Saturday, October 8, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of October 2022 (Lucky Charm & Hope)

Loveless Story


October 1, 2022...

ang dami na naman ng mga nahahanap ko lately..
kahit nga hindi naman ako nag-aabala na maghanap eh..
pero basta ko na lang nakikita sa suggestions..
siguro dahil sa mga network nila...

pero kahit na ganun..
hirap na hirap pa rin ako pagdating sa mga totoo kong hinahanap..
kahit mga clue ayaw umubra...

is 💔 feeling , ang unfair talaga...

---o0o---


October 3, 2022...

[Lottery]

nakakuha ako ng 3 numbers para sa primary combinations ko..
kaso wala akong taya..
panalo na din ulit ng jackpot yung number pool ko..
pero nasa 433 naman ang nanalo dun...

naalala ko lang yung sa Jueteng..
yung mga insidente kung saan sadyang inili-leak yung tatamang combination..
o di kaya eh yung may combination na ipinagbabawal nilang tayaan minsan..
na patunay na nadadaya ang Jueteng...

is feeling , ano nga kaya ang nangyari..? dahil ba divisible nga silang lahat by 9...??


>
nakuha ko na yung Suisse gold ko ngayong araw..
kaya kapiling ko na ngayon ang Lady Fortuna ko...

ang kaisa-isa kong asset na may permanenteng value para sa kahit na kaninong tao...

is 💘 feeling , bringer of fortune...

---o0o---


October 4, 2022...

mahina ako..
bobo..
at sobrang malas pa na lalaki... 🙁

yung Php 17,000 ko..?
lagpas 1 taon na pero hindi pa rin maibalik lahat nung p*ta..
yung p*ta na nagsabi noon na pera lang daw yung Php 21,000, na madali lang kitain..
pero ni hindi nga niya magawang maghulog ng bayad kada buwan...

yung Php 36,000 ko naman..?
nilamon na ng paulit-ulit kong kamalasan sa Binance... 🙁

Php 53,000 yun..
tapos ko na dapat a few months ago yung Dream Date ko kung nasa akin lang silang lahat..
pero hanggang ngayon hirap na hirap akong i-retrieve lahat ng mga nawala sa akin na pera...

is feeling , sobrang bulok na kapalaran...


>
ano ba talaga ang mga entity..?
at bakit ganito na lang yung atensyon na ibinibigay nila laban sa isang katulad ko lang..
mortal lang ako, at nabubulok pa ang katawan... 🙁

pakiusap, tama na..
kung ano man ang galit ninyo sa akin..
hindi ko kayo naiintindihan..
pero pagod na pagod na akong malasin sa bawat araw ng buhay ko... 🙁

is feeling , hinihintay ako ni Attendant M.. kaya kailangan ko nang mawasak ang bumabalot sa akin na kamalasan...


>
after more than 2 months..
nagparamdam na ulit sa akin si Attendant M..
nangangamusta..
pero yung proposal ko siguro ang tinutukoy niya...

i'm so sorry..
for being a failure..
an absolute loser... 🙁

nakakahiya..
5 buwan na yung nakalipas simula noong nabanggit ko sa kanya yung proposal ko..
inakala ko na makakabawi pa ako..
pero sa sobrang haba ng panahon na iyon, eh hanggang ngayon hindi ko pa rin nababawi lahat ng pera ko... 🙁

ang pera ko sa ngayon na madali ko lang mahahagilap..?
Php 34,000 sa bangko..
at Php 14,000 on hand..
kulang pa ulit ng Php 12,000 dahil dun sa p*ta... 🙁

is 💔 feeling , hanggang kailan ko pagbabayaran na nagtiwala ako sa p*ta na 'yon..? gusto kong mawasak na silang lahat.. pero hanggang ngayon ayaw niyang pakawalan lahat ng pera ko sa kanya...

---o0o---


October 5, 2022...

ang tahimik ni Attendant M..
gaya lang ng usual niya..
hindi siya basta-basta magsasalita, kung wala siyang sasabihin...

mahirap siyang mabasa..
iba siya pagdating sa communication..
at iba ding makitungo pagdating sa personal...

nakakabuwisit lang talaga..
Php 120,000 plus na pagkalugi..
madami na sana akong magagawa sa perang 'yon..
pero pinagtatapon lang 'yon ng madilim kong kapalaran... 🙁

is feeling , October na.. negative pa rin ako sa Binance...


>
yung masakit na realization sa buhay..?
na walang halaga lahat ng mga pinag-aralan mo..
walang halaga ang skills..
walang halaga ang research..
posibleng malaman mo yung magagandang opportunities..
pero..
kapag malas ka, eh malas ka..
walang mananalaytay sa mga ugat mo kundi purong kamalasan lang...

is feeling , imposibleng makabawi, dahil lubos ang kamalasan...

---o0o---


October 6, 2022...

sa ngayon, ang mga pera ko online..
maliban sa Binance..
eh Php 4,000..
at USD 162...

bale nasa Php 13,000 na pala..
sapat na sana para sa kulang kong pera..
kaso kailangan pang maghintay ng release..
maximum na 2 months...

is 💔 feeling , kaso mukhang nahuli na rin ako.. mukhang wasak na ulit yung Dream Date ko...?


>
wala ng lalala pa sa lalaki na pangit na nga..
eh sobrang pangit pa ng kapalaran.. 🙁
ang Most Undesirable Guy on Earth..
ang tagapagdala ng matinding kamalasan...

is 💀 feeling , nabuhay lang ako para mamatay.. yun lang...


>
wala na..
mukhang b-in-lock na ako ni Attendant M..
hindi na ma-deliver yung messages ko para sa kanya...

5 months ko siyang pinaghintay..
kaya pinatunayan ko lang sa kanya na inutil ako..
pero ang masakit dun..?
hindi ko sinadya na ma-delay yung plano..
technically, hindi dapat delayed yung plano..
pero naligo ako ng mga kamalasan..
kaya sa halip na maka-recover ng pera..
eh sa lalong pagkalugi pa ako nauwi..
isang scripted na pagkalugi na gawa ng kapalaran..
kung saan nami-miss ko lahat ng mga tamang desisyon, habang paulit-ulit na nagiging mali lahat ng mga desisyon ko...

if that is the case..
mangangahulugan 'yon na nawalan na naman ako ng prospect na nasa level ni YAM...

is 💔 feeling , wala na ulit.. mas madali na akong matatalo ng panahon nito.. ang pagkaubos ng oras ko dito sa mundo...

---o0o---


October 7, 2022...

hindi pa official..
hindi pa final...

so na-deliver na ngayong araw yung messages ko para kay Attendant M..
at sinabi naman niya na mukhang kaya naman niyang gampanan yung role...

sa November..
pwede ko na ulit subukan yung Dream Date sa November..
madami pang pera ang wala sa akin..
pero isusugal ko na ang lahat para lang mabuo yung Ph 60,000...

is 💌 feeling , sa ngayon, ibubuhos ko muna ang lahat sa trabaho...

-----o0o-----


nasa USD 150 lang ang mga na-miss kong recovery ng mga assets sa listahan ko nitong nagdaang linggo...

---o0o---


October 1, 2022...

[Game]

sa 17th day, nakaabot na ulit ako sa Tiger division..
sa ngayon, napapasok ko siya hanggang below 9,000 rank..
pero masyado pang mahaba ang panahon ng labanan..
mas humirap din this time dahil namigay ng mga libreng equipment ang management..
sobrang dami na tuloy ng mga mayayaman na gumagamit ng pampakunat...

is feeling , matagal pa para matantsa ang lahat...


>
[Trade]

at nagkandamamali na nga ako..
hinding-hindi ako makapasok sa napili kong asset..
samantalang gumawa na ulit ng recovery ang FIDA..
nasa 35% na increase..
o USD 63 sana para sa akin...

tapos bumaba na naman kahapon ang interes sa BNB..
7.09% APY na lang..
luging-lugi na tuloy ako sa panahon ko sa BNB...

is feeling , Php 150,000 target.. pero ang hila ninyo sa akin eh puros pababa...

---o0o---


October 3, 2022...

[Trade]

kahapon...

dagdag na naman sa RSR..
nasa 22%..
USD 40 sana iyon para sa akin...

LUNC..
26% pump..
USD 47 sana iyon para sa akin...

is feeling , kailan kaya ako makakasabay...??

---o0o---


October 4, 2022...

[Game]

may nangyaring kakaiba doon sa game simula kahapon..
patuloy ang pagiging scripted ng mga baraha ko..
most of the time, may mga baraha ako na hindi ko na nagagamit pa..
laging kapos sa pamatay na tira..
at laging nakaayos yung mga baraha ko nang may disadvantage kumpara sa strength ng aking kalaban...

hinila pababa sa 34% na lang ang win rate ko... 🙁

is feeling , 2 days in a row.. mas bumigat ba ang parusa laban sa akin...??

---o0o---


October 5, 2022...

[Trade]

bumaba na naman ang interes sa BNB..
6.89% APY na lang..
halos kalahati na yung nawawala sa kanya... 🙁

sablay din ang pasok ko sa panibagong asset na pinasok ko..
kinapos ng nabiling supply...

mahirap 'to..
pinagkakarera ko yung Dream Date at yung nabubulok kong katawan..
habang sa papawala lang lahat ng pera ko...

is feeling , ano na p*ta..? 90 months to pay ang Php 21,000 ko..? puros panggagamit lang ng mga tao ang alam mong gawin...

---o0o---


October 6, 2022...

[Game]

2nd try ko na mag-craft na may gamit na SLP..
pero gaya last season, wala na namang silbi ang nakuha ko.. 🙁
Charm lang..
wala pang pakinabang para sa team ko dahil pang-enhance lang ng heal..
ni hindi na lang pang-boost ng HP para magamit ko man lamang eh...

is feeling , lubos talaga ang kamalasan...

---o0o---


October 7, 2022...

[Trade]

matapos kong makumpleto ang pagbili ng assets kahapon..
eh heto at pababa na ulit ang direksyon ng buong market.. 🙁
umaangat silang lahat sa tuwing wala akong bagong investment..
tapos saka bumababa kapag meron na...

bukod doon..
bumaba na rin ulit ang interest rate ng GMT..
nasa 8.37% APY na lang..
malaking sayang talaga na hindi ko na-maximize yung 20% dati...

is feeling , yung ipinagbabawal na kakayahan na magising sa isang umaga na nag-pump na ang asset...


No comments:

Post a Comment