Saturday, August 2, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Days of July 2025 (Right But Wrong)

Loveless Story


July 26, 2025...

19 days after kong mag-reboot sa paggawa ng project #24..
nakatapos na rin ako sa wakas sa pagbubuo ng lahat ng kailangan kong eksena..
rendering at postwork na lang ang kulang...

at dahil mabilis na nga ang rendering ng computer ko sa ngayon..
kumpara sa dati..
eh madali na rin lang para sa akin ang mag-provide ng mas maraming bonus images...

is feeling , wala ng direksyon sa buhay dahil sa matinding kamalasan.. pero walang ibang option kundi ang magpatuloy...

---o0o---


July 27, 2025...

nakatapos na sa rendering ngayong araw..
kaya nagsimula na rin kaagad sa postwork...

madami din nga palang issue sa rendering ang latest na 3D software na gamit ko..
skin translucency..
shine o reflective quality..
shadow quality..
hindi kasing-ganda nung dati kong ginagamit na software...

is feeling , trabaho lang.. kahit wala ng direskyon...


>
for the 4th consecutive time..
eh tama na naman ako..
pero kahit madalas na tama ang mga prediction ko..
hinding-hindi ko naman pwedeng ma-enjoy ang pagiging tama..
dahil ang existence ko mismo ang pipigil na mangyari yung magagandang bagay..
ipinagbabawal para sa akin na maranasan na maging tama... 🙁

is 💀 feeling , nilikha lang ang ibang nilalang, para magtapos ang buhay nila...

---o0o---


July 29, 2025...

kapag gusto kong pumasok sa asset sa mababang halaga..
eh sabog nang sabog nang paitaas yung asset..
samantalang kapag pumapasok naman ako sa mukhang mababa ng level ng asset..
eh palagi naman silang mas bumababa pa mula doon... 🙁

is feeling , perfect reverse...

---o0o---


July 30, 2025...

[Strange Dream]

nagpunta daw kami sa isang lugar na unfamiliar para sa akin..
kasama ko daw ang ilang kadugo, particularly ang pamilya ng Ninong at Ninang ko..
hindi ko din alam kung anong ginagawa namin sa lugar na iyon..
basta nasa 2 palapag yung establishment at may ilang rooms...

hanggang sa may dumating daw na ibang tao..
family of 4 o 5 yata..
completely unfamiliar din para sa akin..
mga mukha na hindi ko alam kung saan nakuha ng utak ko..
karamihan sa kanila eh may kanya-kanyang ginawa doon sa establishment, clinic yata iyon o something similar..
pero yung kasama nilang dalaga ay nanatili lang sa may corridor sa ground floor...

surprisingly, parang nakuha ko yung atensyon nung babae nang dumaan ako sa may likuran niya..
nakaharap lang kasi siya noon sa isang room habang naghihintay sa mga kasamahan niya..
then for some reason ay sinubukan niyang makipag-chat sa akin..
di ko tanda kung nagpakilala ba kami sa isa't isa..
kaso parang tinatawag na ako that time para umalis na kami..
hanggang sa iniabot niya sa akin ang kanyang kanang kamay para makipag-handshake..
sakto naman na may hawak noon ang kanan kong kamay kaya nalito ako kung ano bang dapat kong gawin..
bigla ko na lang tuloy naiabot sa kanya ang bakante kong kaliwang kamay, kaya left hand na tuloy ang napagkamay namin..
nahiya na lang ako sa kanya kasi parang may mali sa nagawa ko..
tapos napansin ko na maluha-luha na ang kanyang mga mata noon..
tinanong niya ako kung magkikita pa kaya ulit kami, na para bang gusto niya talaga na makita pa akong muli..?
pero sumagot naman ako na baka hindi na siguro..
at nagpaalam na nga ako sa kanya, kung saan parang gusto pa niyang gumawa ng paraan para makita niya ulit ako...

after that ay nagpunta na kami ng mga kasama ko sa parang bakanteng warehouse sa tabi lang nung establishment..
luma na iyon, may mga halaman nang tumutubo sa pader, at may mga opening na sa pader at bubong..
sa loob pala nun naka-park yung mga dala naming sasakyan..
hanggang sa niyaya na ako ng biological brother ko na sumakay sa kanilang van dahil uuwi na nga daw kami...

is feeling , utak, kung anu-anong character ang nire-render mo...

-----o0o-----


[V-League]


PVL on Tour 2025


July 29, 2025...

wala namang laban ang Creamline..
pero may nangyari na panggulo sa liga..
kung titingnan kasi dati ang stats ng Tiggo, eh mukhang sila ang pinakamalakas sa Pool B..
kasi tinalo nila ang Cignal, na tumalo noon sa Creamline..
pero tinalo nga sila ng Creamline sa match nila..
kaso naging alanganin pa rin ang Creamline dahil natalo sila ng Zus...

pero anong nangyari ngayong araw..?
winasak ng Zus ang goal ng Tiggo na makapag-shortcut papasok sa Quarterfinals..
pinuwersa nila ang Tiggo hanggang Set 5..
kaya naman bukod sa nanalo ang Zus..
eh nawasak din nila ang points ng Tiggo, kahit pa nagtabla ito sa ranking ng Creamline..
dahil dun ay napadali na naman tuloy ang buhay ng Creamline, at sila pa talaga ang makakaabante sa Quarterfinals...

is feeling , salamat sa Zus the Destroyer.. last conference nyo pang ginagawa 'yan...

---o0o---


SEA V.League 2025


August 1, 2025...

Philippines versus Thailand..
#1 kaagad sa Southeast Asia ang kalaban..
akala ko na posibleng manalo ang Philippines this time..
hindi kasi nakadikit sa kanila ang Thailand sa Set 1..
tapos extended ang laban nila sa Set 2..
pero wala nang nagawa ang Philippines sa mga sumunod na set...

3-1, panalo ang Thailand...

is 💔 feeling , sorry, Morado at Nitura.. Indonesia na lang ulit ang pag-asa na matalo...

-----o0o-----


July 26, 2025...

[Trade]

day 592...

bumaba kagabi ang Bitcoin..
damay ang C..
pero kapos para makapasok ako sa mababang level... 🙁

level 30 to 33.7..
USD 51 sana iyon para sa akin... 🙁

is feeling , unang araw pa lang pero sablay na agad...

---o0o---


July 27, 2025...

[Trade]

day 593...

unang araw pa lang, pero ang dami ko na nga kaagad kapalpakan sa C..
level 31.7 to 37.2..
USD 72 sana iyon para sa akin..
level 33.8 to 38.7..
USD 60 naman sana iyon..
level 36.8 to 38.6..
USD 20 din sana iyon... 🙁

lagpas USD 200 na kaagad... 🙁

is feeling , papasukin nyo naman ako...

---o0o---


July 28, 2025...

[Trade]

day 594...

kapos pa rin sa pagbaba ang C..
hindi ko alam kung anong magiging epekto sa kanilang ng paparating na Federal Open Market Committee meeting..
kung tataas na ba sila patungo sa USD 1.00..?
o kung matatakot ba sila, at aatras muna sa USD 0.25...??

is feeling , basta papasukin nyo muna ako...

---o0o---


July 29, 2025...

[Trade]

day 595...

umangat na ulit kaagad ang C..
kahit na red pa ang market..
hanggang level 32.7 lang ang ibinaba nila kahapon..
mula sa ganung level hanggang 39.9, eh USD 91 sana para sa akin.. 🙁
level 36.2 to 39.2 yung short na sumunod..
USD 34 sana iyon para sa akin...

magtatanghali naman nang bigla na lang silang nag-pump..
level 36.2 ulit, pero hanggang 46.5 na..
USD 118 sana iyon para sa akin.. 🙁
pero pump then dump yung nangyari..
nag-retrace tuloy ang C...

is feeling , FOMC na bukas o sa sunod na araw.. kailangan kong makapasok sa okay na level ng C...

---o0o---


July 30, 2025...

[Trade]

day 596...

at nagpatuloy nga sa pamumula ang market..
nag-retrace ang C hanggang level 31.8..
tapos nag-recover hanggang 34.2..
USD 31 din sana iyon para sa akin... 🙁

sa ngayon ay hindi pa rin naman ako nakakapasok sa C..
malapit na sila sa target kong level..
pero nakakatakot na baka bumaba pa sila hanggang sa level 25...

is feeling , yung sakto lang, C...

---o0o---


July 31, 2025...

[Trade]

day 597...

at kinapos pa rin talaga ng baba ang C sa kabila ng latest na FOMC meeting..
hanggang level 30.7 lang ang ibinaba nila..
kapos para sa target ko na level 30... 🙁

pagabi na nang nakapasok ako sa C..
USD 30.7 to 33.8 yung naakyat nila ngayong araw..
USD 41 sana iyon para sa akin.. 🙁
pero di nga nila ako hinayaan na makapasok..
at nito namang nakapasok na ako, eh mas bumaba na naman sila mula sa entry point ko...

at ganun-ganun na lang..
lagpas USD 500 na kaagad ang mga napapakawalan kong kita sa C in just a few days... 🙁

is feeling , ano na naman...?

---o0o---


August 1, 2025...

[Trade]

day 598...

palpak na naman nga ako..
originally, gusto kong makapasok sa C sa level 25..
di natupad, at basta na lang nila inabot yung level 45..
kahapon, gusto ko sanang pumasok sa level 30..
pero kinapos ang pagbaba nila..
sunod kong target yung level 31.5, muli lang silang umangat..
nag-adjust ako sa level 32, pero umangat na naman sila..
at ngayon namang nakapasok na ako sa mahal na level 32..
eh saka sila nagsibalik sa mga dati kong target na entry point... 🙁

lagpas 3 level na yung ibinaba nila mula sa entry point ko..
umabot pa sa 28.8... 🙁

is 💀 feeling , activated Reverse Midas...


No comments:

Post a Comment