..
na mauuwi sa purple screen of death..
nagkaganun kaagad siya kahit na ni hindi naman siya nababagsak...

is feeling , ang sakit-sakit ng ganitong klase ng ubod ng malas na buhay...


>
[Gadget-Related]

ano nga ba ang nagawa kong mali na naman..?
masikip ba yung phone case kaya masyadong nahigpitan yung bandang screen..?
o mali ba na gumamit ako ng power saver lately..?
o dahil ba laging naka-AOD (Always On Display) yung paggamit nila dun sa phone dati...??

ano man ang dahilan..
wala na ring magagawa..
lalong kumakalat yung purple na blot sa tuwing manggagaling yung phone sa pag-sleep...

is feeling , bakit ba ang malas-malas mo...??


>
nakalipat na rin ang mga template sa 2026..
mga panibagong project na lang ang kulang...

is feeling , ang hirap magpatuloy kapag tuluy-tuloy din ang pagdurog sa'yo ng buhay...

---o0o---


January 15, 2026...

[Gadget-Related]

2nd fallen Lazada phone na kaagad..
fallen as in nasira, hindi literal na nabagsak..
pare-parehas na mga Imperial phones..
in less than a year... πŸ™

wala eh..
3rd day pa lang simula noong sumulpot yung damage sa screen..
pero pabigay na kaagad..
mahirap nang gamitin, dahil maraming spot na yung hindi nakikita..
kaya naman kinailangan nang i-factory reset, bago pa mahuli ang lahat...

naubos ang umaga ko..
nag-copy ng files, in case na kailanganin nung original na may-ari nung phone..
kinailangan pa yung data cable ng biological mother ko, na doon ngayon tumitigil sa bahay ng isa kong biological brother..
sunod ay nagbura ng contacts..
then nagbura ng application programs..
nagbura ng media files..
at saka idinaan sa factory reset...

is feeling , sikreto ng mga malas...

---o0o---


January 16, 2026...

noong isang araw, may nagpadala sa akin ng private message doon sa community na nangungumusta..
na para bang kakilala niya ako..
kaya naman tinanong ko siya kung sino siya...

ngayong araw, nabasa ko na yung reply niya na mula kahapon..
at nagpakilala siya bilang si Attendant M..
tanda niya ang account ko..
o mas tama sigurong sabihin na isa ang account ko sa mga natatandaan niya...

pero bakit..?
graduate ka na..
pwede ka nang magtrabaho sa kung saan mang hospitality-related na field...

is πŸ’” feeling , huwag mo akong yayayain ha.. kasi matatanggihan lang kita...

-----o0o-----


[Sports]


January 10, 2026...

ayun..
malungkot..
kinapos si Alex Eala sa Semifinals..
natambakan siya ng 1-5 sa Set 1, kaya akala ko noon na wala na..
pero nagawa niyang baliktarin yung laban at nakuha yung set sa 7-5..
lamang siya sa Set 2, 5-3, at nasa match point na sana siya..
akala ko naman noon na makakatawid na siya ulit sa Finals..
pero magmula sa punto na iyon eh nahirapan na si Eala na matapos ang bawat lead at Advantage niya..
according sa commentator ay nagbago ang laro ni Eala dahil sa posibleng lower back problem..
umabot ng Set 3 ang laban, pero maaga nang nakakuha ng mga Game yung kalaban para makuha yung match..
nakaraming puntos pa rin naman si Eala, kaso ay huli na... πŸ™

tinalo sila ng mga Imperyalista sa Doubles kahapon..
at tinalo muli siya ng isang Imperyalista sa Singles..
hanggang ngayon nagpapatuloy pa rin ang problema ni Eala laban sa mga Asian sa loob ng WTA na mga tournament... πŸ™

si Iva Jovic din..
hirap i-maintain ang lead niya laban sa 1st seed..
kaya naman hanggang Semifinals din lang ang inabot niya, katulad ni Eala... πŸ™

is  feeling , malungkot.. but still a good run...

-----o0o-----


January 10, 2026...

[Trade]

day 760...

stable ang lahat..
walang kuwenta..
walang pakinabang... πŸ™

is feeling , wala talagang nangyayari na maganda...

---o0o---


January 11, 2026...

[Trade]

day 761...

ganun pa rin..
patuloy lang sa pagbibilang sa mga araw ng kamalasan... πŸ™

is feeling , wala na itong katapusan.. itinakda na ng mga makapangyarihan...

---o0o---


January 12, 2026...

[Trade]

day 762...

bumigay na ang level ng ARDR..
pero malayo pa ulit sa dati nilang mababang level..
ang TNSR naman eh kulang pa rin sa pagbaba... πŸ™

is feeling , palapit nang palapt ang sunod na Imperial New Year...

---o0o---


January 13, 2026...

[Trade]

day 763...

umangat na naman ang Bitcoin..
walang kuwenta...

umaangat..
pero wala ng value ang AXS..
wala ng value ang SLP..
wala ng value ang LUNC...

is feeling , lahat na lang ng ginagawa ko eh mali...

---o0o---


January 14, 2026...

[Trade]

day 764...

tumaas pa ulit ang Bitcoin..
tumaas ang ARDR..
tumaas ang TNSR..
tumaas ang AXS, pero supot naman kumpara sa USD 10 each... πŸ™

is feeling , tumaas ang mga demonyo...

---o0o---


January 15, 2026...

[Trade]

day 765...

bumaba na kaagad ang AXS..
kahit na hindi pa naman nila naaabot ang USD 10 na palitan ulit... πŸ™

may USD 120 plus sana ako sa Ronin wallet ko..
pero wala..
lugi ang lahat... πŸ™

is feeling , Php 85,000 ko.. bumalik na kayo sa akin...

---o0o---


January 16, 2026...

[Trade]

day 766...

walang kuwenta pa rin ang galaw ng ARDR at TNSR..
sayang naman yung 30% increase sa AXS..
kaso hindi ko na alam kung paano pa ako magte-trade... πŸ™

is feeling , wasak na wasak na ang buhay ko...