Loveless Story
September 1, 2025...
noong isang araw..
nag-message ako sa may-ari ng paupahan na bahay sa tabi namin..
para sana sila muna ang magpayo sa kanilang tenant na irespeto naman ang mga kapitbahay nila..
unfortunately..
ni hindi man lamang nag-reply..
na akala mo naman eh hindi nila sa amin ibinibilin ang kanilang bahay dati, maging noong buhay pa ang kanilang ama..
naging mukhang pera na lang talaga yung mag-asawa... 🙁
so ayun nga..
bukod sa commercial space na yung bahay na iyon..
na walang bahagi nung malawak na parking area ang ginagamit para sa parking..
eh ginawa na rin nilang tindahan ang mismong tapat ng bahay namin..
doon araw-araw nakabalandra ang food cart na sila ang naggawa..
labag sa Republic Act No. 4136..
kasi ginawa nilang permanent parking yung sidewalk..
isa din sila sa dahilan ng pagbigat ng traffic sa may area namin..
at ewan ko kung anong batas ang nilalabag nila sa paggamit sa sidewalk bilang tindahan... 🙁
unfortunately ulit..
gusto ko sanang magreklamo muna sa Barangay bilang anonymous texter..
kaso, wala namang mobile number yung Barangay namin..
may landline naman..
pero kami naman yung tinanggalan na ng landline service ng Globe dati pa... 🙁
is
feeling , ano ba talagang klase ng buhay ito...??

>
inaabuso ako..
inaabuso kami..
dahil sa taglay kong kamalasan..
yung respeto sana na ibinibigay by default..
yung mga batas sana na dapat ay sinusunod..
hindi nila ginagawa dahil markado ako ng d*e will be done... 🙁
kailangan ko talaga ng kakayahan na magbura ng existence ng mga tao nang hindi ako mate-trace..
yung pwede ko silang tapusin, anytime, anywhere, at hinding-hindi ako mahahabol ng batas ng mga tiwali..
sa ganung paraan lang ako magiging payapa...
is
feeling , demonyo ang lahat, dahil sa taglay kong lubos na kamalasan...

---o0o---
September 4, 2025...
[Gadget-Related]
ayun..
so nasira na yung phone kung nasaan yung Lazada na ginagamit ko..
may naka-ready naman na phone na paglilipatan..
ang tanong lang ay kung maisasalba ko ba lahat ng mga pinaghirapan ko na LazRewards..??
at kung maisasalba din ba lahat ng game progress ko...??
mabuti na lang at na-restore naman lahat kahit Google Play ng ibang Google account ang gamit ko..
sapat na yung add new account at gamitin yung original Google na katambal nung Lazada app..
naubos ang maraming oras ko, sa halip na nakagawa ako ng 3D..
pero okay na 'yon, basta hindi nasayang lahat ng mga pinaghirapan ko simula pa noon...
yun lang..
hindi ma-factory reset yung phone dahil sa sira sa touchscreen..
kaya naman hindi pwedeng ibenta yung sirang phone sa iba...
is
feeling , tuluy-tuloy lang ang grind ng LazRewards...

>
problema na naman.. 🙁
so matapos kong dumaan na dati sa age verification..
ngayon naman eh under review na ulit ang platform ko..
hindi ko alam kung bakit..
siguro kasi sinabi ko na ipinatupad para sa lahat ng creators yung flexible na monthly subscription..?
kung saan may kakayahan ang mga kliyente na magkaroon ng access for multiple months, depende kung kailan sila nagsimula ng kanilang subscription..
na unfair naman para sa mga kagaya ko na nagri-release ng content sa first week ng kada-buwan, para madaming time allowance ang mga kliyente na i-download kung anu-ano man yung nakalaan para sa tier nila...
is
feeling , wasak na naman ang buhay...

-----o0o-----
[V-League]
PVL Invitational Conference 2025 (Battle for Third)
August 31, 2025...
Creamline versus Tiggo..
di pa masyadong marami ang live audience...
Set 1, unang nakalamang ang Creamline, okay naman ang services nila pati ang blocking, hindi nga nakalapit sa kanila ang Tiggo dahil sa kanilang 3 kill blocks and 3 service aces..
Set 2, dikitan at palitan ng kalamangan sa simula, okay ang performance ni Torres bilang Libero, nagawang makakalas ng Creamline dahil sa kanilang offensive blocking, at tuluyan na nga nilang iniwanan ang Tiggo dahil nakuha nila lahat ng scoring stats..
Set 3, una nang nakaagwat ang Tiggo, bumaba ang kill blocks at service aces ng Creamline, double substitution nina Dimaculangan at Bernardo, at nagawa nga nilang maging dikitan yung laban, at nagawa rin nilang maagaw yung set mula sa Tiggo...
3-0, panalo ang Creamline..
at muli nga nilang nadepensahan ang podium mula sa ibang teams...
Awards:
- First Best Outside Spiker - Galanza
- First Best Middle Blocker - Panaga
is
feeling , salamat sa magandang laro, team.. para kina Morado at Galanza...

-----o0o-----
August 30, 2025...
[Trade]
day 627...
pinabagsak na ulit nila ang C sa level 19.4 nitong umaga...
1 month na bukas simula noong pumasok ako sa kanila..
ibig sabihin na ganung katagal ko nang sinu-suppress ang potential ng C..
dahil lang sa taglay ko na maysa-demonyong level ng kamalasan... 🙁
nitong gabi nang mag-pump na ulit ang C..
level 19.4 to 23..
USD 77 sana iyon para sa akin..
level 21.3 to 22.9 yung sumunod..
USD 30 naman sana iyon... 🙁
is
feeling , kailangan ko lang talagang makalaya na.. bukas sana...

---o0o---
August 31, 2025...
[Trade]
day 628...
nag-pump ulit ang C ngayong araw..
level 21.2 to 23.9..
USD 52 sana iyon para sa akin..
level 22.3 to 23.6..
USD 23 sana iyon..
level 22.1 to 23.6 ulit..
USD 27 sana iyon... 🙁
at nangyari na nga..
1 month na ako sa C..
pero hindi pa rin ako nakakalaya... 🙁
is
feeling , d*e will be done...

---o0o---
September 1, 2025...
[Trade]
day 629...
so nanaginip ako kagabi na nakabalik na daw sa lagpas level 30 ang C..
around level 37..
naisip ko tuloy na baka pumalo na sila sa level 50 habang natutulog ako..
at na paggising ko ay baka malaya na ako, nang may kaunting na-recover na pondo...
pero hindi..
dahil kapos pa rin sa entry point ko ang naging pump kagabi ng C..
level 22.4 to 26.7..
USD 79 sana iyon para sa akin..
pero muli na naman silang bumagsak, dahil na rin sa hila ng Bitcoin... 🙁
level 21.3 to 22.5 yung huli nilang naakyat, bago sila muling bumaba..
USD 23 sana iyon para sa akin... 🙁
is
feeling , d*e will be done...

---o0o---
September 2, 2025...
[Trade]
day 630...
heto..
luging-lugi na naman..
naka-recover sana ako kahit papaano hanggang USD 348..
pero sa halip ay nasa USD 260 plus na lang ulit ako..
dahil sa taglay kong kamalasan... 🙁
level 20.1 to 22.1 ang naakyat ng C ngayong araw..
USD 41 sana iyon para sa akin... 🙁
is
feeling , d*e will be done...

---o0o---
September 3, 2025...
[Trade]
day 631...
bumagsak din ulit ang C..
hanggang level 20.5 naman..
pero umakyat din ulit ngayong araw..
di ko pa lang alam kung anong magiging peak...
is
feeling , gusto ko lang talagang maranasan na magising isang araw na naisalba na lahat ng pondo ko na nawalan ng value sa Binance...

---o0o---
September 4, 2025...
[Trade]
day 632...
level 20.5 to 22.6..
USD 42 sana iyon para sa akin..
level 21.8 to 23.2..
USD 26 naman sana iyon..
level 22 to 23.1..
USD 20 naman sana iyon... 🙁
pero hapon nang nagsimula na naman silang bumagsak... 🙁
sa ngayon eh umaabot na sa USD 25,000 lahat-lahat ng napapakawalan kong pagkakataon sa Binance..
dahil lagi namang nagpa-pump lang ang lahat ng assets sa ilalim ng entry point ko... 🙁
is
feeling , d*e will be done...

---o0o---
September 5, 2025...
[Trade]
day 633...
bumagsak na naman ang C sa level around 20..
hanggang level 20.8..
dahil sa patuloy na panggugulo ng Bitcoin...
level 20.8 to 22.6 ang naakyat nila ngayong araw..
USD 35 sana iyon para sa akin.. 🙁
pero naging pababa na naman ang direksyon nila ngayong gabi...
is
feeling , tama na ang maysa-demonyong trato laban sa akin...

No comments:
Post a Comment