Saturday, March 1, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of February 2025 (Messenger Sabotage)

Loveless Story


February 24, 2025...

[Gadget-Related]

talagang ayaw akong tigilan ng mga problema..
so ganun pala katanga yung end-to-end encrypted message sa Messenger ng Facebook..
put*ng ina..
pinupuwersa nila ang mga tao na gumamit ng smartphone..
wala na ngayong kuwenta ang mga internet browser... 🙁

mukhang nag-reply sa akin yung kaibigan nung p*ta..
may message notification kasi..
pero hindi ko makita yung message dahil dun sa put*ng inang encryption..
pati yung message na s-in-end ko last week eh hindi ko na makita, dahil bawal palang mag-clear ng browser history... 🙁

bawal na akong mag-message ngayon sa Facebook..
so pati paniningil ko eh planong pigilan ng maruming kapalaran...?? 🙁

is feeling , mga demonyo kayong lahat...

---o0o---


February 25, 2025...

[Gadget-Related]

nakita ko na..
once naka-set na yung remote storage, eh nagbabago pala yung available options under nung end-to-end encrypted messages...

ang problema..?
dahil hindi ko naman in-activate iyon noon..
eh wala din talaga akong mare-retrieve na messages..
wala na yung s-in-end ko para doon sa kaibigan nung p*ta..
at wala din yung reply niya, if ever man na meron nga... 🙁

is feeling , kundangan naman kasi.. isang sistema na may komplikado na paraan ng approval...

---o0o---


February 26, 2025...

malapit nang i-renovate itong bahay..
dahil sa mga wasak na kisame..
maganda na rin nga siguro na papalitan na rin yung kisame ng kuwarto ko..
tutal eh around 20 years na ito..
at natutuklap na rin nga yung surface nila...

magiging offline muna sa loob ng ilang araw...

is feeling , kailangan lang talagang i-prepare ang isip ko para sa mga ganitong abala sa routine...

-----o0o-----


[V-League]


PVL All-Filipino Conference 2025 (Qualifying Round)


February 27, 2025...

Creamline versus Nxled..
Rank 1 versus Rank 12..
laban matapos na ikasal si Binibining Gumabao..
maganda ang sistema ngayon, dahil may laban pa din kahit papaano yung mga team na nasa ibaba...

impressive game para sa Galeries..
Rank 3 versus Rank 10 ang laban nila kontra sa Cignal..
pero kinuha lang nila yung match within 4 sets...

Set 1, Baldo-Caloy-Galanza triangle muna para sa Creamline, dikitan ang simula ng laban, Gumabao for Negrito sa harap, sumunod si Bonafe for Caloy sa likod, nakuha nila ang set dahil sa kanilang 14 attacks and 3 service aces..
Set 2, dikitan ulit sa simula at nagawa pa ngang maagaw ng Nxled ang kalamangan, gumanda ang floor defense ng Chameleons, Pons for Galanza sa likod at ipinasok din si Bernardo, hanggang sa nakalayo na ang Creamline, Vargas for Baldo sa harap, at naitawid naman nila yung set dahil sa kanilang 15 attacks and 4 kill blocks..
Set 3, Gumabao-Pons-Vargas triangle naman for Creamline, unang nakalamang ang Nxled, nakaagwat ang Creamline at ipinasok na si Bonafe sa bandang dulo, at nairaos na nga nila ang match...

3-0, panalo ang Creamline..
at sigurado na daw ang top spot nila para sa Quarterfinals...

is  feeling , salamat, team.. para kina Morado at Galanza...

---o0o---


The Future Generation of Creamline Cool Smashers


Shaina Nitura..
Super Rookie ng Adamson Lady Falcons ngayong Season 87..
bale, kalahi ni idol Jema Galanza...



first time kong nabalitaan ang tungkol sa kanya, eh hindi yung stats ang nakakuha sa atensyon ko..
she reminds me of Celine Domingo, kaya naramdaman ko na meron siyang Creamline vibe..
para siyang Domingo na Outside Spiker..
at saktong magka-height pa sila..
basically, wala akong nakikitang angas o kayabangan sa paglalaro niya..
at yung paraan niya ng pag-celebrate ng bawat nakukuha niyang puntos ay pasok sa Creamline standard..
additional reason ay may hawig din siya sa isa kong pamangkin..
tapos meron pa ngang BINI Maloi na anggulo, haha...



kaya naman ayun nga..
mukhang mahihirapan ang Creamline na makuha siya sa Draft 4 or 5 years from now..
pero pangarap kong maging bahagi nung team ang batang ito..
kaya ngayon palang ay ikini-claim ko na..
magiging Cool Smashers si Shaina Nitura in the future...

credit for all the featured photos goes to their respective owners...

-----o0o-----


February 22, 2025...

[Trade]

day 438...

so ganun pala ang plano nila..
pinabagsak nila ang HEI nang mag-isa kahapon para hindi iyon makasabay sa ginawang pag-akyat ng Bitcoin..
para hindi ako makagawa ng short sell..
kaya naman noong nagkatotoo na yung hinala ko na bababa ulit ang Bitcoin, eh dumiretso nga ulit sa Impiyerno ang HEI... 🙁

USD 41 ang na-recover sana para sa akin ng HEI mula sa dip nila kahapon.. 🙁
at may pagkakataon nga ulit na makapasok sana sa mas mababang level..
pero hindi nila hahayaan na mangyari iyon...

USD 31 yung na-recover ng AST..
at USD 23 naman yung sa BTTC...

is feeling , maysa-demonyong gising sa umaga...


>
[Trade]

wala na..
habambuhay na talaga 'to..
ipapamukha nila sa akin araw-araw na ako ang pinakatanga..
na ako ang pinakabobo..
na palagi akong magiging mali..
na nababalot ng kamalasan ang buong buhay ko... 🙁

kahit ano pa ang gawin kong entry point..
kahit mababa na..
sisiguraduhin nila na palagi nilang mas ibababa pa kumpara doon ang palitan..
kahit wala ng logic..
basta wawasakin nila ang buhay ko.. 🙁
para lang sa inaasam-asam nila na pagtapos ko sa sarili kong existence...

is feeling , d*e will be done...

---o0o---


February 23, 2025...

[Trade]

day 439...

bandang tanghali kahapon nang umakyat na ulit nang mabilis ang HEI...

umaga naman ngayong araw nang nakagawa sila ng 2 beses na paglampas sa entry point ko..
pero hindi na naman nagtuloy yung pump na iyon..
kumita sana ako ng USD 7 hanggang level 64, bago pumasok ulit sa mas mababang level dahil sa dip nitong tanghali..
kagaya noong isang araw, mag-isa lang silang nagpabagsak sa sarili nila..
USD 39 iyon kung mula sa huling bottom nila..
pero hindi ko na naman nagawa... 🙁

bakit ba talaga ganito ang walang kuwenta kong buhay..?
umaangat nga, pero sobrang lapit naman sa entry point ko..
hirap na hirap din akong masabi kung magtutuluy-tuloy ba ang pag-akyat o hindi..
although base sa record ko, sa lahat ng pagkakataon na hindi ako nagbenta, eh palagi ngang bumabagsak ulit ang palitan paglampas sa entry point ko.. 🙁
pero sumasabog naman pataas tuwing nagbebenta ako...

is feeling , kahit isang pump lang.. level 120 lang...

---o0o---


February 24, 2025...

[Trade]

day 440...

nag-crash na nga ulit ang HEI ngayong araw..
hanggang level 54 na..
USD 133 na kaagad ang napapakawalan kong posibleng kita sa kanila dahil lagi lang silang nagpa-pump sa ilalim ng entry point ko... 🙁

USD 21 ang na-recover ng AST..
USD 27 naman ang sa ARDR..
bago sila parehas na bumaba sa level 70...

is feeling , all in na...

---o0o---


February 25, 2025...

[Trade]

matapos ang napakaraming buwan..
kagabi na lang ulit ako nag-transfer ng mga asset ko..
from Coins to Ronin..
tapos from Ronin to Binance..
sabay benta lahat ng nalugi kong SLP..
sabay pasok lahat sa HEI..
idinamay ko na rin yung savings ko sa USDT at BNB, para lang makapanghila paitaas..
tataya sa 100% pump..
at aasa na makakaakyat hanggang USD 1,100 plus...

kapag nagkataon..
kung magkakatotoo..
eh USD 18 na lang ang layo nun sa actual na halaga ng lahat ng mga nalugi kong asset...

is feeling , sana magising na ako sa isang magandang umaga...


>
[Trade]

day 441...

so nilabag ko kagabi ang 25th to 5th na no trading rule..
nasa dati na kasing bottom ng LIT ang HEI kahapon..
around level 50..
kaya nagbakasakali ako na may mangyayari ng pump...

kaso umaga ngayong araw ng lalo pang mag-crash ang HEI..
dahil sa hila ng Bitcoin sa halos buong market..
kaya naman for the nth time, eh naging high level na naman ang ginawa kong entry point..
at gumawa na naman ang asset ng panibagong bottom para lang malugi talaga ako... 🙁

pero kailangan kong magtiwala..
ang bawat crash ay pagkakataon para mag-pump..
kahit level 100 lang ay safe ng exit para sa akin...

is feeling , kailangan lang gayahin ng HEI yung ginawang pump dati ng LIT mula sa level 50...

---o0o---


February 26, 2025...

[Trade]

kagabi ko lang napansin na nag-crash na nga pala talaga nang husto ang Bitcoin..
nalaglag na below USD 90,000...

sinubukan naman ng HEI na mag-recover matapos na lumapit sa level 50..
nakakaabot naman yung palitan sa ibabaw ng entry point nung padalawa kong pondo, pero nasa ilalim pa rin kumpara doon sa una kong pondo..
at dahil dun ay imposible ang mag-exit... 🙁

is feeling , HEI, sabi nga nung isang nag-comment.. ang konti ng circulating supply ninyo, pero walang nagpa-pump.. sumunod na lang kayo...


>
[Trade]

day 442...

USD 44 sana para sa akin yung naging recovery ng AST...

USD 77 naman sana yung sa HEI..
pero iyon ay kung naipasok ko sana lahat ng pondo ko sa level 51... 🙁

is feeling , HEI, HEI, mag-pump ka na lang.. gumaya kayo sa ibang assets gaya ng KAITO...

---o0o---


February 27, 2025...

[Trade]

day 443...

USD 43 sana para sa akin ang latest na na-recover ng ARDR...

anyway..
pang-4 ko ng missed exit sa HEI..
lumagpas pala sila sa level 63 ngayong hapon..
USD 4 sana ang naidagdag ko doon sa una kong pondo na USD 389, bago pumasok ulit sa mas mababang level..
samantalang USD 80 sana iyon para sa akin kung nakasakay ako from level 55 to 63... 🙁

is feeling , HEI, gayahin nyo naman ang level ng KAITO na nasa 240 Million ang circulating supply.. 68 Million lang ang supply ninyo...

---o0o---


February 28, 2025...

[Trade]

day 444...

palpak na naman nga ako..
nag-retrace ang HEI dahil na rin sa hila ng Bitcoin..
so naibenta ko nga sana yung initial ko na pondo na USD 389 at saka ipinasok iyon sa mas mababang level..
samantalang nakapagdagdag sana ako ng USD 21 para doon sa USD 172 na ikalawa kong pondo, bago pumasok din sa mas mababa.. 🙁
mas mababa ang entry point, mas malaki ang nare-recover...

at lalo pa ngang bumagsak ang HEI ngayong araw..
additional din sana na USD 105 yung bawat iniaakyat ng HEI mula level 53 hanggang 63..
pero hindi ko nga masakyan... 🙁

is feeling , nagagawa ng ibang mga asset, pero bakit hindi magawa ng HEI..? ginagawa noon ng LIT, kaya bakit ayaw na ngayon ng HEI...??


No comments:

Post a Comment