Loveless Story
September 18, 2022...
napansin ko na may protektor ang isa sa mga manager na nakakausap ko..
kaya nagbakasali ako na humingi ng tulong sa kanya...
kaso..
lumalabas na kakampi nila yung taong totoong target ng mga nambintang sa akin..
yung taong dahilan kung bakit ako napahamak..
kaya mukhang malabo na i-suggest nila doon sa superior na i-reveal ang mga anonymous activity sa loob ng community...
is feeling , mas gusto ko na lang mamatay yung mga basurang 'yon.. mga literal na bastos sa kahit na sino at mayayabang...
>
[Medical Condition]
so malala na nga pala talaga ang lagay ko..
nabubulok na ang katawan ko..
talagang isinumpa ako... 🙁
3rd time ko na na harapin ang depekto na 'to..
parang yung cyst ko lang, paulit-ulit..
at according sa internet, hindi natural na nagre-recur siya..
kaya naman totoo ngang may mali sa katawan ko... 🙁
simula't sapul, mali ang lahat ng tungkol sa akin..
2014 noong unang beses ko siyang naranasan..
at zero contact ako noon..
kaya naman walang chance na nahawa lang ako..
late 2020 to early 2021 naman yung padalawang beses..
at may close contact na ako that time..
pero this time, sa ikatlong pagkakataon, na-trigger na naman iyon with zero contact..
kaya ibig sabihin na sariling katawan ko lang talaga yung may mali..
na depektibo talaga ako..
yung sarili kong katawan - it wants me dead...
ako yung inatake, kahit wala naman akong ginagawa laban sa ibang tao..
pero bakit ako na naman yung pinaparusahan ng ganito..?
nakatadhana na lang ba talaga ako na mamatay na lang nang ganito..??
isang basura lang...?
magtatapos yung Dream Date kung mawawasak na ang katawan ko.. 🙁
ito ba ang dahilan kung bakit paulit-ulit siyang nawasak simula 2021..?
ito ba ang dahilan kung bakit paulit-ulit akong nawalan ng pondo sa cryptocurrency..?
dahil noon pa man, hindi na talaga pwedeng maisakatuparan yung Dream Date...??
is 💀 feeling , paano pa ako lalaban, kung scripted na akong mabigo nang paulit-ulit...??
---o0o---
September 20, 2022...
yung biological mother ko..
gusto akong isama sa birthday celebration niya..
sa ibang probinsya...
pero ang hirap-hirap kasi..
hindi nila naiintindihan kung gaano kahirap yung buhay ko..
na lahat ng mga pinaghirapan kong kitain..
nauwi lang sa scam..
nauwi lang sa mga pagkalugi...
is feeling , kahit 1 panalo lang talaga ng jackpot sa Lottery, titigil ako sa trabaho at sasama sa celebration...
>
[Medical Condition]
mukhang cancer siya..
base sa mga signs..
to think na tinira talaga ako ng kapalaran sa mismong weakness ko..
sa mismong bagay na mahalaga para sa akin... 🙁
kailangan ko ng Php 120,000..
to be divided into 3..
pero bago iyon, kailangan ko din munang pansamantala na gumaling..
gusto kong matapos lahat ng mga plano ko habang parang fit pa ako..
the same reason kung bakit hindi din talaga pwedeng magtagal masyado ang buhay na ito..
dahil ayokong maranasan ang lahat ng iba pang mga kabrutalan na ipapaligo sa akin ng tadhana... 🙁
iyon yung dahilan kung bakit hinding-hindi ko matapos yung Dream Date..
kung bakit paulit-ulit na nasira iyon..
dahil bawal kong maranasan yung Dream Date..
kinamumuhian ko ang buhay..
dahil nilikha lang ng mga demonyo ang buhay ko para mamatay bilang isang talunan... 🙁
is 💀 feeling , Php 120,000.. kailangan kong maunahan ang kamatayan...
---o0o---
September 21, 2022...
[Manga Theory]
anak ng..
mala-Code Geass na si Im..
may kakayahan ang sasakyan niya na daig pa ang F.L.E.I.J.A. bomb..
iyon na nga kaya ang Uranus..??
mukhang iyon din ang ginamit upang burahin ang God Valley...
let's see..
so far heto na yung confirmed sa mga theory ko..
#2 kung saan pinakawalan ni Zoro ang ganap ng black o Haki-enhanced blade na Shusui..
#11 kung saan hindi nga si Sabo ang pumatay kay Nefertari Cobra...
One Piece Theory #12 and #13
sa tingin ko planong wasakin ni Luffy ang Red Line para maging isa na lang ang mundo..
although mananatili pa rin ang Calm Belt, eh existing naman na ang mga technology para baybayin ang dagat na iyon sa pamamagitan ng mga barko...
sa tingin ko din na hindi namatay si Sabo sa pagpapasabog sa Lulusia Kingdom..
base sa paglingon ni Sabo, posibleng nasa dagat na siya na malapit doon sa isla noong pinasabog na iyon ni Im...
is feeling , anong magagawa ng Pluton at ng Poseidon laban sa sasakyan ni Im...??
>
[Online Marketing]
surprisingly, madami na ulit yung bumibili ng mga bundle ko sa 2nd store this month..
hindi ko alam kung napansin ba nila yung sale ko dahil sa store wide sale nung management..?
o kung sacrificial purchases ba ang mga iyon...?
meron kasi akong ilang kliyente na lumalabis pa sa normal ang pagsuporta sa akin..
bumibili ulit ng mga project ko na meron naman na silang kopya..
at ayoko naman na nagsasakripisyo sila sa ganung paraan...
is feeling , sana talaga mga unique at authentic na transactions iyon...
---o0o---
September 22, 2022...
patuloy ang paninira sa account ko.. 🙁
can't believe na nagsimula ito dahil lang sa walang kautak-utak na bintang..
araw-araw binabahiran nung mga kriminal ang record ko..
para magmukha akong masama, na gaya nung kaaway nila...
sa totoo lang hindi ko na alam kung sino ang umaatake sa akin sa ngayon..
yun pa rin bang nagbintang sa akin..?
o sinusubukan ba akong inisin ng kaaway nila, para lalong lumala yung gulo at makipag-away na rin ako..?
kung ano man ang totoo..
ang lahat ng ito ay nag-ugat doon sa bintangero na iyon..
kaya naman dapat na siyang mamatay...
at hindi kumikilos ang mga nasa tuktok para parusahan ang mga kriminal upang matulungan naman ako... 🙁
kailangan ko nang matuto na mag-inject ng rogue administrator nito...
is feeling , sana magkaroon naman ng silbi ang taglay kong kamalasan.. tutal eh lapitin na rin naman ako ng mga demonyo.. edi sana tamaan naman sila ng kamatayan dahil sa kamalasan ko...
>
[Lottery]
hindi ako nanalo..
ibig sabihin..?
wala akong panahon para magsaya..
para magbakasyon..
sa bagay, hindi din naman talaga masaya na makasama sila..
parang ordinaryong araw din lang..
na walang trabaho...
pero ang mas inaalala ko ay ang patuloy kong paglayo mula sa Dream Date..
ang muling pag-atake ng Cancer na ito..
pursigido sila na tapusin ako nang hindi ko natutupad yung Dream Date... 🙁
is feeling , mga demonyo talaga kayo.. hinahayaan ninyong mabuhay yung mga totoong demonyo ng bayan.. habang kayang-kaya ninyong atakehin ang mahihina lang na kagaya ko...
---o0o---
September 23, 2022...
nakakainggit ang mayayaman..
kaya kasi nilang sisihin yung mga tao na tutok sa trabaho... 🙁
pero hindi naman kasi nila maiintindihan..
nasa production ako..
hindi ako kagaya nila na the moment na natanggap sa trabaho eh automatic na ang daloy ng pera, may gawin man o wala...
hindi ko kayang ipaliwanag ang level ng taglay kong kamalasan..
kung paanong hinayaan ko na mautangan ako ng isang manggagamit lang na babae..
kung paanong ang USD 830 ko sa Binance, eh nasa USD 200 na lang sa ngayon at hinding-hindi ko ma-recover...
hindi ko kayang ipaliwanag kung bakit kailangan kong makaipon ng Php 150,000..
na hahatiin sa 4..
na may kailangan akong matupad na Dream Date bago man lamang akong mamatay..
na 4 na beses na yung nawasak dahil sa kamalasan ko..
pero literal na akong nakikipag-unahan sa kamatayan ngayon, dahil nagdudugo na yung katawan ko dahil sa Cancer ko..
pilit akong nagpapanggap na normal pa rin ako, at hindi ko alam kung kailan ako ilalaglag ng mismong katawan ko...
is feeling , kasama ko yung tao araw-araw.. hindi pa ba sapat 'yon..? bakit kailangan ko pa talagang magbakasyon kung kailan kailangang-kailangan ko ng pera...??
-----o0o-----
for this particular week lang..
umaabot na sa USD 721 yung halaga ng mga napakawalan kong opportunities sa Binance...
---o0o---
September 18, 2022...
[Trade]
gumawa ng quick pump yung JOE..
nasa 56% increase..
so USD 91 sana iyon para sa akin...
umangat din ang UFT ulit..
by 63%..
USD 102 sana iyon para sa akin...
base sa 2 samples na 'to..
walang specific na limit ang pagpa-pump ng mga whale..
kaya nilang magpakilos ng volume na nasa USD 7 - 74 Million ang agwat...
is feeling , pero bakit hinding-hindi ako makasabay sa mga balyena...??
---o0o---
September 19, 2022...
[Trade]
nakaka-3 crash na ang Bitcoin..
at pumasok pa naman ako sa pinakauna..
pero mabuti na lang at kahit papaano eh nahihila lang niya ang GMT sa kaparehong spot..
may resistance siguro doon...
ALPACA naman ang kumilos ngayong araw..
at double pump pa talaga ang nagawa niya..
33% yung unang pump..
USD 54 sana iyon para sa akin..
26% naman yung ikalawang pump..
so USD 57 sana iyon mula doon sa increased value para sa unang pump...
is feeling , bakit hindi ko magawang maranasan yung mga ganung klase ng kaligayahan...??
---o0o---
September 20, 2022...
[Trade]
VGX na naman..
nasa 32%..
USD 52 sana iyon para sa akin...
WRX na ulit kaagad..
nasa 26%..
USD 42 sana iyon para sa akin...
is feeling , yung iba kong mga binabantayan, sipa nang sipa.. nakailang sipa na nga eh.. pero yung tinatayaan ko, naipapako ko sa kamalasan...
---o0o---
September 22, 2022...
[Trade]
so naloko din ako ng Ethereum Merge.. 🙁
sa halip kasi na umangat ang market nila, eh lalo pa silang bumagsak..
nagtampo yata ang mga miners nila dahil sa pagtitipid sa energy...
nagpasok pa naman ako ng ibang pera sa Katana..
kaso yung USD 4.33 ko..
nasa USD 3.09 na lang sa ngayon..
nadagdagan na naman tuloy yung mga amount na kailangan kong bawiin... 🙁
is feeling , wasak na naman ako...
---o0o---
September 23, 2022...
[Trade]
so sumablay na naman ako sa GMT..
nasa USD 10 din yung napakawalan kong kita dahil sa pag-early out ko...
tapos nagpababa na naman ang BNB..
nasa 7.39% na lang ang APY niya..
paubos na nang paubos... 🙁
is feeling , part 1 pa lang 'to...
>
[Trade]
at sandamakmak na naman ang mga na-miss ko sa watchlist ko... 🙁
UFT na ulit kaagad..
nasa 37% increase..
USD 67 sana iyon para sa akin...
PROS na recently lang naging available sa BUSD trading..
nasa 46% naman..
USD 84 sana iyon para sa akin...
may nag-pump na rin sa XRP na napakarami ng supply..
nasa 41% recovery..
USD 75 sana iyon para sa akin...
tapos kumilos na rin ang RSR..
malaking 53% recovery..
o USD 97 sana para sa akin..
ang problema dito, gaya din nung sa iba, ni hindi siya bumaba hanggang sa USD 0.004 na binabantayan kong palitan bago ako tumaya...
bukod pa sa OGN..
yun namang iba na sumadsad na rin sa watch point ko..
eh involved naman sa Ethereum network, na bumagsak after ng ipinagmamalaki nilang Merge..
nasa 3 sadsad na assets din iyon..
pero hindi ko masabi kung ano na ang totoong bagsak na presyuhan nila dahil sa pagbagsak ng ETH...
is feeling , sobrang dami ko nang napapakawalan na kita...
No comments:
Post a Comment