Loveless Story
August 27, 2023...
[Gadget-Related]
noong isang araw, nagkaroon ako ng problema sa Yahoo..
2 account na naka-link sa isa't isa for verification ang parehas na idinaan ng system sa checkpoint..
bilang resulta, hindi ko mabuksan yung account na kailangan kong buksan during that time dahil parehas ngang hinahanapan ng security code yung 2 account..
mabuti na lang at kusang nawawala ang checkpoint sa Yahoo...
so ngayong araw, nagsimula na akong mag-link ng mahahalaga kong Yahoo mail sa mga e-mail address ko na may mobile number for verification..
sa ganung paraan, kahit muling magloko ang security ng Yahoo, eh magagawan ko pa rin ng paraan para mabuksan...
is ⚠ feeling , mas malala ang Facebook.. may naka-link nga na e-mail address, pero hinding-hindi naman gagamitin bilang verification option.. automatic lock tuloy ang katapat...
---o0o---
August 28, 2023...
s-in-end ko na yung 3 request ko kay Attendant C..
unfortunately, offline ang phone niya since Saturday..
bukod pa sa nag-stealth siya ng isa niyang social media account, matapos sabihin ng isang kliyente na ipinagkatiwala iyon ni Attendant C sa kanya...
tapos..
mukhang may sakit naman ngayon si Attendant Ry, base sa update niya sa social media din..
paano 'yon..?
kaya ba niyang gumaling in 1 day..?
naman..
huwag naman sana silang mag-cancel sa akin... 🙁
is 💔 feeling , pausap na.. wasak na ang lahat sa buhay ko.. huwag naman pati itong mga appoinment na ito...
---o0o---
August 29, 2023...
mukhang nasa KTV sector lately yung p*ta..
pero hindi pa din naman nagbabayad ng utang sa akin...
is 💔 feeling , makakakilala lang ng babae, eh manggagamit pa...
>
nag-online si Attendant C ngayong araw..
kaya naman pumasok na sa kanya yung messages ko..
kaso hindi naman nag-reply..
hindi naman makapasok yung message ko na humihingi ng confirmation para bukas...
as usual, nasa lineup na naman si Attendant Ry early today..
nag-o-online din yung account niya, pero hindi naman na nagpo-post..
tapos nag-reply nga sa paghingi ko ng confirmation ngayong hapon..
pero hindi naman sinagot yung tanong ko, nag-hello lang...
is 💔 feeling , sinaniban ba sila ng mga demonyo ko ng kamalasan...??
---o0o---
August 31, 2023...
deactivating the 48-Hour Rule...
ayun..
nawala na sa akin ang Dream Date..
ulit..
for now...
is feeling , unexpected events...
>
10:00 AM pa ako nakauwi..
gusto ko sanang makahabol sa mga daily task ko..
kaso may unexpected na nangyari...
mula sa isang inquiry, biglang nag-open up sa akin si Attendant Ry tungkol sa mga pinagdadaanan niya lately..
it turned out na tama yung hinala ko na may nanggugulo nga sa kanya, at hindi naman ako 'yon..
that explains kung bakit mahirap siyang makausap nitong mga nakaraang buwan, at kung bakit lumalayo siya sa industriya...
naaawa ako sa kanya..
feeling niya kasi wala na siyang privacy sa buhay niya..
kaso epekto iyon ng mishandling nila ng kanilang personal information..
hindi man directly na sila, eh pwede din na dahil naman sa mga kakilala nila sa trabaho...
gusto ko sanang may magawa para sa kanya..
pero personal information na niya yung nakuha nung stalker niya..
the only way to end it is kung kusa na siyang titigilan nung lalaki, o kung mawawalan na ng buhay yung lalaki para matigil na siya sa kanyang ginagawang harassment...
i just hope na magawa niyang mabawi yung peace of mind niya..
at sana din makita niya soon ang sarili niya sa ibang trabaho sa labas ng industriya...
is feeling , yung pakiramdam ng pagiging powerless laban sa masasama...
---o0o---
September 1, 2023...
ang dami kong hinahabol na tasks..
wrong timing din kasi yung huling alis ko..
malapit sa Friday..
malapit sa last day of the month..
malapit sa first day of the month..
malapit sa schedule ng general cleaning...
tapos binanatan pa ng halos 6 hours ng unannounced power interruption..
nangyari na din 'to sa akin dati..
galing sa Capital, naghahabol ng mga gawain, pero biglang may unannounced power interruption..
sa sobrang kakaiba nung case, ni walang paliwanag sa Facebook page ng electric cooperative kung ano yung katangahan na nangyari..
kaya kailangan na mag-reschedule ng lahat..
at mag-overtime na din sa pagko-computer...
t*ng inang arawang kamalasan ito... 🙁
is feeling , kontroladong-kontrolado ng mga makapangyarihan na manipulista ang bulok na buhay ko...
>
kinausap ko ulit ngayong araw si Attendant Ry..
kahit na umiiwas na siya na pag-usapan yung pinagdadaanan niya..
anyway, ginusto ko lang na makasigurado na wala sa mga ginagawa ko ang nami-misinterpret niya..
at sumagot naman siya after ng mahaba kong mga paliwanag..
hindi naman daw iyon ang ikinakabahala niya..
at nagpasalamat din nga siya...
at least hindi ako nakakadagdag sa mga alalahanin niya...
is 💌 feeling , sana talaga matapos na yung problema niya sa lalaking iyon...
---o0o---
September 2, 2023...
ayoko sanang kamuhian nang kamuhian ang buhay..
kung tutuusin, gusto ko lang naman na lumipas ang mga araw nang payapa at walang aberya..
pero hindi ko maintindihan kung bakit parang required para sa akin na laging may problema sa halos araw-araw... 🙁
is 💀 feeling , parang masyadong isinumpa.. hindi man with regards sa degree ng mga parusa, pero pagdating sa dalas...
>
noong isang araw..
noong pauwi na ako...
habang nasa taxi, nagtaka ako kung bakit dumaan yung sinasakyan ko sa minor road..
usually kasi gumagamit ako ng Google Map kapag nasa taxi ako para iwas sa mga kriminal..
pero noong time na 'yon, dahil maulan at may intindihin pa akong payong, eh nag-decide ako na hindi na buksan yung 2 kong phone..
oo 2 phone; 1 na may sapat na storage para mabuksan yung app, at 1 na madalas kong ginagamit para sa data promo (kasi gahaman na ang Globe)...
ayun nga, nagtaka ako dahil sa pagkakatanda ko eh once na nasa main road na eh yun na lang ang babaybayin namin hanggang sa marating ang dating Roosevelt Station..
so natakot ako..
baka kako along the way ay biglang magsakay yung driver ng kasabwat niya, dalhin ako sa liblib na lugar, kunin lahat ng mga dala ko at itapon na lang ang magiging bangkay ko sa kung saan..?
or at least ay baka kako nagpapataas siya ng metro...?
mabuti na lang at hindi naman kriminal yung driver..
nakahinga na ako nang maluwag noong bumalik na kami sa main road at nakita ko na yung station..
Php 20 lang din naman yung itinaas nung singil niya kumpara sa biyahe ko papunta sa Timog Avenue...
is feeling , kinabahan ako dun...
-----o0o-----
August 28, 2023...
[Trade]
nag-pump then dip ang OAX kahapon..
USD 30 din sana 'yon para sa akin..
pero wala..
sa ngayon, papunta na sa impiyerno ang OAX dahil sa utos ng masamang kapalaran...
is feeling , puros masasamang pangyayari...
---o0o---
August 29, 2023...
[Online Marketing]
kahit papaano nagawa namang maabot ang quota sa 1st store bago matapos ang buwan..
sa tulong na din siguro ng sarili kong sale..
kaya kahit papaano ay may matatanggap naman na lagpas Php 2,000 next month...
is feeling , sige lang...
>
[Trade]
nakagawa ng mega pump ang OAX early this morning..
after 43 days matapos ang pagbagsak ng lahat..
nasa 54% increase..
USD 168 na kita sana 'yon para sa akin kung nasakyan ko lang... 🙁
sa 2nd na short pump..
USD 46 naman yung nakawala sa akin... 🙁
sa 3rd na shorter pump..
USD 35 naman sana... 🙁
nakisabay din ang AST noong unang pump..
nasa USD 34 sana kung napakinabangan ko... 🙁
is feeling , USD 249, sa loob lamang ng isang araw.. mayaman na sana ako ngayon, kung hindi lang sana ako malas na nilalang...
---o0o---
September 1, 2023...
[Game]
so nag-launch na naman yung mga scammer ng Fortune Chest event..
pero suko na ako..
hindi naman ako nakakakuha nung rarest type..
tsaka hindi din ako nakakakuha ng nasa thousands ang halaga sa palitan... 🙁
bukod pa dun..
2 season na akong walang naka-Craft na malakas..
puros bulok na items lang ang nakukuha ko... 🙁
hindi na rin ako naghabol ng AXS at SLP sa last week..
parking na lang ang hahabulin ko...
is feeling , heavily scripted, para sa mga pinoprotektahan nilang Guild...
>
[Online Marketing]
ayun..
bokya na naman sa 2nd store..
at 3rd store, as usual...
is feeling , mabagal na katapusan 'to...
No comments:
Post a Comment