Saturday, January 8, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of January 2022 (Hope & Death)

Loveless Story


January 2, 2022...

araw ng p*ta..
ang pinaka-masamang babae na nakilala ko sa buong mundo...

pera lang..?
Php 21,000 lang..?
napakayabang, palibhasa hindi niya pinaghirapan yung pera..
wala siyang pagpapahalaga sa paghihirap ng iba..
palibhasa nasanay siya na nakukuha niya yung mga gusto niya sa pamamagitan lang ng pang-uuto at pagpapaikot sa mga tao..
kung makapangmaliit ng pera eh akala mo naman eh kaya niyang bayaran sa isang bagsakan lang...

hindi dapat pahalagahan at pagkatiwalaan ang isang babae na kayang iputan ang sarili niyang boyfriend o asawa..
pero paano ko ba mapapatawad ang sarili ko sa pagpapaloko ko sa babaeng iyon..?
paano mapapadali ang paglimot ko, gayong paunti-unti pa ang ginagawa niyang pagbabayad ng mga utang niya..?
gusto ko na lang matapos na ang lahat ng ito...

is feeling , hindi ka na dapat ipinanganak sa mundo na 'to...

---o0o---


January 3, 2022...

new year na..
so kinumusta ko na ulit sina Miss B at YAM tungkol doon sa alok ko...

tapos..
may 2 ulit akong kino-consider, nang sabay..
sina Miss Alonzo at Miss Pressman..
kaso ang problema..?
kaduda-duda yung communication channel ko para sa kanila..
dati na kasi yung nag-claim na under nila ang isang therapist, pero noong tinanong ko naman yung babae sa pamamagitan ng sariling contact number niya eh sinabi niya na hindi daw dahil bahagi siya ng ibang establishment...

sobrang high risk lang nito..
tapos panahon pa ng Omicron at ng Absentee-Quarantine..
if ever susugal ako sa kanilang 2, tapos lalabas na scam lang ang lahat..
eh sinu-sino naman ang pwede kong maging backup plan...??

is feeling , kailangan kong malaman kung saan talaga sila nagtatrabaho...

---o0o---


January 4, 2022...

nag-reply na ulit sa akin si Miss B..
talaga bang normal lang para sa mga babae ang pagiging gising sa madaling araw, at saka sila nagre-reply sa mga ganung oras...??

ayun..
hindi naman niya sinasagot pa yung tanong ko..
pero sinabihan niya ako na doon ko siya i-contact sa freelance model account niya...

is 💌 feeling , mukhang wala na siyang dental braces.. at mukhang bagay sa kanya ang natural...

---o0o---


January 5, 2022...

wrong timing ang lahat..
kailangan kong um-attend ng mga seremonyas..
nariyan na naman ang banta ng bioweapon regarding sa mga lockdown..
at patuloy sa pagtaas ang mga kaso ng nasasabugan ng bioweapon sa [Name of City]...

ang worst timing para magbigay ng sagot niya si Miss B..
ayun..
b-in-lock na niya ako sa tila primary account niya..
pero kinakausap naman niya ako sa freelance model account niya..
at sa ngayon, nagpapakita siya ng willingness na tanggapin yung trabaho..
kaya daw niyang gawin lahat ng nakasaad sa kontrata..
ewan ko lang kung anong magiging impact ng latest bioweapon surge sa desisyon niya...

ang daming kailangang gawin..
pag-aralan ulit ang lahat ng sistema..
i-review ulit lahat ng itinerary.. 
i-check yung pera, dahil naging assets nga ulit yung ibang cash..
at i-consider na naman itong panibagong pagsabog ng bioweapon kung kailan naman may nakahanda nang tumulong sa akin...

ano na naman..?
nakahanda ba ulit akong isugal ang lahat sa gitna ng panganib ng bioweapon, para lang tuluyan nang matapos yung date...??

is 💌 feeling , hindi kaya layasan ako nun kapag pinasakay ko siya sa tricycle lang...

---o0o---


January 6, 2022...

nagparamdam na naman yung p*ta..
hindi talaga nakakaintindi..
hindi niya kailangang regular na mag-report sa akin..
tutal eh buwisit na buwisit naman siyang makipag-usap..
sapat na yung update bago magtapos ang bawat buwan, para lang alam ko kung may maaasahan ba akong bayad o wala...

may dahilan na naman siya..
may iba na namang mga karamdaman..
Ulcer type..
nasapul pa yung mga bisyo niya sa mga ipinagbabawal sa kanya...

hay naku..
baka negative Karma mo 'yan dahil sa mga ginawa mo laban sa akin..
o di kaya eh baka nakapitan ka nang husto ng dala-dala kong kamalasan...

nakipagbalikan yata siya sa dati niyang boyfriend...??

is feeling , para na tuloy akong loan shark dahil sa ginagawa ng babaeng 'yon...


>
the-rapist hunt...

ngayon ko lang naranasan na pagkaguluhan ng mga babae..
grabe, ganun pala yung pakiramdam..
yung pakiramdam na ang gwapo - ng pera mo, sa assumption nila..
nagta-type pa lang ako ng reply, pero flooded na yung messaging platform..
flooded ng mga promotion...

ganun pala sila..
naghahanap pa ng online account..
pero simple lang pala ang weakness nila - balikbayan-mode..
sila pa ang magsusubo sa'yo ng lahat ng details kung balikbayan ka...

anyway..
madami rin pala ang magaganda sa ganung sistema..
pero so far, hindi ko mahanap sa mga lineup nila sina Miss Alonzo at Miss Pressman..
tapos medyo mahirap i-check yung website..
ang bagal mag-load sa sobrang dami ng malalaking pictures...

is feeling , bakit ganun..? parang gusto ko ng dalawa...??

-----o0o-----


January 2, 2022...

[Online Marketing]

so mas maganda ang naging performance ng 1st store for the year 2021..
as compared sa 2019 and 2020...

kaso ayun nga..
nawala sa akin ang 2nd store nitong December release..
kaya naman hindi ko masabi kung paano ang magiging impact nun for 2022...

is feeling , okay lang yung censorship, pero huwag naman yung pang-stupid...

---o0o---


January 3, 2022...

so marami kaming blood relatives na nasabugan (na naman) ng bioweapon..
na naman, kasi mga tinamaan na rin sila dati eh..
and to think na marami sa kanila ang alagad ng medisina... 🙁

the usual na pagkakamali ng mga mamamayan..
kesyo relative naman sila, o kakilala naman sila, so automatic na negative sila from the bioweapon...

wala eh..
hindi sila nag-ingat..
nagpaloko sa low risk scam, kahit nga mga nasa medical field sila...

may relatives kasi sila, kami, na kabilang sa isang extended family..
meaning nasa iisang household lang..
buhay ang social life nung mga in-laws nila, kasi nga eh nagkaroon ng scam na bumubuti na ang lagay ng bayan..
so ito tuloy mga anak nila eh hinahayaan na nilang mag-stay doon sa household na iyon, para naman makalaro yung mga pinsan nila..
unfortunately, may naging carrier sa pamilya ng in-laws nila..
dahil dun eh nagpa-test sila, at lumabas nga na nasabugan na sila ng bioweapon maging hanggang sa mga sarili na nilang tahanan... 🙁

is ⚠ feeling , hindi lang sila ang nagko-commit ng ganung pagkakamali.. actually maging yung family ng biological brother ko na kasal sa isang doktor.. basta kadugo nila, automatic na negative ang trato nila...


>
[Game]

walang nagbabago sa Critical rate ng mga kalaban..
naligo ng 6 sa loob ng 15 matches..
pero nagawa pa ring manaig ng team ko para makakuha ng 13 wins out of 15 matches..
nakakagulat lang kung paano ko nalagpasan yung 4 na laban, kahit pa nasa kanila ang Critical favor...

dahil dun, nakaakyat akong muli sa 1300 MMR plus..
ang kauna-unahan para sa latest team setup ko..
dahil din dun, eh muli na akong nakatikim ng 9 SLP na reward..
although nakakatakot ang level na 'to..
malapit na ulit kasi akong mag-cash out..
kaya naman mas malakas ang posibleng maging hila sa akin nito pababa sa 800 MMR zone...

is  feeling , ang tamang combination ng Speed, Energy, and Defense.. at posible lang din 'yon kung maganda ang card distribution...

---o0o---


January 4, 2022...

[Game]

4 na kalaban lang ang nagpaligo sa akin ng Critical ngayong araw..
nakakuha ako ng 10 wins out of 15 matches..
lahat 'yon eh 9 SLP ang reward..
so dahil dun, nakuha ko yung highest daily earning ko na 165 SLP, simula 'to ng i-cut sa 50% ang daily rewards..
at dahil din dun eh nakapasok ang team ko sa unfamiliar territory na 1400 MMR plus...

tungkol naman sa WRON..
bumababa yung daily harvest ko..
kung dati eh nasa lagpas 0.055 per day, ngayong araw eh nasa 0.047 na lang yung estimate ko..
pero ayun nga, maige nang meron, kesa naman sa wala...

is  feeling , kailangang samantalahin ang higher MMR habang may pagkakataon...

---o0o---


January 5, 2022...

[Game]

nag-reset na ulit sa 1,200 ang MMR..
6 na beses naligo ng mga Critical...

anyway..
panahon na ulit ng pagsahod..
lagpas Php 2,500 ang deficit..
kaya ayun, ipinasok ko na muna ulit sa Solana..
basta nasa USD 180 to 190 na palitan ang target sa ngayon...

is feeling , nasa 160 days na...


>
ngayon na lang ulit ako nakakita ng isang patay na tao..
yumao siya nang nakaupo sa pagtulog...

wala na siya..
kaso ayaw nilang idaan sa COVID-19 test..
napaka-outgoing pa naman nun at walang pakialam sa mga health protocol..
pero wala eh..
takot sila na i-contact trace ang lahat kung saka-sakali..
at ginusto pa nga nilang dumaan sa mga seremonya...

bahala sila...

gusto ko sanang magpainom gaya ng pangako ko noon..
kahit na wala naman akong rason para mag-inom..
kaso panahon ng pananalasa ng Omicron variant eh...

is 💀 feeling , dalhin mo na rin sana lahat ng mga kamalasan...


>
hindi naman ako nawalan..
dahil simula't sapul, hindi naman ako nai-plano para mag-exist sa mundo na 'to..
naging kasangkapan lang ako para matali ang isang iresponsableng tao sa isang responsableng tao...

sa ngayon, masaya na ako na pwede nang magsimula ang kalayaan ng isang taong inabuso..
hindi na niya kailangan pang maging alipin..
tapos na ang pagkain niya ng mga mura halos araw-araw..
hindi na kailangang maging biktima ng pangongotong buwan-buwan...

sana magkaroon pa siya ng mahabang panahon para ma-enjoy naman ang kapayapaan na iyon...

is 💀 feeling , pamilya.. panahon ng Omicron, pero talagang gusto pa rin nila ng mga seremonyas.. ni hindi nga sila nakakasigurado kung hindi nga ba biktima ng COVID-19 yung tao eh...

---o0o---


January 6, 2022...

[Trade]

anak ng mga kriminal..
ang laki na nga ng problema ko ngayon sa cryptocurrency..
tapos ipi-feature pa na ipinambibili ng cryptocurrency ang mga checks na ninanakaw mula sa mga mailbox...

demolition job ba 'to...?? 🙁

is feeling , mga bobo kayo, itaas ninyo ang security measures para sa mga checks at mailbox ninyo...


>
[Trade]

talaga bang ganito natin sisimulan ang 2022..?
nag-invest ulit ako sa Solana mga bandang USD 168 ang palitan..
tapos noong nagising ako kanina eh nasa USD 155 na lang... 🙁

panibagong cryptocurrency crash na naman..
dahil sa kagustuhan ng USA na i-regulate ang lahat at kaltasan ng buwis, para magkaroon sila ng pera para sa COVID-19 response..
tapos eh isinasara na rin ang Kazakhstan, na isa sa mga mining locations, sa merkado... 🙁

kamalasan ko talaga..
kumita na ako ng nasa USD 20 siguro eh..
tapos ngayon eh ganito, matapos kong mag-reinvest..?
nawalan na ako ng lagpas Php 3,000 sa Coins PH..
at lagpas USD 30 naman sa Binance...

kahit sa PayPal..
first time kong na-experience na nagbago yung value ng USD habang nagko-convert ako..
samantalang dati, kung ano yung mag-reflect na value pagbukas ko sa account ko, eh steady na 'yon hanggang sa mapapalitan ko...

wawasakin talaga ako ng mundo, kahit na ano pang maging desisyon ko... 🙁

is feeling , sa outer space na lang ang pagma-mine.. gamitin ang araw.. tapos sa internet pa rin ang trading...


>
mga pasaway talaga..
nilabag na nang husto ang mga health protocol..
naghakot na ng mga tao..
bahala kayo..
pasabugin nyo pa nang pasabugin ang bioweapon... 🙁

bumili pa ng bagong damit..
sinabi ko na ngang itim ang isusuot ko eh..
pero magsuot daw ako ng puti para uniform ang lahat..
ano ba ang pupuntahan, pictorial..?
kailangan eh recorded lahat..?
mga pakitang-tao kayo, nagkukunwari kayo na isa tayong buong pamilya..
isa lang akong nabuhay na tamod, yun lang...

bili nang bili ng mga gamit na walang kuwenta..
tapos ano..?
yung binilhan na Imperial company eh gagawa na naman ng mga panibagong damit, kasi nga eh tinatangkilik sila..
at yung mga hindi naman ginagamit na mga damit eh magiging basura lang na sisira sa kalikasan...

is ⚠ feeling , sangkatauhan, maging praktikal naman kayo.. puro kayo luho pagdating sa mga materyal na bagay kaya lalong nasisira ang mundo eh...

---o0o---


January 8 , 2022...

kung meron man akong na-realize..?
yun ay, na sobrang mahal mamatay kung dadaan sa mga tradisyon at seremonyas..
Php 70,000 na kaagad, para pa lang doon sa venue sa loob ng iilang araw, at sa mga nag-asikaso nung buong proseso..
partida pa na discounted 'yon dahil sa edad...

2025..
so lagpas sa ganung amount yung kailangan kong mapag-ipunan pa..
para naman hindi maging sobrang pabigat ang magiging pagkawala ko...

is feeling , hindi ba pwedeng simple na lang talaga..? sisilaban na lang, tapos gagawing pataba para sa batang puno...??


>
naging hybrid dati ang schedule ko simula noong nag-sideline ako ng Axie Infinity..
lalo na noong naging 2 yung account..
pero kailangan ko na ulit mag-adjust nang marami pagdating sa oras ko..
mas magiging hybrid pa ang schedule ko neto...

is feeling , ako na ang sasalo sa mga hindi kayang gawin ng biological mother ko...


No comments:

Post a Comment