Saturday, November 5, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Few Days of November 2022 (Halloween Parking)

Loveless Story


October 30, 2022...

ang totoo, nalilito ako..
ano ba ang gusto kong unahin..?
yung Dream Date na ba, kasama si Attendant M..?
o gusto ko ba munang ma-evaluate si Attendant J..?
makabawi at ma-meet na si Attendant C..?
at makapiling ding muli si Attendant Ry...??

so far, mukhang madami pang available na mga araw yung resort..
mga Mondays to Thursdays..
eh ang panahon kaya..?
makikisama sa advance booking...??

is 💔 feeling , t*ng ina.. ang hirap makipagkarera sa Cancer...

---o0o---


November 1, 2022...

[Gadget-Related]

wala na, hindi na kaya nung mouse ko..
maalin sa gagana ang click, hindi gagana, o multiple clicks ang ginagawa..
delikado na, baka makasira lang ng program o ng file..
3 years lang ang inabot niya..
sayang, dapat 5 years para sa akin eh...

mabuti na lang at may ilan pang mga tirang mouse dito sa bahay..
gaming mouse muna..
hindi magandang magkaroon ng mga extra na gastusin sa panahon na ito...

is feeling , 5 years naman...


>
kailangan ko nang kausapin si Attendant M bukas..
pero hindi pa ako nagko-compute ng mga available kong pera...

kinakabahan ako..
na baka hindi makiayon ang lagay ng panahon, lalo na kung advance ang booking..
na baka marumi siya sa akin kapag nalaman niya na magta-tricycle lang kami...

is feeling , paano nga ba...??

---o0o---


November 2, 2022...

binitawan ko na yung November proposal para kay Attendant M..
pero silent lang siya..
ulit...

nga pala, kailangan ko nga din palang mag-alala..
na paano kung bumigay ang katawan ko sa mismong panahon nung date..?
magiging madugo 'yon... 🙁

pero sa loob ko..
in a way, gusto kong umasa na hindi na muna o-oo si Attendant M para doon sa Dream Date..
nag-miss na ako sa Andrea Torres ng Cubao..
kaya naman, parang gusto ko munang i-prioritize yung mga posibleng mawala sa akin...

if ever hindi tanggapin ni Attendant M yung proposal..
ako na lang muna ulit ang luluwas para sa evaluation..
quantity over quality...

is 💔 feeling , ang gulu-gulo na.. lahat dahil lang sa sobrang kakulangan sa pera.. pera na matagal na akong meron dapat, pero paulit-ulit na inaagaw sa akin ng FATE...

---o0o---


November 3, 2022...

nag-reply na si Attendant M kaninang umaga..
pero wala naman talaga siyang isinagot..
good morning lang..
nag-reply ako, pero after that eh nanahimik na lang ulit siya...

kaya ayun..
nag-inquire na lang ako sa lahat ng pwedeng i-evaluate...

is 💔 feeling , i guess it's a no...

---o0o---


November 4, 2022...

pati sa booking malas... 🙁

hindi sinasagot ng Andrea Torres ng Cubao ang mga offer ko..
rejected yung Php 3,500 na entrance na proposal ko para sa AJ Raval ng Commonwealth, kahit na Php 1,200 lang naman talaga yung double entrance..
wala pa din kaming makuha ni Attendant Ry na sagot mula kay Attendant C..
at 1 pa lang ang nakakausap ko nang matino...

basically, naubos na yung mga primary target ko..
at 1 lang yung willing na makipagkita..
ayoko naman siyempre ng pucho-pucho lang na 4th wheel...

is 💔 feeling , ano ba..? wala bang makikiayon sa akin...??

-----o0o-----


ano na naman kaya ang resulta ng pananakit sa akin ng FATE sa nagdaang linggo..?
at tumataginting na USD 1,004 pala ang napalampas ko na mga pagkakataon...

---o0o---


October 29, 2022...

[Trade]

hindi pa tapos...

PEOPLE..
22% recovery..
o USD 45 sana para sa akin...

bukod pa ito sa iba pang assets sa watchlist ko na nag-recover na rin around 10% sa ngayon...

is feeling , simple lang naman talaga ang mensahe ng FATE.. masuwerte ang lahat bukod sa'yo.. kamatayan na lang ang pwede mong gawin para sa sarili mo...

---o0o---


October 30, 2022...

[Trade]

ayaw na nilang tumigil dahil nasa labas ako ng trading... 🙁

gumawa ng pump ang GMT..
15% increase..
o USD 31 sana para sa akin...

VIDT na naman..
26% pump..
o USD 54...

AGLD..
15%..
o USD 31 ulit...

is feeling , edi kayo na lang ang masasaya...


>
[Game]

mukhang safe pa naman yung ginawa kong palugit..
around 350 lang ang movement ng ranking per day..
at hapon na noong nalaglag ako sa 19,000..
kung masusunod ang plano ko..
kahit pumaltok pa sa 500 ang galaw ng ranking bukas..
eh may sapat pa rin akong allowance para manatili sa top 20,000...

ang na-realize ko sa 5 araw na hindi ako naglalaro nung game ng mga scammers..?
mas masaya na naka-focus ako sa trabaho, although nagkataon na more on external render yung mga nagawa ko nitong nakaraang mga araw..
mas magaan ang buhay ko kapag may oras ako sa pahinga..
hindi stressed..
masaya ang mga araw na hindi ko kailangan na magmura dahil sa imbalance..
at na-enjoy ko ang kapayapaan...

is feeling , gusto ko nang makalaya mula sa maysa-demonyong laro na iyon.. pero wala na akong paraan sa ngayon.. maliban sa magpalugi na lang...

---o0o---


October 31, 2022...

[Trade]

talagang malakas ang LIT..
nasayang ko yung pagkakataon na sumadsad siya sa USD 0.50 plus lang..
21% increase ang latest..
o USD 43 sana para sa akin...

double pump naman ng PROS..
19% yung una..
o USD 39..
18% yung pangalawa..
o USD 37 sana para sa akin...

is feeling , wala na.. lagpas na silang lahat sa safe zone...


>
[Game]

natapos na ang katahimikan ko sa gaming...

nagtagumpay naman ang parking ko..
nagtapos sa rank 19,355 para sa Halloween..
may palugit pang 645..
ipinadala na nila yung prize..
pero dadaan pa sa checking bago mailabas mula doon sa laro...

less than 15 days left..
gusto ko sanang ulitin para sa mismong leaderboard, pero masyado pang mahaba ang nalalabing panahon..
kakailanganin kong makapasok sa rank 14,000 kung gugustuhin kong makapasok sa final top 20,000...

is feeling , kapag gumawa sila ng istorya para hindi ko ma-claim yung reward, eh talagang dayaan na...

---o0o---


November 2, 2022...

[Trade]

LIT..
wala na, mahal na..
lagpas USD 1 na, pahirapan nang mabili sa susunod..
35% increase..
o USD 72 sana...

PEOPLE..
30% pump..
o USD 62 sana para sa akin...

is feeling , hindi nakakatulong ang araw-araw kong pagpalpak...

---o0o---


November 3, 2022...

[Trade]

RNDR..
45% increase..
o USD 93 sana para sa akin...

second pump ng PEOPLE..
31%..
o USD 64 sana para sa akin...

NKN..
kumilos na rin after a long time..
huge 82% pump..
o USD 170 sana para sa akin...

is feeling , sana.. kung wala lang akong taglay na kamalasan...

---o0o---


November 4, 2022...

[Trade]

isinagad na nila ang pananakit sa akin... 🙁

RSR na ulit..
16%..
o USD 33...

ATA..
31%..
o USD 66...

pero bukod doon, gumalaw na rin yung mga matagal nang natulog..
yung mga pinagdududahan ko na kung gagalaw pa nga ba...

OGN..
28%..
o USD 60...

BLZ..
24%..
o USD 49...

at ang pinakamasakit sa lahat, para ngayong araw..
PERP..
ilang araw ko nang pinag-iisipan kung pupusta ba ako sa kanya o hindi, kasi matagal na siyang nakadikit lang sa low point niya..
hanggang kaninang umaga ay inoobserbahan ko pa siya..
tapos biglang nakisali na din nga siya sa pag-pump ngayong hapon..
26%..
o USD 55 sana para sa akin... 🙁

wala na..
iisa na lang asset sa watchlist ko ang natitira, na nasa low point pa niya..
at konti lang yung pump na kaya niya...

is feeling , iniwan na nila akong lahat.. dahil sa lubos na kamalasan ko...


No comments:

Post a Comment