Friday, January 5, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of January 2018 (Love Link)

Loveless Story


December 31, 2017...

sa loob ng 11,580 days..
ang pinakamalupit na natutunan ko sa buhay ay..?
na kontrolado ng FATE ang lahat..
basta napakalakas niyang entity, kung anuman siya...

sa sobrang dami ko ng masasamang experiences..
nasabi ko na totoo siya..
na yung pagiging malas ay hindi lang basta-basta state of mind ng isang tao..
dahil ultimo yung mga bagay na hindi na apektado ng mga desisyon ko..
madalas na nagkakaproblema kapag ako na yung may kailangan...

kung para sa'yo, edi para sa'yo..
napakasimpleng lecheng patakaran ng buhay..
nakakalungkot nga lang kapag madalas na tila walang para sa'yo..
habang nakikita mo yung iba na basta-basta na lang nagkaka-meron ng kung anu-ano just by simply existing...

sa tingin ko eh kaya naman siyang talunin kahit papaano ng limpak-limpak na pera..
yung tanging bagay dito sa mundo na kayang iparamdam sa'yo na may suwerte ka...

kaya naman sawa na ako sa mga pangako ng pagbabago..
sawa na ako sa mga resolution...

ituloy na lang natin yung laban hanggang sa ma-game over na ako..
tutal wala naman talaga akong choice eh...

was feeling , hanggang ilan pa bago matapos ang One Piece...? basta lokohan na kapag pinatay mo si Oda...

---o0o---


January 1, 2018...

The 2nd War Potential


huli ka balbon! :D
so that's a weakness...

done with 1..
yung 2nd war potential ko..
yung babae kung kanino ko naman nakikita yung mga non-physical characteristics na gusto ko sanang makita sa babaeng kayang magmahal sa akin..
yung malambing..
at yung may naughty side..
but of course, isang alter ego lang yung nakilala ko noon..
pero maganda rin yun at sexy, halos kagaya nung babaeng gusto ko..
kaya nga isa rin siyang war potential eh...

single pa siya hanggang ngayon..
though parang may mga nanliligaw na..
at may bonus pang contact number... :D

hindi ko alam kung hanggang kailan ko mapapanatili yung link..
so kailangang samantalahin habang nandun pa...

umpisa na ng panibagong war clock..
hanggang sa katapusan ng February..
dapat may plano na by March..
if something good happens, edi mabuti..
pero kung wala, edi sana makapaghintay pa ang tadhana...

was feeling , bingo!

---o0o---


January 3, 2018...

credit FHM for this link:
Researchers Warn Women To Stay Away From These Four Types Of Men


Happily Married Rich Old Client..
ikaw yan..
si Mr. Deprived...

kesyo sa pamilya mo nahahanap yung pagmamahal..
tapos sa ibang babae mo naman ipinapasa yung responsibilidad nang pagpapasarap...

buwisit na buwisit pa rin ako sa mga pinagsasabi mong kalokohan..
kesyo sabay kang na-in love sa 2 babae, maliban pa sa asawa mo..
kesyo 2 ang inaalok mong ibahay, na mas gusto mo yung isa, pero mas pinipili mo yung isa dahil siya yung may tiwala sa'yo...

feeling , nakakabuwisit kayong mayayaman na DOM...

>
[Strange Dream]

napanaginipan ko siya kagabi..
unfortunately, hindi ko maalala kung ano yung istorya nun...

hindi ko matandaan kung nag-uusap ba kami o ano..
ang naaalala ko lang ay yung hindi malinaw na image ng maganda niyang mukha at yung ngiti niya..
mahaba na rin ulit yung buhok niya...

ewan..
in-invite ko siya para ngayong January..
kahit na wala naman talaga akong plano..
pero ngayong January na nga, eh napapaisip ako kung itutuloy ko ba o hindi ..
hindi mabait sa akin ang kapalaran..
madalas na wrong timing ang mga desisyon ko..
nag-iipon ako ng pera para mailabas yung iba ko pang pera..
pero parati akong napipilitang gumastos nang biglaan...

kagaya nun..
lumabas ako noong nakaraang October, thinking na baka matagalan pa bago siya makabalik, o baka nga hindi na siya bumalik pa..
tapos nung andun na ako, saka ko pa nalaman na naka-hide lang naman pala yung profile niya..
then, 2 months later, eh nagpakita na nga siya ulit..
kaso hindi na siya sumasagot kapag kino-contact ko siya..
kung hindi sana dahil sa wrong timing, edi sana ngayong January ko na lang gagamitin yung nagastos ko noong October...

ano bang ibig sabihin ng panaginip ko..?
dapat ba akong makipagkita sa kanya o hindi na...??

was feeling , lucky money naman.. para hindi ko na kailangang pag-isipan kung dapat ba akong gumastos o ano...

---o0o---


January 5, 2018...

na-check ko na yung account..
mukhang wala ng ibang miyembro nung grupo ang naka-link sa kanya...

was feeling , back to zero ang paghahanap...

-----o0o-----


December 31, 2017...

lately ko lang na-realize kung gaano ka-aggressive ang mga kalalakihan...

leche!
pinutakte ng mga request at PM yung babae kong drone..
eh sinusubukan ko lang naman mag-establish ng link..
Filipino man o Indonesian, binata man o matatanda, ang kukulit sa PM... XD

iba rin talaga ang dating ng mga Category A na babae...

was feeling , para kayong mga lalaking aso tuwing breeding season...

>
bad news... :(

ilang buwan pa lang ang nakararaan matapos pahiramin nung panganay na anak yung paboritong bunso ng smartphone..
siguro katumbas ng 600 office hours..
dahil nga laging nakakasira yung isa ng gadget, at wala daw siyang magagamit na phone sa OJT niya...

at ayun..
may depekto na kaagad yung ipinahiram sa kanya na smartphone..
ayaw nang mag-charge..
kung saan-saan kasi ginagamit eh..
hindi na nahiya sa nagpahiram...

ang problema..
yung phone lang na yun yung kayang mag-monitor sa internet usage namin..
walang problema for December, dahil alanganing araw naman nag-start yung 400 GB plan namin..
ang problema eh sa mga susunod na buwan..
hindi ko na made-detect kung nagda-download na yung paboritong anak ng mga anime, porn, at hollywood videos...

kapag nagkataon, kakailanganin ko na lang mag-block ng mga device...

was feeling , walang pagpapahalaga sa sarili man o sa panghiram na mga gamit...

>
[Gadget-Related]

at dahil last day na ng buwan..
at sobrang laki pa ng internet allowance..
eh mabuti pang ngayon na ako mag-update ng NVIDIA driver ko..
pang-December na version naman...

sana nga makatulong pa sa performance ng engine ko...

was feeling , sulitin ang allowance...

---o0o---


January 1, 2018...

yung mga babaeng galit na galit sa mga asawa nila kapag napapabarik (napapainom nang husto)...

mga tanga!
magalit kayo kung arawan yan kagaya ng sa ibang mga magbabarik..
magalit kayo kung iskandaloso yan kapag nalalasing..
magalit kayo kung nagbabasag-ulo at nananakit yan kapag nalalasing na..
magalit kayo kung may masama yang nagagawa kapag nalalasing na...

pero yung masipag yung asawa ninyo sa trabaho..
yung nasusuportahan ang pamilya, at ang mga luho ninyo..
tapos eh minsan lang naman sa loob ng ilang buwan nakakainom na kasama ang mga totoong kaibigan niya..
eh napakatanga na ninyo para ipagkait pa yun..
konting oras o araw lamang ng sakripisyo eh magagalit na kayo kaagad...?

was feeling , putang ina! handa kayong manira ng more than Php 30,000 worth ng clan event, na ipinangutang pa nga, dahil lang diyan sa problema ninyo sa alak...??

>
unang araw pa lamang..
nagpanabong na kaagad yung biological demon father at yung bossy na pangalawang anak...

ang kapal rin nga ng mukha nung matanda para magsimula ng away..
samantalang alam na alam niya na wala naman siyang investment sa bahay na 'to..
wala akong pakialam kung magpatayan sila sa araw ng event..
pero wala silang karapatan na magsira dito sa bahay na pinaghirapang ipundar nung biological mother...

yabang na yabang kasi eh..
alam naman na wala siyang pera..
eh nakikisawsaw pa sa pamimili para sa event..
pabida teknik para magmukhang may silbi na biological father...

dun ka nga sa side ng family mo...

was feeling , nice start!

>
active at passive income...

puros ako active..
kapag nakaipon naman ng panggawa ng passive income eh natutukso naman sa action figures (noon) at sa advance education (lately)...

was feeling , kailangan na ng panggawa ng passive income...

---o0o---


January 2, 2018...

[TV Series / K-ture]

Goblin

matindi rin pala yung twist nun..
nagpa-sample ng FATE...

ngayon lang na-realize nina Goblin, Missing Soul, at Grim Reaper kung paanong nakaimpluwensiya sa mga recent na pangyayari sa buhay nila yung latest generation ng tagapaglingkod ng Goblin..
naipaliwanag na rin kung bakit matagal na siyang nagkakaroon ng kaugnayan dun sa babaeng South Korean deity...

matagal na palang minamanipula ng diyos ang katauhan nung binata..
para mas mapadali ang tadhana ng mga pangunahing characters..
isinumbat rin niya sa Goblin at Grim Reaper yung mga reklamo nila noon tungkol sa hindi pakikinig at sa pagmamanipula ng diyos..
isinumbat rin niya sa Goblin na kesyo matagal na nitong hinihiling yung Goblin's Bride na tatapos sa buhay niya, pero bakit hindi nila magawa ngayon kung anuman yung nakatadhana..?
isang laro ng mga diyos...

sa sobrang bad trip nung Goblin sa mga sinabi sa kanila ng diyos, eh gusto niyang upakan na yung tagapaglingkod niya kahit na umalis na dito yung katauhan ng diyos...

was feeling , clever...

>
gaya ng sabi ko..
dire-diretso lang ang giyera... :(

okay lang daw na maglaro ng gunting yung Autistic..
kesyo itinuturo na daw naman yun sa kanila sa school eh..
kaya pakiramdam nila na okay lang na pabayaan na yung bata na maglaro ng gunting nang walang supervision...

4 y/o na nga yung Autistic, pero pang 2 y/o lang yung level nang development sa behavior niya..
isa pa, routine-based ang paraan ng pagkatuto nung Autistic..
kung ano yung madalas niyang nagagawa, eh akala niya na tama o okay lang ang mga yun...

kaya hindi nakakatulong kapag hinahayaan siyang mag-aksaya ng tubig..
magkalat ng putik sa bahay (na nakasira sa price guide ko)..
magsulat sa mga lugar na hindi naman dapat sinusulatan..
magsira ng mga halaman na nagpo-produce ng oxygen..
magsira ng mga gamit..
magbukas at magsayang ng mga instant na pagkain..
at ngayon nga eh naggugupit na siya ng kung anu-ano, without any supervision...

kagaya kanina, pinigil nga na maggupit ng mga halaman..
ayun, at ang sariling shorts niya naman ang pinaggugupit..
tapos hinahayaan na ring maggupit ng mga bold na diyaryo..
ano bang gusto nilang gawin..?
na hintayin na lang yung Autistic na gupitin na ang sarili niyang katawan...?

taong marunong na mag-guide tungkol sa kung ano ang tama at mali ang kailangan ng mga Autistic..
hindi kunwaring bantay na pera lang ang totoong habol...

anong ginagawa niya..?
kesyo okay lang daw habang nagsisimula pa lang sa paggugupit yung Autistic..
hindi niya rin sinusubaybayan..
pero kapag tapos na ang paglalaro nung isa, at nakita na niya yung mga ginawa nitong kalat, eh saka mura nang mura at reklamo nang reklamo..
kinukunsinti niya sa maling gawain yung Autistic, tapos magrereklamo siya na kesyo wala siyang makatulong sa paglilinis ng mga kalat nito...

woo!
sayang yung utak..
nakapatong lang habang nabubulok...


PS: sa oras na atakehin ka sa anumang paraan..
pababayaan lang kita..
at itutuloy ko lang kung anuman ang mga ginagawa ko..
bilang kabayaran yun sa lahat ng nagawa mong kasamaan laban sa amin, at sa pagbuhay mo sa akin sa pesteng mundo na 'to...

was feeling , sana nga matigil na yang sustento sa'yo ng maintenance medicine, para mabawasan na ang reproduction ng mga demonyo...

>
[Gadget-Related]

at bilang evaluation para sa UPS ko, sa pagtatapos ng 2017..
para sa unang 9 months niya sa akin...

nasa 7 beses na nakaranas ng continuous at hindi stable na supply ng kuryente yung computer system..
at bukod sa mga regular na scheduled at announced na mga brownout..
eh 20 beses pang naabutan ng mga unscheduled na short power interruptions yung UPS...

sobra-sobra yun sa loob lamang ng 9 months..
parang pagsasayang sa investment sa electronic devices...

was feeling , naman, [Name of Electric Cooperative]...

---o0o---


January 3, 2018...

[TV Series / K-ture]

Goblin

at namatayan na nga ulit ang Goblin ng isa sa henerasyon ng mga tagapaglingkod niya..
yung lolo nung latest generation..
naramdaman na naman niya yung sakit at lungkot na masaksihan ang pagkawala ng isang taong mahalaga para sa kanya...

tapos nahanap nila sa kasalukuyang panahon ang reincarnation ng isa sa matatapat niyang kawal yata yun..
ito yung mismong nagtarak nung isinumpang espada sa dibdib ng Goblin..
ipinahayag niya ang kanyang katapatan hanggang sa huling sandali ng mga buhay nila..
at pagkatarak nga niya ng espada sa dibdib ng kanyang pinuno, eh saka siya tinaga ng espada mula sa kanyang likuran...

dahil dun..
gumawa ng paraan ang Goblin gamit ang kanyang yaman para bigyan ng mga biyaya ang reincarnation ng dati niyang tauhan..
nagtaka ito dahil sa labis-labis na biyaya na natatanggap niya..
at ipinaliwanag nga ng kasalukuyang CEO nung kompanya na dahil yun sa iniligtas niya ang buong bansa sa past life niya...

was feeling , ayos...

---o0o---


January 4, 2018...

pagod na ang katawan ko..
hindi yung tipo na mabibigat ang naging mga gawain..
pero yung tipo na kulang na sa tulog...

ilang araw na akong less than 6 hours lang ang tulog..
ang good news ay natapos ko na din sa wakas yung project #5 ko..
at pinilit ko kagabi na mai-submit na yun...

hindi na rin ako natuloy sa grocery day..
bukod kasi sa puyat nga ako..
eh nasiraan pa kami ng mahunang gripo kagabi...

siguro rest day na muna ako ngayon..
ihahabol ko muna yung mga gawain ko para sa end of the month..
tapos saka ko aasikasuhin yang SSS at PhilHealth na yan sa gitna ng napakabayolenteng ekonomiya...

was feeling , bakasyon muna ako ngayong January.. mag-aayos muna ng posibleng future...

>
research muna tungkol sa SSS at PhilHealth..
aalamin ang mga requirements at contact numbers..
at next week ko na aasikasuhin...

magkakaproblema pa yata ako sa SSS ko..
pang-employed member ang SS number ko..
samantalang ni hindi ko naman yun nahulugan kailanman..
bawal daw lumipat sa voluntary yung ganun eh..
ano kayang pwede ko pang gawin...?

was feeling , 3 weeks na lang ang meron ako.. kaya huwag nyo akong pahihirapan...

---o0o---


January 5, 2018...

2nd day ng bakasyon..
nag-organize muna ng mga backup files matapos ang Friday tasks...

according sa current na singilan sa SSS at PhilHealth..
safe ako sa Php 200 ng PhilHealth..
at sa Php 220 naman ng SSS..
yun ay considering yung mga pinaplano nila na pagtataas ng singilan...

was feeling , kulang na kulang ang backup storage ko...

---o0o---


January 6, 2018...

[Online Marketing]

bale sure na nga na may makukubra ako for last December...

tapos nasigurado ko na rin ang January ko..
matapos lamang ang 2 araw simula nang ma-release yung latest item ko, eh na-reach ko nga kaagad yung quota..
base sa trend, masasabi ko na may mga regular na akong kliyente..
pero hopefully ay madagdagan pa - ng napakarami sana...

kailangan kong mag-invest sa tamang graphics card kung gusto kong mas bumilis at mas gumanda yung ginagawa ko..
para hindi naman manghinayang ang mga foreigner sa binibili nila...

is feeling , may 29 days pa yung sale...


No comments:

Post a Comment