Loveless Story
May 4, 2024...
according sa Google nagawa na kaagad nila yung pag-reissue nung check ko...
ang problema kasi nito, hindi yata ina-attach ng Google yung mobile number ko doon sa mailing address ko...
is feeling , this time, kailangan ko nang mag-check sa local post office after a month...
---o0o---
May 5, 2024...
dahil sa ginawa na pag-iingay ng isang reconnaissance specialist..
ibinalik tuloy ni Attendant Ry sa stealth mode ang kanyang account..
kundangang tanga..
specialist..?
hinding-hindi ipapaalam ng isang expert sa reconnaissance sa kanyang target na nakikita niya ang buhay nito...
is 💔 feeling , sinabotahe ang sarili...
>
according kay Attendant Ry..
she's struggling laban sa isang hacker..
katulad ng naikuwento niya sa akin noon...
akala ko nga na natapos na yung problema niya na iyon..
since naging very active nga siya sa community lately..
pero dahil dun sa ginawa nung reconnaissance specialist..
at dahil sa nangyayari sa social media account niya..
eh bothered na naman tuloy siya dahil sa pag-atake sa kanyang peace of mind... 🙁
i'm not sure kung yung nae-experience ba niya ay yung usual account checkpoint na ginagawa ng Facebook from time to time..
hindi naman kasi ako gumagamit ng smartphone para sa social media..
at hindi din naman ako gumagamit ng switching accounts..
kaya hindi ako nakaka-relate sa kanya...
basta hindi maganda yung timing ng mga pangyayari para sa kanya... 🙁
is 💔 feeling , bumalik ka na naman sa ganyang state.. malapit pa naman na ang birthday mo...
-----o0o-----
[V-League]
PVL All-Filipino Conference 2024 (Semifinals)
May 5, 2024...
Creamline versus Tiggo..
ang last match nila sa Semifinals, unless kailanganin ng tiebreaker..
wala naman si Coach Kung Fu ngayon para sa Tiggo..
kailangan ng Creamline na manalo in 3 sets para mapataas ang kanilang points...
Set 1, Sato na ulit for BDL, unang nakaagwat ang Creamline, at naitawid nga nila yung set dahil sa kanilang 13 attacks at 2 service aces plus 9 errors ng Tiggo..
Set 2, una ulit nakaagwat ang Creamline, kaso nagkalat naman sila, pero mabuti na lang at naitawid pa din nila yung set dahil sa kanilang 15 attacks at 4 kill blocks..
Set 3, dikitan na ang laban, buhay na ang floor defense ng Tiggo, hanggang sa muli namang nakaagwat ang Creamline, at napanindigan din nga nila ang set...
3-0, panalo ang Creamline..
at napatunayan nga nila na kaya din nilang makabawi laban sa Tiggo..
dahil sa points nila ay siguradong pasok na sila sa Finals...
is feeling , salamat, team.. para kay Galanza.. at para pa rin kay Morado...
---o0o---
PVL All-Filipino Conference 2024 (Finals)
May 9, 2024...
Game 1 ng Creamline versus Choco Mucho..
ginabi na ang laban dahil sa 5-setter ng Angels at Tiggo...
Set 1, habol nang habol ang Choco Mucho, at nagawa nga nilang maagaw ang set sa tulong ni Rondina, nakuha nila yung set dahil sa kanilang 17 attacks..
Set 2, ang lakas na kaagad ng floor defense ng Choco Mucho, maaga silang nakalamang, BDL for Sato at nagawa ngang makahabol ng Creamline, sila ang nanaig dahil sa kanilang 16 attacks and 4 kill blocks..
Set 3, maaga na namang nakaagwat ang Choco Mucho, bandang kalagitnaan na ulit nang makadikit ang Creamline sa tulong nina Binibining Gumabao, Mafe Galanza, at Pons, at muli nga nilang naagaw ang set dahil sa kanilang 18 attacks..
Set 4, Pons for Baldo, una pa ring nakaagwat ang Choco Mucho, tapos bandang gitna lang ulit nang nakadikit ang Creamline, pero mula 16-14 ay 2 points na lang ang naidagdag ng Choco Mucho at nagawa nga silang i-demoralize ng Creamline hanggang sa dulo...
3-1, panalo ang Creamline..
Player of the Game si Galanza with 20 points from 18 attacks and 2 kill blocks...
hindi mukhang great game para sa Creamline kung titingnan ang kumpulan ng puntos..
pero ang mahalaga ay ang stats sa bawat katapusan ng set..
at na-minimize ang errors nila for this game..
maganda ang ginawa ngayon ng coaching staff nila, ginagamit lahat ng players na maiinit ang laro..
parehas na starters at activated bench nila ay maganda ang naging performance, kaya naman hindi madaling nababasa ng Choco Mucho ang mga gagawin nila...
is feeling , salamat, Galanza.. at para pa rin kay Morado na saktong birthday bukas.. 1 na lang...
-----o0o-----
May 4, 2024...
[Trade]
day 144...
ang mga posibleng kinita ko sana..?
USD 29 kahapon..
USD 28 naman ngayong araw..
total ng USD 57...
is feeling , sana...
---o0o---
May 6, 2024...
[Trade]
day 146...
ang mga posibleng kinita ko sana..?
USD 15 noong Sunday..
USD 11 naman ngayong araw..
total ng USD 26...
is feeling , sana...
No comments:
Post a Comment