Saturday, August 2, 2025

Do Dirty Ribbon Committee

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is πŸ’€ feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is πŸ’€ feeling , day 1848...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..

update (512 + 501 + 205 + 86 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • mahalaga daw ang mental health, pero walang nagpapahalaga sa mental health ng mga non-pet owner na inaabuso ng mga pet owner at ng mga pet na dumi nang dumi sa tapat ng mga bahay nila

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung 9 na tauhan ng Customs na sinibak dahil daw sa reklamo ng pangingikil sa may NAIA Terminal 3
  • yung sinibak na 5 airport police sa NAIA dahil nangingikil daw ng 40% sa mga taxi driver doon
  • sa General Santos City, yung 5 pulis na inireklamo dahil sa pangingikil sa isang motorista
  • sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, yung 2 opisyales ng BuCor na nabisto sa tangkang pagpapapasok ng kahon-kahong alak at sigarilyo
  • yung 2 junior officer na nag-file ng rape case laban sa isang high-ranking Philippine Air Force official, through sexual assault daw
  • sa Ilocos Sur, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa tangkang sextortion
  • sa isang hotel sa Tuguegarao City, yung nakunan ng video na 2 opisyales ng LTO, na nakitang nananakit ng 2 daw na binatilyo doon sa event
  • sa Argao, Cebu, yung lalaking pinatay sa pamamaril ng SK Federation President nang dahil lang daw sa selos
  • sa DasmariΓ±as, Cavite, yung Barangay Captain at 2 Kagawad na napatay sa pamamaril ng isang Barangay Tanod habang nasa flag ceremony sila
  • sa Davao City, yung babaeng negosyante na napatay sa pamamaril ng karelasyon daw nito na pulis

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung dating Spokesperson na nasa 3 daw ang passport ayon sa DOJ

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung napasok na rin ng Monkeypox ang probinsiya ng Iloilo
  • yung napapasok na rin ng Monkeypox ang iba pang rehiyon sa bayan
  • yung 500% na pagtaas ng naitala na kaso ng HIV para daw sa age group na 15 to 25 y/o
  • yung ginulpi dati na PWD na lumalabas na may violent tendencies talaga, na malaya pa ring nakakaperwisyo doon sa EDSA Bus Carousel
  • yung pambabarat ng mga trader sa palay ng mga magsasaka, kasi kesyo daw ay may Php 20 ng bigas
  • sa Benguet daw, yung itinatapon na yung ibang carrots dahil sa oversupply
  • sa bagong pamunuan ng DOTr, yung higit daw sa kalahati ng mga napautang na para sa jeepney modernization ang hirap namang makabayad
  • yung 2 traffic enforcer na lumabag sa batas gamit ang kanilang mga sasakyan, na t-in-icket-an ng MMDA
  • sa Baguio City, yung hepe ka sa LTO, pero nahuli ka dahil sa drunk driving
  • yung nagagamit na ngayon yung mga Dalian train para sa MRT, bagay na hindi ginawan ng paraan ng nakaraang administrasyon
  • yung lumalabas na palpak yung safety bollards sa NAIA na kasama sa projects para doon sa airport noong 2019, Php 8 Million daw yung budget para dun kaso nabuking na iyon yung mababaw lang ang pagkakabaon
  • yung regular na mahabaang brownout sa Siquijor dahil sa kapalpakan ng supplier nila ng kuryente, na pagmamay-ari din ng pamilya ng mga Senador
  • sa OWWA, yung hindi aprubadong pagbili ng nasa Php 1.4 Billion daw na halaga ng lupain ng dating administrator last year
  • sa GSIS, yung mga opisyales na bumili ng nasa Php 1.45 Billion na halaga ng shares sa Alternergy Holdings Corporation
  • yung namigay nang namigay ng lisensya ang PAGCOR sa mga online gambling company, pero ngayon ay target na silang i-ban ng ilang mga Senador
  • yung Senador na gustong i-regulate ang mga online streaming platform, samantalang regulated na yung age ng mga user ng kanilang payment processor, at yung may-ari na lang ng account ang dapat gumabay sa minors na pagagamitin nila nung account
  • kay Senator Hontiveros, yung laging tinataniman ang panig niya ng mga testigo na bigla na lang binabaliktad ang mga nauna nilang testimonya
  • yung naganap daw na pagbabawas ng boto ng ilang transparency server para sa eleksyon, kesyo may mga nagdoble daw kasi ng transmission kaya itinama
  • sa Dumaguete at Zamboanga, ayon sa PPCRV, yung hindi nagtugma ang actual na bilang ng mga bumoto kumpara sa mga balota na nabilang, di hamak na lamang yung nabilang na balota kumpara sa naging botante
  • yung mga reklamo na mali daw ang nabilang na kandidato sa resibo, kumpara sa totoong mga ibinoto nila
  • sa social media, yung pagkalat ng mga pekeng election survey gaya nung para sa Davao City
  • yung tagapagtanggol noon ng anomalous deal sa Pharmally ang head na ngayon ng Senate Blue Ribbon Committee
  • yung interpretation ng Supreme Court na nalabag daw ng impeachment laban sa Vice President yung 1-year rule
  • yung mga Senator judge na nag-aabogado para sa mismong nasasakdal
  • yung manipulasyon ng maraming Senator judge sa impeachment case, sa pamamagitan ng pagbabalik nung articles of impeachment sa Lower House
  • yung Senador na itinuturing kaagad na witch hunt lang ang impeachment laban sa Vice President
  • yung Senador na kakampi ni Tanggol sa paglaban sa katiwalian, pero ayun at takot palang lumaban sa katiwalian sa totoong buhay
  • yung Senador na matapang lang sa pakikipaglaban sa kasamaan sa mga programa nila sa TV, pero takot din palang bumangga sa alyansa ng mga tiwali
  • yung Senador na nakipag-argue pa, may party-list pa sila na lumalaban kuno sa kuropsiyon, pero kasama din naman pala siya sa mga magmamanipula sa konstitusyon
  • sa Senado, yung video na nagpapakita na talagang kaalyado ng mga tutol sa impeachment trial ang 1 akala mo eh partial na Senador, para guluhin sa pagsasalita ang 1 Senadora na pabor na bigyan ng katarungan ang bayan
  • yung Senador na nag-endorse ng AI-generated video, kung saan gumamit ng parang estudyante na pinapalabas na pamumulitika lang ang impeachment laban sa Vice President
  • yung walang pakialam yung isang Senador kung FAKE AI news ang ipinapakalat niya
  • yung Senador na gumawa ng Senate resolution para ibasura na kaagad ang impeachment laban sa kaalyado nilang Vice President
  • yung FAKE news ng isang Senador, na kesyo guided siya ng holy spirit
  • yung Senador na gumawa naman ng Senate resolution para i-dismiss na kaagad ang kaso ng impeachment laban sa kaalyado nilang Vice President
  • yung Senador na gustong magpasunog, na patunay na ang katapatan niya ay hindi para sa bayan, kundi para sa kaalyado niyang angkan lamang
  • yung Senador na naninindak ng kapwa niya Senador, dahil lang sa hindi kaagad masunod ang kagustuhan ng alyansa nila na maibasura na kaagad ang impeachment case laban sa kaalyado nilang Vice President
  • yung mga walang kuwentang Senador na sang-ayon sa Supreme Court na protektahan ang katiwalian
  • yung kasalukuyang Mayor ng Davao City na binatikos ang pagtalaga sa latest na PNP Chief, samantalang ang tatay niya mismo ay nagtalaga kaagad ng 1-Star General lamang bilang PNP Chief noong panahon nito
  • yung Mayor ng Davao City na nag-endorse din nung AI-generated video na nagpapakalat ng FAKE na opinyon ng kabataan
  • yung acting Mayor ng Davao City na gustong makipagsuntukan sa PNP Chief
  • yung suntukan daw na walang gloves ang gusto, puwerket mas bata siya
  • yung Representative mula sa Davao City na kinasuhan ng physical injuries at grave threats
  • yung pagpabor ng Vice President sa pagpapakalat ng AI-generated content na nagpapakalat ng FAKE news
  • yung ipunin daw ang tubig-baha at i-deliver sa MalacaΓ±ang, na para bang may nagawa ang kanyang ama noon upang masolusyunan ang mga problema sa pagbabaha
  • yung FAKE news ng Vice President na kesyo ang mga Senador na sumusunod sa konstitusyon at lumalaban sa katiwalian DAW ang mga bias

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung lumalabas na majority ng mga botante sa kabuuan ng Mindanao at sa Cebu Province eh supporters at protektor ng katiwalian
  • sa Abra, yung nakunan ng video na 2 poll watcher na nagse-shade ng mga balota para sa mga botante
  • yung walang kuwentang survey na nagpapakita na pabor ang maraming botante sa mga kriminal
  • yung panibagong walang kuwentang survey tungkol sa impeachment, kesyo 42% daw ng 1,200 ang gustong protektahan ang katiwalian
  • yung mga mamamayan na naloko ng FAKE news tungkol sa CMEPA at mga savings account sa banko
  • yung ang seselan ng mga lokal na mamamayan, siguro 2021 to early 2022 pa pinagpapaslang yung mga nawawalang sabungero, pero ngayon pa sila nandidiri sa mga isda mula sa Taal Lake
  • yung nasa 9 na aso na namatay matapos na kumain ng kanin na may lason dahil pinabayaan lang silang nakakawala ng kanilang mga amo sa kabila ng abiso
  • yung rider na aksidenteng nabundol ng SUV dahil sa biglang pagtawid ng isang walang kuwentang aso, na ikinamatay ng kanyang angkas
  • sa Boracay, yung anak at pamangkin ng isang Senador na basta na lang ginulpi ng mga kalalakihan
  • sa Santiago City, Isabela, yung solo rider na basta na lang binugbog at pinalibutan ng isang grupo na may mga naka-motor din
  • sa Isabela City sa Basilan, yung estudyante na binugbog ng 2 kapwa niya estudyante matapos daw tumanggi nung biktima na gumamit ng sigarilyo
  • sa Bambang, Nueva Vizcaya, yung babaeng estudyante na binugbog ng mismong mga kaibigan niya sa labas ng paaralan, na nagsimula lang daw dahil sa negatibong komento
  • sa Makati City, yung French daw na tinurukan ng pampatulog ng mga lokal na mamamayan habang nakasakay sila taxi upang mapagnakawan
  • ang patuloy na paghahasik ng lagim ng Houthi sa Red Sea sa pamamagitan ng pagpapalubog ng mga cargo ship
  • yung pagsisimula naman ng Israel ng giyera laban sa Iran
  • yung nasa lagpas Php 40 Million na halaga ng smuggled vape products na galing sa Imperyo na d-in-eclare daw na mga gamit sa kusina
  • yung paglaganap daw ng iba't ibang klase ng sakit sa hanay ng mga nahuling illegal POGO workers
  • yung Imperial citizen na naaresto sa NAIA, nagpanggap daw kasi bilang lokal na mamamayan at gumamit ng mga pekeng dokumento
  • sa Sual, Pangasinan, yung nasa 9 daw na menor de edad, na mga lokal na mamamayan, na sinamantala ng mga Imperial citizen nilang amo, kesyo hindi daw pinapasahod nang tama para sa trabaho nila doon sa fish pen
  • sa Bunawan, Agusan del Sur, yung 13 katao, kabilang ang 4 na Imperial citizen, na nahuli dahil sa illegal mining
  • sa ParaΓ±aque City, yung 2 Imperial citizen na pinapatubos ang passport ng kapwa nila Imperial citizen, kung saan nanuntok pa ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek noong hinuhuli na sila
  • sa Mariveles, Bataan, yung 10 nahuli na Imperial citizen na nagpapatakbo ng love at cryptocurrency scam hub
  • sa isang condominium unit sa ParaΓ±aque City, yung nabisto na scam hub kung saan nagsisira na yung mga Imperial citizen ng ebidensya sa pamamagitan ng paghahagis ng mga gadget palabas ng kanilang bintana
  • sa Cavite, yung naaresto na 2 Imperial citizen na sinubukang tumakas sa checkpoint, na mukhang sangkot daw sa kidnapping
  • sa Makati City, yung babaeng Vietnamese na dinukot at ginahasa ng 3 Imperial citizen, na sinubukan pang manghingi ng ransom sa asawa nung biktima
  • sa Pulilan, Bulacan, yung 2 Imperial citizen na nahulihan ng IMSI catcher
  • malapit sa may Pag-asa Island, yung umaabot sa 464 square meters ng coral reef na nasira ng parachute anchor ng isang Imperial fishing militia
  • yung barko ng BFAR na binomba ng water cannon ng Imperial coast guard
-----o0o-----


July 26, 2025...

[Natural Calamities]

sa bandang ibaba..
nasa Magnitude 5.9 na lindol..
sa may area ng Davao Occidental...

is feeling , suntukan na...

---o0o---


July 28, 2025...

yung 9 na tauhan ng Bureau of Customs (BOC) na sinibak..
dahil daw sa reklamo ng pangingikil sa may NAIA Terminal 3...

is feeling , walang katapusang kasamaan...


>
yung suntukan daw na walang gloves ang gusto..
gusto niya talagang matuluyan yung mas matanda kesa sa kanya...

is feeling , mga demonyo sa bayan...

---o0o---


July 29, 2025...

mahalaga daw ang mental health..?
pero walang nagpapahalaga sa mental health ng mga non-pet owner na inaabuso ng mga pet owner at ng mga pet na dumi nang dumi sa tapat ng mga bahay nila..
yung psychological damage na dala ng pakiramdam na ginawa kang katulong na tagalinis ng ebak ng mga aso nila sa araw-araw... πŸ™

is feeling , parusahan nang mabigat ang mga abusadong pet owner at pet.. pakainin sila ng ebak.. at burahin sila sa mundo pagkatapos...


>
yung Imperial citizen na naaresto sa NAIA..
nagpanggap daw kasi bilang lokal na mamamayan at gumamit ng mga pekeng dokumento...

is feeling , sinanay kasi ng mga taga-Mindanao eh...


>
yung mga walang kuwentang Senador na sang-ayon sa Supreme Court na protektahan ang katiwalian...

is feeling , mga demonyo kayong lahat na dapat nang mawala sa mundo...

---o0o---


July 30, 2025...

nakakatawa lang..
na ang head ngayon ng Blue Ribbon Committee..
yung committee para sa accountability of public officers..
eh dating tagapagtanggol ng anomalous deal sa Pharmally...

is feeling , mga demonyo talaga...

---o0o---


July 31, 2025...

yung nasa lagpas Php 40 Million na halaga ng smuggled vape products na galing sa Imperyo..
na nasabat ng Bureau of Customs (BOC)..
d-in-eclare daw na mga gamit sa kusina...

is feeling , sa kusina kasi magbe-vape...


>
yung regular na mahabaang brownout sa Siquijor..
dahil sa kapalpakan ng supplier nila ng kuryente, na pagmamay-ari ng pamilya ng mga Senador...

ang gagaling ng mga kompanya nila..
sumisira sa kalikasan at ginagawang mga residential area..
regular ang singil sa patubig kahit wala namang supply ng tubig..
at ganun din nga ang kaso nila sa pagsu-supply ng kuryente...

is feeling , excellent business.. may kita, pero walang service...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Days of July 2025 (Right But Wrong)

Loveless Story


July 26, 2025...

19 days after kong mag-reboot sa paggawa ng project #24..
nakatapos na rin ako sa wakas sa pagbubuo ng lahat ng kailangan kong eksena..
rendering at postwork na lang ang kulang...

at dahil mabilis na nga ang rendering ng computer ko sa ngayon..
kumpara sa dati..
eh madali na rin lang para sa akin ang mag-provide ng mas maraming bonus images...

is feeling , wala ng direksyon sa buhay dahil sa matinding kamalasan.. pero walang ibang option kundi ang magpatuloy...

---o0o---


July 27, 2025...

nakatapos na sa rendering ngayong araw..
kaya nagsimula na rin kaagad sa postwork...

madami din nga palang issue sa rendering ang latest na 3D software na gamit ko..
skin translucency..
shine o reflective quality..
shadow quality..
hindi kasing-ganda nung dati kong ginagamit na software...

is feeling , trabaho lang.. kahit wala ng direskyon...


>
for the 4th consecutive time..
eh tama na naman ako..
pero kahit madalas na tama ang mga prediction ko..
hinding-hindi ko naman pwedeng ma-enjoy ang pagiging tama..
dahil ang existence ko mismo ang pipigil na mangyari yung magagandang bagay..
ipinagbabawal para sa akin na maranasan na maging tama... πŸ™

is πŸ’€ feeling , nilikha lang ang ibang nilalang, para magtapos ang buhay nila...

---o0o---


July 29, 2025...

kapag gusto kong pumasok sa asset sa mababang halaga..
eh sabog nang sabog nang paitaas yung asset..
samantalang kapag pumapasok naman ako sa mukhang mababa ng level ng asset..
eh palagi naman silang mas bumababa pa mula doon... πŸ™

is feeling , perfect reverse...

---o0o---


July 30, 2025...

[Strange Dream]

nagpunta daw kami sa isang lugar na unfamiliar para sa akin..
kasama ko daw ang ilang kadugo, particularly ang pamilya ng Ninong at Ninang ko..
hindi ko din alam kung anong ginagawa namin sa lugar na iyon..
basta nasa 2 palapag yung establishment at may ilang rooms...

hanggang sa may dumating daw na ibang tao..
family of 4 o 5 yata..
completely unfamiliar din para sa akin..
mga mukha na hindi ko alam kung saan nakuha ng utak ko..
karamihan sa kanila eh may kanya-kanyang ginawa doon sa establishment, clinic yata iyon o something similar..
pero yung kasama nilang dalaga ay nanatili lang sa may corridor sa ground floor...

surprisingly, parang nakuha ko yung atensyon nung babae nang dumaan ako sa may likuran niya..
nakaharap lang kasi siya noon sa isang room habang naghihintay sa mga kasamahan niya..
then for some reason ay sinubukan niyang makipag-chat sa akin..
di ko tanda kung nagpakilala ba kami sa isa't isa..
kaso parang tinatawag na ako that time para umalis na kami..
hanggang sa iniabot niya sa akin ang kanyang kanang kamay para makipag-handshake..
sakto naman na may hawak noon ang kanan kong kamay kaya nalito ako kung ano bang dapat kong gawin..
bigla ko na lang tuloy naiabot sa kanya ang bakante kong kaliwang kamay, kaya left hand na tuloy ang napagkamay namin..
nahiya na lang ako sa kanya kasi parang may mali sa nagawa ko..
tapos napansin ko na maluha-luha na ang kanyang mga mata noon..
tinanong niya ako kung magkikita pa kaya ulit kami, na para bang gusto niya talaga na makita pa akong muli..?
pero sumagot naman ako na baka hindi na siguro..
at nagpaalam na nga ako sa kanya, kung saan parang gusto pa niyang gumawa ng paraan para makita niya ulit ako...

after that ay nagpunta na kami ng mga kasama ko sa parang bakanteng warehouse sa tabi lang nung establishment..
luma na iyon, may mga halaman nang tumutubo sa pader, at may mga opening na sa pader at bubong..
sa loob pala nun naka-park yung mga dala naming sasakyan..
hanggang sa niyaya na ako ng biological brother ko na sumakay sa kanilang van dahil uuwi na nga daw kami...

is feeling , utak, kung anu-anong character ang nire-render mo...

-----o0o-----


[V-League]


PVL on Tour 2025


July 29, 2025...

wala namang laban ang Creamline..
pero may nangyari na panggulo sa liga..
kung titingnan kasi dati ang stats ng Tiggo, eh mukhang sila ang pinakamalakas sa Pool B..
kasi tinalo nila ang Cignal, na tumalo noon sa Creamline..
pero tinalo nga sila ng Creamline sa match nila..
kaso naging alanganin pa rin ang Creamline dahil natalo sila ng Zus...

pero anong nangyari ngayong araw..?
winasak ng Zus ang goal ng Tiggo na makapag-shortcut papasok sa Quarterfinals..
pinuwersa nila ang Tiggo hanggang Set 5..
kaya naman bukod sa nanalo ang Zus..
eh nawasak din nila ang points ng Tiggo, kahit pa nagtabla ito sa ranking ng Creamline..
dahil dun ay napadali na naman tuloy ang buhay ng Creamline, at sila pa talaga ang makakaabante sa Quarterfinals...

is feeling , salamat sa Zus the Destroyer.. last conference nyo pang ginagawa 'yan...

---o0o---


SEA V.League 2025


August 1, 2025...

Philippines versus Thailand..
#1 kaagad sa Southeast Asia ang kalaban..
akala ko na posibleng manalo ang Philippines this time..
hindi kasi nakadikit sa kanila ang Thailand sa Set 1..
tapos extended ang laban nila sa Set 2..
pero wala nang nagawa ang Philippines sa mga sumunod na set...

3-1, panalo ang Thailand...

is πŸ’” feeling , sorry, Morado at Nitura.. Indonesia na lang ulit ang pag-asa na matalo...

-----o0o-----


July 26, 2025...

[Trade]

day 592...

bumaba kagabi ang Bitcoin..
damay ang C..
pero kapos para makapasok ako sa mababang level... πŸ™

level 30 to 33.7..
USD 51 sana iyon para sa akin... πŸ™

is feeling , unang araw pa lang pero sablay na agad...

---o0o---


July 27, 2025...

[Trade]

day 593...

unang araw pa lang, pero ang dami ko na nga kaagad kapalpakan sa C..
level 31.7 to 37.2..
USD 72 sana iyon para sa akin..
level 33.8 to 38.7..
USD 60 naman sana iyon..
level 36.8 to 38.6..
USD 20 din sana iyon... πŸ™

lagpas USD 200 na kaagad... πŸ™

is feeling , papasukin nyo naman ako...

---o0o---


July 28, 2025...

[Trade]

day 594...

kapos pa rin sa pagbaba ang C..
hindi ko alam kung anong magiging epekto sa kanilang ng paparating na Federal Open Market Committee meeting..
kung tataas na ba sila patungo sa USD 1.00..?
o kung matatakot ba sila, at aatras muna sa USD 0.25...??

is feeling , basta papasukin nyo muna ako...

---o0o---


July 29, 2025...

[Trade]

day 595...

umangat na ulit kaagad ang C..
kahit na red pa ang market..
hanggang level 32.7 lang ang ibinaba nila kahapon..
mula sa ganung level hanggang 39.9, eh USD 91 sana para sa akin.. πŸ™
level 36.2 to 39.2 yung short na sumunod..
USD 34 sana iyon para sa akin...

magtatanghali naman nang bigla na lang silang nag-pump..
level 36.2 ulit, pero hanggang 46.5 na..
USD 118 sana iyon para sa akin.. πŸ™
pero pump then dump yung nangyari..
nag-retrace tuloy ang C...

is feeling , FOMC na bukas o sa sunod na araw.. kailangan kong makapasok sa okay na level ng C...

---o0o---


July 30, 2025...

[Trade]

day 596...

at nagpatuloy nga sa pamumula ang market..
nag-retrace ang C hanggang level 31.8..
tapos nag-recover hanggang 34.2..
USD 31 din sana iyon para sa akin... πŸ™

sa ngayon ay hindi pa rin naman ako nakakapasok sa C..
malapit na sila sa target kong level..
pero nakakatakot na baka bumaba pa sila hanggang sa level 25...

is feeling , yung sakto lang, C...

---o0o---


July 31, 2025...

[Trade]

day 597...

at kinapos pa rin talaga ng baba ang C sa kabila ng latest na FOMC meeting..
hanggang level 30.7 lang ang ibinaba nila..
kapos para sa target ko na level 30... πŸ™

pagabi na nang nakapasok ako sa C..
USD 30.7 to 33.8 yung naakyat nila ngayong araw..
USD 41 sana iyon para sa akin.. πŸ™
pero di nga nila ako hinayaan na makapasok..
at nito namang nakapasok na ako, eh mas bumaba na naman sila mula sa entry point ko...

at ganun-ganun na lang..
lagpas USD 500 na kaagad ang mga napapakawalan kong kita sa C in just a few days... πŸ™

is feeling , ano na naman...?

---o0o---


August 1, 2025...

[Trade]

day 598...

palpak na naman nga ako..
originally, gusto kong makapasok sa C sa level 25..
di natupad, at basta na lang nila inabot yung level 45..
kahapon, gusto ko sanang pumasok sa level 30..
pero kinapos ang pagbaba nila..
sunod kong target yung level 31.5, muli lang silang umangat..
nag-adjust ako sa level 32, pero umangat na naman sila..
at ngayon namang nakapasok na ako sa mahal na level 32..
eh saka sila nagsibalik sa mga dati kong target na entry point... πŸ™

lagpas 3 level na yung ibinaba nila mula sa entry point ko..
umabot pa sa 28.8... πŸ™

is πŸ’€ feeling , activated Reverse Midas...