Saturday, June 28, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Full Week of June 2025 (Listing Scams)

Loveless Story


June 23, 2025...

[Gadget-Related]

after more than 2 years..
4 months pa yata yung putal nun..
ngayon na lang ulit ako nakapag-render ng 3D scene...

is feeling , pero under observation pa rin...

---o0o---


June 24, 2025...

[Gadget-Related]

ngayong araw na lang ulit ako gumising talaga nang 5:00 ng umaga..
after many months..
para mag-test render na...

pero surprisingly, sobrang bilis palang mag-render ng latest system na gamit ko..
kahit pa low-end lang naman ang graphics card ko..
yung dating 14 minutes and 24 seconds, ginawa lang niya nang nasa 48 seconds..
yung dating umaabot sa 2 hours pero ni hindi pa 100% completed, eh umaabot lang ngayon sa 19 minutes..
samantalang 2 hours pa naman yung ini-expect ko na processing...

mabuti 'yon..
dahil kung mas mabilis matapos ang render, edi less stress para sa graphics card at doon sa slot niya...

balik din muna ako sa AI for now..
tatapusin ko lang i-edit lahat nung mga huli kong nakuha, bago nasira yung generator...

is feeling , malaking tulong.. pero under observation pa rin...

---o0o---


June 25, 2025...

[Pests]

napalaban nang mano-mano sa daga ngayong hapon..
t*ng ina, nasunugan ako ng oras..
inabot ng 45 minutes ang naagaw sa oras ko... 🙁

dati, nakakita kami ng galing sa ibabaw ng plastic na cabinet..
ngayong araw naman, nasa ibabaw ng parang kurtina ng screen door..
ang nakakapagtaka..?
puros smooth ang surface ng mga yun sa bandang ibaba, kaya paanong nakakaakyat yung mga put*ng inang iyon sa ganung katataas na lugar...?? 🙁

anyway..
napilitan akong hampasin yung daga habang nagtatago siya doon sa parang kurtina..
liyung-liyo siya noong bumagsak sa lupa, kaya nagkaroon pa kami ng pagkakataon para takpan siya..
kaso bago pa nahukay ang kanyang libingan ay naka-recover na din siya ng lakas niya..
dahil nga maliksi na ulit, eh hindi ko pwedeng gamitin sa kanya yung pagpapatulo ng kandila sa buong ulo..
kaya naman minabuti ko siyang lunurin muna sa tubig at sabon..
at saka namin inilibing nang buhay habang mahinang-hina na..
sabay hampas ng malaking bato sa ibabaw ng libingan niya...

is feeling , mga demonyo...


>
[Gadget-Related]

so ngayong umaga ko lang sinubukan na mag-render ng indoor scene..
at surprisingly, nakumpleto ko siya in less than 50 minutes..
ibig sabihin eh 100% na na-process yung image..
as compared dati na tapos na yung 2-hour limit, pero nasa 4% pa lang yung napo-produce...

magandang progress ito..
well, hindi ko pa nasusubukan lahat ng indoor settings na meron ako..
pero kung pare-parehas ang improvement para sa lahat..
eh that would mean na wala na akong rendering na aabot pa sa 2 hours...

is feeling , kailangan na lang i-evaluate yung iba pang settings...

---o0o---


June 26, 2025...

the more na nagmamakaawa ako sa kawalan..
the more na lumalala ang sitwasyon..
na para bang pinagtatawanan pa nila sa tuwing may nawawasak ang taglay kong Reverse Midas..
ang Midas Touch na ginagawang ginto ang lahat ng mahawakan..
samantalang ako, kaya kong dalhin sa pagkalugi ang lahat ng ma-involve sa akin... 🙁

ganun ba talaga ako kawalang kuwentang nilalang..?
ganun ba talaga ako kabasura para sa paningin ng buong universe..?
yung mga demonyong tiwali sa gobyerno ng bayan na 'to eh puros nae-enjoy ang ginagawa nila..
yung mga demonyong Imperyalista sa iba't ibang bahagi ng mundo eh lalo lang lumalakas..
yung mga demonyong extremist, walang pumipigil sa kanila kahit pa tumatapos sila ng buhay puwerket hindi kaya ng mga turista na bigkasin ang mga salita sa basurang relihiyon nila..
pero lahat sila mas gusto ng mundo..
lahat sila masasaya sa ginagawa nilang kasamaan..
samantalang ako, paulit-ulit ang pagkawasak na nararanasan ko..
kahit pa nasa harapan ko na yung tamang desisyon na kailangan ko, pilit nilang ginagawang mali para lang mapatalsik muna ako..
at kapag wala na ako, eh saka lang ulit bumubuti ang sitwasyon..
na pilit isinisiksik sa utak ko na palagi akong may dalang matinding kamalasan..
hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa matatagalan ang ganitong klase ng unfair na buhay... 🙁

is feeling , pagod na pagod na ako...

---o0o---


June 27, 2025...

[Gadget-Related]

na-distract ngayong araw..
may nakita kasing video na converted from still image gamit ang AI generator..
kaya naman sinubukan ko rin..
nagpagalaw ng pictures ng mga sexy na nakatrabaho...

is feeling , ang kulit...


>
nawala na pala yung isang communication app ni Attendant Y..
pero nag-e-exist pa din naman yung isa pa..
although sa pagkakaalam ko eh hindi naman basta-basta nawawala 'yon...

kapag nawala na parehas..
ibig sabihin na mawawalan na din ako ng communication sa kanya..
baka hindi ko na ulit siya makita in the future... 🙁

is 💔 feeling , nakaka-miss lang.. habang bata pa sila...

-----o0o-----


[V-League]


PVL on Tour 2025


June 22, 2025...

bale preseason tournament lang naman daw ito..
habang nag-iikot nga sa bansa..
single round-robin lang, tapos hinati pa ang teams sa 2 pool..
tapos ang magiging semifinalists ang makakapasok sa Invitational Conference..
kaya sana naman ay walang maging injury sa hanay ng players...

Creamline versus Capital1..
wala pa si Morado para sa Creamline..
at wala din naman si Belen para sa Capital1, pero kasama na nila si de Brito...

3-0, panalo ang Creamline...

is  feeling , salamat, team.. para kina Morado at Galanza...

---o0o---


June 23, 2025...

Creamline versus Akari..
Domingo versus Creamline, at iba ang hairstyle niya ngayon..
nakapahinga na naman si Caloy..
ang daming live audience sa Vigan kahit na weekday na...

3-1, panalo ang Creamline...

is  feeling , thank you, team.. para kina Morado at Galanza...

-----o0o-----


June 21, 2025...

[Trade]

day 557...

pump then dump pala ang Bitcoin kahapon..
kaya naman nahila din sa pagbaba ang HAEDAL..
baka makagulo pa ang giyera ng Israel at Iran...

level 12.2 to 13.2, USD 45 sana iyon para sa akin..
level 12.5 to 12.9, USD 17 naman sana iyon... 🙁

is feeling , 1 buwan na ako sa HAEDAL bukas.. kahit 1 level 20 pump man lang sana...

---o0o---


June 22, 2025...

[Trade]

day 558..
at 1 month na nga ako sa HAEDAL... 🙁

bumagsak na naman sila simula kahapon..
dahil na rin sa hila ng pesteng Bitcoin..
dahil pinalala na ni Trump ang giyera sa Middle East... 🙁

is feeling , pakiusap.. 1 pagkakataon lang.. pump hanggang level 20.. para naman makatakas ako sa ganitong kadilim na panahon sa mundo...

---o0o---


June 23, 2025...

[Trade]

May 27 noong nabigyan ako ng pagkakataon para maka-exit sa HAEDAL sa kaparehas ng entry point ko..
meaning walang kita..
galing sila noon sa recovery mula level 14..
kaya hindi ko naman naisip na ibubulusok sila ng mga trader pababa hanggang below level 10...

kung pinili ko lang sanang magpalugi nang kaunti noon..
level 10 to 13 yung sumunod na recovery, so nakaakyat sana ako sa USD 684..
level 11 to 13 naman yung sumunod, so nakaakyat dapat ako sa USD 807...

is feeling , lahat ng ginagawa ko ay mali...


>
[Trade]

day 559...

umangat na ulit ang HAEDAL ngayong araw..
kaso eh galing nga sila sa mas malalim..
kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, edi sana nag-exit ako noong umabot sila sa level 13 noong isang araw..
tapos sakay ulit ng level 10.5 to 13 for today...

at heto..
nalilito na naman ako kung mag-e-exit ba ako o hindi..?
kung didiretso pa ba ang HAEDAL sa pag-akyat..?
o kung babalik lang ulit sila sa ibaba...??

is feeling , pakiusap, dumiretso na kayo sa level 20.. gusto ko lang talagang mabawi yung lagpas USD 1,200 na pinaghirapan ko sa gaming...

---o0o---


June 24, 2025...

[Trade]

Solaxy o SOLX ang sunod na target..
dahil malakas sa pump ang mga taga-Solana ecosystem..
kaso..
ang laki na kaagad ng pump nila ngayong araw..
katumbas na kaagad ng USD 1.00 para sa asset na may 100 Million supply..
samantalang wala pa naman sila sa Binance...

is feeling , Solaxy, hintayin ninyo ako...


>
[Trade]

day 560...

sayang na naman na pagkakataon..
malaki kasi ang ibinaba ng HAEDAL mula sa nagawa nilang pag-akyat kahapon..
level 10.5 to 13.1, bago bumaba sa level 12.3 lamang..
USD 138 sana iyon para sa akin..
level 12.3 to 14.3 naman yung sumunod..
so USD 90 sana iyon para sa akin..
ang lalaking halaga na naman sa loob lamang ng maikling panahon... 🙁

dahil galing nga sa sunud-sunod na mga trauma..
eh nag-decide ako na magpalugi na muna ulit kanina, sa level 14..
nagtapon ng nasa USD 92..
habang umaasa na muli ding babagsak ang mga palitan...

is feeling , kailangan ko lang ng magandang pasok ulit...

---o0o---


June 25, 2025...

[Trade]

ano na naman ba 'tong nagawa ko..?
ganito ang nangyari sa akin noon sa HEIMA..
ganun din sa HAEDAL..
tapos ngayon eh pati sa NEWT...

put*ng ina..
ganito ba talaga kaperpekto ang taglay kong kamalasan..?
yung WCT hindi nagawang umabot sa USD 1.00 noong nasa poder nila ako..
sa tuwing umaabot sila sa level 70, sa halip na makabenta ako at kumita, eh nagko-complete retrace lang sila..
at saka nga lang sila sumabog paitaas noong nagpalugi na ako...

tapos ganito na naman sa NEWT..?
kailangan silang pabagsakin sa impiyerno nang walang kaawa-awa, dahil lang sa pumasok ako sa kanila...??

is feeling , mga demonyo kayong lahat...


>
[Trade]

day 561...

pumasok na muna sa bagong Newton Protocol (NEWT), since bago lang sila..
at naka-focus din kasi sa artificial intelligence..
although katulad ng WCT, eh mabilis din lang silang bumaba...

umaga nang medyo umaakyat kaagad ang NEWT..
USD 29 sana iyon para sa akin kung na-maximize ko lang..
kaso sa sobrang bilis ng retrace nila eh USD 9 na kita na lang yung naisalba ko... 🙁

pagbalik ko naman sa poder nila eh nalugi naman ako sa pagbili..
nadali ng sudden dip, matapos nilang magpanggap na nagpa-pump sila..
gumana na naman kaagad ang Reverse Midas ko, kahit pa may trading competition na din ang NEWT..
maling-mali na naman ang entry point ko..
USD 20 na nga yung nasayang ko sa simula, tapos nasa USD 76 pa yung nalalagas kaagad sa pondo ko hanggang level 44..
9 levels kaagad ang ibinagsak sa loob lamang ng ilang oras... 🙁

is feeling , put*ng ina.. hayaan nyo na akong mailigtas yung USD 1,200 na pondo ko.. palayain nyo na ako...

---o0o---


June 26, 2025...

[Trade]

day 562...

konting pump ng HAEDAL kahapon..
level 12.3 to 13.2..
USD 40 sana iyon para sa akin... 🙁

nag-attempt din naman ang NEWT na umangat..
pero gaya ng laging nasasaad sa Reverse Midas ko, pwedeng mag-pump pero dapat laging below lang sa entry point ng malas..
level 44 to 48..
USD 50 sana iyon para sa akin..
pero tulad ng nangyari kahapon, eh crash naman hanggang below level 40 ang sumunod na malagim na pangyayari..
sa ganung level ay umaabot sa USD 109 ang nalalagas sa pondo ko... 🙁

level 39.5 to 44.5 naman yung sumunod..
USD 70 sana iyon para sa akin..
pero after that eh bumaba na naman sila..
paulit-ulit na sila, pump then deeper ang dump... 🙁

ngayong gabi naman..
lalo pang bumaba ang NEWT..
nasa below 38 na ang bottom nila.. 🙁
baka bukas ng umaga eh nasa Impiyerno na ako sa paggising ko...

is feeling , wala na akong pag-asa.. kumikilos ang lahat para sa ikasisira ko...

---o0o---


June 27, 2025...

[Trade]

day 563...

nanghila na ulit pababa ang Bitcoin..
bumaba pa sa below level 36 ang bottom ng NEWT..
sa ganung level ay umaabot sa USD 143 ang nalalagas sa pondo ko... 🙁

kaya nga ba hindi ko maiwasang isipin na ako yung may dala-dala ng kamalasan..
dahil hindi talaga ako sumasablay..
wasak nang wasak lahat ng mahawakan ko... 🙁

is feeling , ang perpektong lakas ng mga makapangyarihan.. ang mang-bully ng mga mortal...


No comments:

Post a Comment