Friday, October 28, 2016

Narcissus versus The Earth

update ulit..
dahil nagha-hallucinate na yung isa at nakakausap na niya ang nasa itaas..
balak na rin yatang palabasin na isa siyang divine na sugo, para may lisensya talaga siya sa pagpapalaganap ng patayan...
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  •  yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media

at may isang kaso na hindi pa malinaw kung saan ba dapat mapabilang:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
kusa kayang naisip yun ng mga batang pumatay sa kanya..?
o may mga matatanda bang nakisali dun sa away nila..?
o impluwensiya ba ito ng mararahas na bagay na napapanood, naririnig, at nababasa ng mga mamamayan sa mga balita sa panahon ngayon...

---o0o---


October 23, 2016...

ayos nga rin 'tong mga public personalities na 'to eh..
nagse-share ng mga fake news, offensive memes, at non-Google-able (non research-able) data..
tapos palalabasin na sila pa ang inaapi at inaatake...

hindi nila naiisip na may responsibilidad sila sa ibang tao..
public figures sila..
tapos madalas view-able pa para sa public lahat ng social media activities nila..
at dahil kilala ngang tao - eh posibleng makaimpluwensiya sila sa iba at makapagpakalat ng mga maling impormasyon kung hindi sila mag-iingat at magiging mapanuri (though yung iba eh mukhang sinasadya yung ginagawa nila, for demolition)...


para 'tong yung maimpluwensiyang tao na nag-post noon ng picture ng sample ballot niya sa araw ng botohan..
may nag-report sa kanya at pinalabas pa niya na ang walang alam ay yung nagsumbong sa kanya..
ang hindi naiintindihan nung kilalang tao na yun eh hindi naman rin lahat ng kababayan niya ay naiintindihan yung naging kapalit ng pagiging ex-convict niya (dahil hindi naman lahat ng tao ay nagiging ex-convict at/o eksperto sa batas) - isa na dun ang pagkawala ng karapatan niyang bumoto..
hindi rin lahat ng kababayan niya ay para i-check pa yung eksaktong oras ng post niya (parang maaga pa yata kesa sa oras ng botohan)..
totoong hindi pa considered na mali o ilegal ang pagpo-post ng sample ballot, pero dapat maintindihan ng batas na hindi lahat ng tao ay nag-iisip kaagad...

sa sobrang lakas ng impluwensiya ng social media ngayon..
dahil na rin sa pag-usbong ng mga smartphone at mas pagiging accessible ng internet sa mas nakararami..
mas mabilis na rin ngayon ang paglaganap ng mga maling impormasyon at ng katangahan...
feeling , inamin na ngang sponsored yung iba sa mga yan, pero ginagawa pa rin...
>
[Climate Change]

kaharap ang mga naging biktima ng latest na bagyo..
pero igigiit pa rin ang kagustuhan na pataasin o i-maintain (basta hindi 'bawasan' ang term) ang carbon emission ng bansa para lang sa industrialization..??
at nainggit pa sa mga naunang naging industrialized, unfair pala kung hindi tayo dadagdag lalo sa pagkasira ng mundo..??
so dapat talaga eh may pantay-pantay na contribution ang lahat ng nasyon sa pagkasira ng kalikasan..??
dapat tapatan din natin yung mga nagawa na ng iba na damage sa atmosphere..??
ano, racism na rin ba ngayon kung lilimitahan ang carbon emission..???


wow!
nasa ganitong level na pala ang mga tao ngayon..
para lang sa 'present' progress, bahala na ang mga magiging biktima ng mga 'improved' natural calamities at ang future generation..?
ano 'to, kapag namatay eh malas lang nung tao, pero kung mabuhay at maiwan namang walang-wala eh lilimusan na lang...??

nagulat lang ako, kasi akala ko na suportado nila ang advocacy laban sa climate change..
at talagang yung topic pa ng carbon emission ang specifically na nabanggit..
walang nabanggit regarding alternative energy sources..
totoong yung ibang bansa diyan eh sumusuporta lang just for the show, pero in terms of implementation eh konti lang..
pero mukhang magiging ganun rin pala tayo..
sacrifice para lang umunlad..?
kaya siguro hindi rin mabigyan ng pangil ang mga ahensya na may kinalaman sa transportasyon eh (na mostly ay may contributions din sa polusyon)...

hay.....
maganda yung plano sa agriculture - though hindi na kailangang ipangalan pa yung programa dun sa bangkay..
gayahin na lang yung idea at bigyan ng bagong pangalan..
huwag nang pabanguhin pa yung mabaho nang pangalan..
kundi baka maisip ng mga mamamayan na balak lang nakawin kung anuman yung kikitain sa development na yan..
yung libu-libong drug related personalities na sumusuko at nahuhuli ay papagtanimin na lang (without pay, doon na lang nila kunin yung mga kakainin nila sa pang-araw-araw)...
feeling , agriculture na lang.. magbenta na lang tayo ng saging sa Friendly Empire...
 ---o0o---


October 25, 2016...

[Climate Change]

bakit hirap ang maraming tao na magmalasakit para sa Earth o sa atmosphere...?

siguro dahil madalas limitado lang ang empathy at sympathy ng human beings sa kung ano lang ang saklaw ng kanyang vision at sense of hearing..
kagaya sa awa na nararamdaman niya kapag may kinakatay na baka..
o baboy..
o kambing..
o manok..
or pinapatay na aso..
o pusa..
o kahit na anong malaking uri ng hayop..
siguro dahil naa-associate ng mga tao yung hiyaw ng mga hayop bilang paraan ng pag-e-express ng pain..
or even without the audio, nakakaramdam pa rin ang mga tao ng awa dahil sa nakikita nilang movements nung hayop...


at yun ang characteristics na wala ang Earth, at ang atmosphere..
hindi nila kayang humiyaw o magpumiglas laban sa pagkasirang idinudulot ng sangkatauhan..
dahil para sa mga tao - wala silang buhay..
pero ganun din naman maging sa ibang may buhay..
ang mga puno at halaman..
mga isda..
mga insekto..
at iba pang nilalang na walang pagkakatulad sa mga tao..
o mga nilalang na walang kakayahan na gumawa ng tunog..
hindi basta-basta nakakaramdam ng pagmamalasakit ang mga tao para sa kanila - dahil limitado lang ang empathy at sympathy ng mga tao sa kung ano ang saklaw ng perception nila...
feeling , the worst being...
 ---o0o---


October 26, 2016...

ang daming pulis na positive sa latest drug test nila ah...

ang tanong..?
sino sa kanila ang mga user lang..?
sino ang mga user/pusher..?
sino ang nagre-recycle ng drugs na mula sa mga nahuhuli nila..?
at sino sa kanila ang nagtutumba ng mga links nila...?


siguro kung mas inuna ng gobyerno na linisin na muna yung hanay ng kapulisan..
yung isang pasada para lang maalis na sa serbisyo at maikulong na yung mga positive sa drugs sa kanila..
baka kahit papaano eh nabawasan yung talamak na tumbahan ngayon ng mga drug related personalities..
baka kasi yung ibang itinutumba sa mga yun eh link sa mga tiwaling pulis, na paraan sana para talagang mas malabanan ang droga...
feeling , ang butas ng sistema kontra sa ilegal na droga...
>
advice para sa Japan...?

alam niyo na kung gaano kasama ang ugali nung idol..
huwag na huwag ninyo siyang kakausapin tungkol sa butas ng War Against Drugs nila..
huwag na huwag ninyo ring sisitahin tungkol sa paraan niya ng paninira at pagiging racist laban sa BUONG America...

or else..
isasampal niyan sa gobyerno ninyo ang mga naging pang-aabuso ninyo sa Pilipinas noong World War II..
and the current Japan does not deserve that (kahit na posibleng may mga buhay pa sa ibang World War II soldiers nila)...
feeling , bawal kumontra sa magaling...
 ---o0o---


October 28, 2016...

anlupet nung sinapit nung 9 year old...

base sa imbestigasyon ng mga pulis..
mukhang away bata ang dahilan..
at mga menor de edad DAW ang posibleng may gawa sa karumal-dumal na krimen na yun...

natagpuan yung bangkay nung bata na nakagapos ang mga kamay..
mukhang binugbog daw ito..
ang brutal dun sa nangyari..?
pinutulan siya ng daliri sa magkabilang kamay..
at may hiwa din sa tiyan..
mukhang torture muna ang inabot niya bago mamatay...?

tang ina!
nasa ganitong level na ang mga kabataan ngayon..?
marami-rami na rin ang mga mamamatay tao sa hanay nila ah..
impluwensiya ba 'to ng mga lumalabas ngayon na mga patayan at tumbahan sa TV...???
feeling , ibaba na sa 5 year old yang qualifications sa pagiging menor de edad...

No comments:

Post a Comment