Friday, May 6, 2016

Philippine 2016 National Election: Dirty Politics & Dirty Campaign Traps

i can't say na accurate yung observation ko sa mga nangyayari sa social media ngayon na kaakibat ng mga kaganapan dahil sa papalapit na eleksyon..
unang-una na, dahil wala naman akong kakayahan na makita lahat ng post na may kinalaman sa kampanyahan nitong 2016..
at dahil sa sobrang dumi na ng taktika ng ibang pulitiko, eh honestly hindi ko na nga masabi kung galing ba yung mga information sa kampo ba ng kalaban, sa sarili bang kampo ng inaapi DAW para sa pa-bida effect, o sa iba pang kampo para magsimula lang ng gulo sa pagitan ng mga magkaribal..
but one thing is certain, marami sa mga post sa social media ngayon (photos, videos, articles, news, comments) ang gawa lamang sa mga kasinungalingan para mapaniwala, malito, o malinlang ang ibang botante - at para na rin sirain ang pangalan ng ibang kandidato o maging ang mga personalidad na supporters ng mga ito...



April 30, 2016...

noong unang beses kong mapanood sa TV yung campaign ad ng 1-PACMAN..
naisip ko na sila na lang ang iboboto ko sa Party List..
para may suporta naman kako ang mga atleta ng bansa natin...

kaso bigla akong nalito noong lumabas yung isa pa nilang campaign ad..
mangingisda, mga trabahador..?
hindi ko ma-gets kung paanong naging isang Party List ang isang grupo na walang tiyak o halu-halo ang classification ng mga miyembro...


pero sa ngayon, sila lang yung alam kung kumakatawan sa mga taong related sa sports...

sa mga nakakaalam po diyan ng iba pang Party List na totoong kumakatawan sa mga atleta..
pakibigyan naman po ako ng tip, dahil ganung grupo talaga sana ang gusto kong iboto ngayong taon...
feeling , kaduda-duda yung pangalan eh, baka laging absent sa Congress, LOL!
---o0o---


May 1, 2016...

advocacy and ideals - yun yung meron si Ninoy Aquino noong mga panahon na yun..
parang si Jose Rizal..
wala naman siyang ipinatayong mga malalaking infrastructure noong panahon ng Kastila, wala siyang malalaking proyekto na nagbigay ng mga trabaho sa mga mahihirap, ni hindi siya nakipagbarilan para sa kalayaan ng bayan..
pero ang nagawa niya - naghangad siya ng pagbabago sa matiwasay na pamamaraan...

tapos itatanong ng mga tao ngayon kung anong nagawa niya..?
Martial Law noon, natural hindi bibigyan ng pagkakataon at kakayahan ang sinumang itinuturing na kalaban ng pangulo..
common sense lang naman yun eh..
oo, there was no proof na posibleng may magaganda pa siyang nagawa para sa bayan..
wala ring proof na naging mas mabuting pangulo sana siya compared kay Marcos, since namatay na nga siya..
pero isa siya (regardless kung kanino talagang panig ang pumatay sa kanya) sa mga trigger kung bakit muling naisulong ang demokrasya...

isipin nyo rin sana yung era na natapos noon..
palibhasa wala sigurong nabiktima sa mga kaangkan ninyo kaya kung magsalita kayo eh parang wala lang nangyari..
ganun talaga ang maraming tao - kapag hindi siya yung nabiktima ng kalupitan eh okay lang..
maraming palihim na dinukot at sinaktan (at hindi lang basta pananakit - torture)..
maraming namatay (rebelde DAW o suspected rebels lang, yun ang palusot ng militar)..
maraming pinatahimik (media man o hindi)...

ang akala kasi ng iba, maunlad lang noon ang ekonomiya dahil kay Marcos..
pero ang hindi nila naiisip, apektado talaga ang ekonomiya ng developments sa ekonomiya ng ibang bansa..
maraming factors na nakakaapekto sa pagbabago ng purchasing power at foreign exchange rate..
at kung walang specialty ang bansa at puros ka lang import ng mga produkto na ibang bansa lang ang kayang gumawa - eh ano ngang aasahan mo...

ang akala ng iba payapa noon..
kasi nga walang makapagbalita ng mga pangyayari..
magkaiba yung peaceful kumpara sa nagkukunwaring peaceful...

gusto ninyong maging maunlad ang bansa ninyo..?
bakit hindi kayo mag-aral na gumawa ng mga bullet train at mga eroplano para makatulong kayo sa isyu ng transportasyon sa bansa..?
bakit hindi kayo mag-aral na gumawa ng mga armas at mga sasakyang pandigma para sa national defense..?
bakit hindi kayo mag-aral na gumawa ng mga bagong bagay na pakikinabangan ng buong mundo para sila ang mag-angkat mula sa atin..?
bakit hindi kayo magtiyaga sa pagbubukid at iba pang agricultural na trabaho..?
bakit ang mga trabahong pinipili ninyo ay yung wala namang masyadong idudulot na pagbabago para sa bansa..?
- dahil mas praktikal na unahin pa rin ang sariling buhay at ang iba pang buhay na sa inyo umaasa...

kung ibabalik naman sa akin ang tanong ko..?
siyempre hindi ako interesado - dahil naghihintay lang naman ako ng sarili kong katapusan...

totoong maraming kakulangan ang mga nagdaang gobyerno, lalo na pagdating sa pagsuporta sa mga mamamayan..
pero sana lang..
sana lang hindi nyo masyadong ipagtanggol yang mga Marcos, mga kapanalig, mga kapulisan at militar na umabuso, at ang Martial Law kung totoong may mga konsensiya pa kayo...

wala akong mahiling ngayon kundi maranasan nyo mismo yung mga bagay na dinanas ng mga naaping tao sa panahon na yun..
kung kinakailangan nyong masaktan (yung barbed wire na nakabalot sa titi o sa suso, o di kaya yung puwersahang tanggalan ng mga kuko at ngipin - masarap yun)..
kung kinakailangan na may masaktan sa mga kapamilya ninyo..
kung kinakailangan na may mamatay sa inyo..
kahit na ano - para lang ma-realize nyo kung ano yang bagay na ipinagtatanggol nyo...
feeling , pantay-pantay na kalayaan pa rin ang pinakamahalaga...
>
ire-rephrase ko..
nahirapang gumamit ng common sense eh...

ang simpleng importanteng tanong..
sino ba yung may nagawang pag-abuso, umaabuso, at kayang umabuso sa kapangyarihan..?
at sino ba yung wala..?
kumbaga sa mala-relihiyosong paniniwala, eh sino ang walang nilabag o konti lang ang nilalabag sa kautusan ng diyos...?


ipagtatanggol pa si Bongbong Marcos na kesyo ang kasalanan ng ama ay hindi kasalanan ng anak..
na kesyo move on..
eh putang ina! sino kaya ang nakinabang sa mga nakaw na buwis noong panahon na yun at ayaw pang isuko yung ibang nakaw na yaman hanggang sa ngayon..?
sino ba yung paniwalang-paniwalang bayani ang kanyang diktador na ama..?
at sino ang nabuhay mula sa nakaw...?

tapos ang lakas ng loob na babatikusin si Ninoy Aquino dahil sa naging kapalpakan ng kanyang anak..?
sabi mo hindi katulad ni Bongbong si Ferdinand, pero gusto mong palabasin na palpak rin si Ninoy dahil palpak si Noynoy..?
eh ano nga bang magagawa ng isang lider kung pinatay na siya..?
hindi pa ba sapat na wala siyang record ng pagpapapatay at pangungurakot..?
ni hindi nga siya nakatakbo bilang pangulo para sirain pa ng ibang tao ang pangalan niya eh...

uminit ang ulo ko sa walang utak na yun ah...
feeling , nakakalungkot lang na ganito mag-isip ang mga tao.. pati yung walang ginagawang masama, dinudurog yung pangalan...
>
haha, natawa naman ako dun sa tanong na yun... XD

siyempre po hindi ko Friend yung tinutukoy ko na walang utak..
ang mga walang utak, yung nagawa at nagpo-post sa social media ng mga bagay na wala na talagang concrete na basehan, yung purong mapanira lang...

don't worry..
hindi ko ugaling makipag-debate sa mga taong malalapit sa puso ko..
tang ina! wala pang 100 ang mga yan, babawasan ko pa ba..? XD
bilang patakaran sa pakikipagkaibigan, wala akong pakialam sa mga pinaniniwalaan nila lalo na kung patungkol sa maruming pulitika..
wala rin akong balak na impluwensiyahan pa sila sa mga desisyon nila, matatanda na sila...

nabuwisit lang talaga ako, dahil maling tao na yung sinisiraan nung mokong na yun...
feeling , mas importante ang mga kaibigan kesa sa pulitika...
>
bias ang GMA 7..
matagal nang sinusuportahan si Duterte...

Dapat TAMA - daw..
eh - TAMA si Duterte...
feeling , joke lang 'to, nagpanama kasi eh...
>
according sa theory ng ilang mga taga-suporta ni Duterte..
(assumption ko lang na supporters sila, kasi nasa post nila na hindi mawawala yung paniniwala nila kay Duterte kahit anong mangyari)...

posibleng strategy din ng kampo nila yung paglalabas ng isyu tungkol sa mga bank accounts..
bilang strategist DAW si Duterte, hindi daw masosorpresa yung nagsulat kung mismong galing sa kampo nito ang nag-leak tungkol sa mga undeclared bank accounts..
(puros DAW 'to)..
according dun sa nagsulat nung post, nag-deny si Duterte noong unang beses siyang akusahan para hintayin kung sinu-sino pang mga pulitiko ang kakagat dun sa isyu..
tapos saka umamin..
(considering na tama yung theory nung taong yun - technically speaking, risky yung move kasi makukuwestiyon siya nang dahil sa hindi pagde-declare nang tama sa SALN niya)..
pero dahil walang significant na amount ng balance yung account na willing siyang ipakita - eh sa mga kumagat sa isyu rin bumalik yung damage dahil lalabas na paninira lang yung ginawa nila..
bilang resulta, mas lalakas ang simpatiya para sa kanya ng mga umaasa sa kanya..
matalino yung strategy, parang kung paano DAW nito sinimulan yung kampanya niya..
sa umpisa, kunwari TV ads lang na walang malisya, pa-motor-motor pero hindi tatakbo sa pagkapangulo..
then ibang tao ang nag-file ng kandidatura sa kampo nila..
tapos sa bandang huli saka gumamit ng substitution at parang tagapagligtas na inako yung kandidatura...


ewan ko..
sa sobrang dumi ng pulitika..
sa sobrang dami ng edited images na lumalabas sa social media ngayon..
hindi ko na masigurado kung kanino nga ba galing ang mga data..
yung facts na nakukuha ko tungkol kay Duterte ay yung mga galing lang mismo sa kanyang bibig...

pero considering na tama yung theory - mabangis nga yung strategy na yun..
parang si FPJ sa mga pelikula nito, mabubugbog at some point, pero laging panalo sa bandang huli (according to a fan, sa isang movie lang siya namatay, at hindi na inulit para sa kanya yung ganung ending dahil sinira daw ng mga manonood [of a certain race] yung sinehan dahil sa sobrang galit)...
feeling crafty.
>
bukod sa posibilidad ng pagkasira ng relasyon sa ibang bansa na posibleng maging dahilan para maraming tao ang mawalan ng hanapbuhay...

nakakatakot rin kung lalawak yung Davao Death Squad at magiging Philippine Death Squad na..
the fact na hindi nahuhuli yung grupo o kung sinuman sa mga iyon ay either patunay na - 1) wala talagang 100% na epektibong panlaban sa krimen, o 2) na tino-tolerate talaga yung mga vigilante sa kanilang mga gawain..
ang kahinaan kasi sa mga vigilanteng gawain, posibleng ita-tag lang nila ang kahit na sino bilang kriminal at pababayaan na lang siya ng mga tao sa kanyang kamatayan..
ang idea kasi ay - yun ngang mga nasa panig ng batas (pulis o militar) eh may tendency na umabuso sa kanilang mga katungkulan - paano pa kaya yung mga lawless na grupo..
tapos kung may gusto mang luminis sa pangalan niya, tiyak pangungunahan naman ng takot dahil hindi nila alam kung saan galing ang pag-atake ng mga vigilante...


i'm not a fan of drugs, alcohol, or cigarette..
hindi ko nga naiintindihan ang mga taong gusto ang mga bagay na yun..
at vocal naman si Duterte na handa siyang ipapatay maging mga users ng illegal drugs..
nakakatakot..
kasi sino ba naman sa atin sa panahon ngayon ang walang kakilala na nagamit ng illegal drugs..?
posibleng hindi lang natin alam, pero nagamit pala yung taong kakilala natin ng ganun..
call center agents, mga driver, mga nightshift na mga trabahador, mga trip-trip lang - hindi na bago sa balita kung aling mga grupo yung madalas nagamit ng ilegal na droga...

pero seriously, naniniwala ba talaga ang lahat ng tao na masasamang tao lahat ng marunong gumamit ng drugs..?
sinong magpi-filter o basehan kung addict na ang isang tao o user lang..?
may mga illegal drugs pa nga na sobrang natural eh, sa tingin ba nila nilikha talaga yun para sa kasamaan (o tao lang ba talaga ang marunong umabuso)..?
kung ako ang tatanungin, mukhang behavioral at chemical yung contributing factors sa mga drug-related na mga krimen..
kumbaga, natural na masama ang ilang tao o di kaya napuno at nakaisip na gumawa ng masama, kaya haluan lang ng drugs ang katauhan nila at mas lumalakas na ang loob nila para mag-commit ng crime..
pero yung iba kasi hindi naman nagiging masama..
oo, nagiging maloko at makulit..
pero not necessarily nagiging mga rapist, o magnanakaw, o mamamatay tao..
so tingin ko unfair kung ige-generalize at ita-tag lahat ng drug users bilang mga kriminal na dapat pagpapatayin...
feeling , ilan kayang burol ang pupuntahan ko for the next 6 years...?
---o0o---


May 2, 2016...

sa dami ng mga post ngayon sa social media..
may isang particular post ako na hindi pa nakikita..
particularly mula sa mga supporters nina Duterte at Marcos
basically, dahil silang dalawa ang idinidikta ng mga survey, at dahil parehas silang may background sa pag-abuso sa kapangyarihan...

ang tanong kasi..
ano ba ang handa niyong gawin kapag naluklok na nga sila sa katungkulan, just in case may mga maganap na ulit na pag-abuso sa kapangyarihan..?
handa ba kayong ipaglaban ang demokrasya...?

puros kayo reklamo sa nagdaang administrasyon..
pati decision-making ng mga personalidad na nasa bahagyang mababang rank eh sa itaas nyo isinisisi..
pati traffic eh sa itaas nyo isinisisi..
pati kalamidad eh sa itaas nyo isinisisi..
pero ano bang ginawa ninyo..?
partida na yun ha, hindi pa masamang pangulo yung nakaraan - hindi lang mahusay na lider..
pero hindi ba hinayaan nyo rin na matapos yung termino niya...

kaya paano kung mga taong certified na kayang umabuso sa kapangyarihan na nga yung nakaluklok sa puwesto..?
pababayaan nyo rin lang ba sila...?

sana naman handa kayong lumaban...
feeling , ang mahirap kasi sa mga tao, hindi nila mare-realize ang kasamaan kung hindi pa sila mismo o mga taong malapit sa kanila ang makararanas nito...
>
tapos naman sa BPI..
alam ng national issue 'to, pero 7 working days pa talaga ang gusto...

hindi ba pwedeng rush...?

aanhin pa ang resulta nun (kung meron nga) kung tapos nang bumoto ang mga tao..?
alangan namang idaan pa sa proseso...?

pero seriously, sino bang bugok na magnanakaw ang gagawa ng bank account ng mga nakaw na pera sa ilalim ng mismong pangalan niya..?
learn from the Binay-issue...
feeling , puros kayo trap...
---o0o---


May 3, 2016...

kawawa ang ABS-CBN, GMA, at TV5..
basta naglabas sila ng balita tungkol kay Duterte..
kahit pa sa mismong bunganga ng taong yun nanggaling yung pagkakamali..
automatic ang sasabihin ng maraming supporters niya sa mga comment ay paninira lang yun sa kandidato nila...

kung may special awards para sa mga supporters sa halalan ngayong taon, pwede nang isali ang mga sumusunod:
  • loyalty award
  • best trolls
  • best in cursing
  • best in photo caption
  • best in photo editing
  • best in video editing
feeling , hindi naman masasabing totoo ito para sa lahat - pero parang nagre-reflect na sa maraming supporters yung ugali ng sinusuportahan nila...
>
sana hindi pumunta at pumirma si Duterte dun sa simbahan..
kasi malaking palabas na naman yun kapag nagkataon..
malakas maka-bida yun... :(
feeling , huwag na huwag ninyong gagamitin yung linyang "kung ang diyos nga ay nagawang magpatawad.. blah blah blah"...
>
spikes sa kalsada laban sa caravan..?
kanino na naman kayang campaign trap yun...?

  1. sa may baluarte ba DAW doon sa lugar na yun..? (bakit naman nila sisirain ang sarili nilang pangalan kung obvious na sila yung kauna-unahang pagbibintangan..?)
  2. sariling pakana ba ng nag-caravan para kunwari sila na naman yung bida at inaapi..? (katulad nung undeclared-bank-account-technique..?)
  3. o third o outer party ba..? (para magsimula ng sabong..?)
feeling , sino nga ba ang mas may motibo...?
---o0o---


May 4, 2016...

pati doon sa Fantasy World, majority ng mga tao (kalalakihan man o mga babae) gusto nila si Duterte..
simple lang ang rason, walang kinalaman sa plataporma..
the reason - they think ligtas yung industriya sa pamumuno ni Duterte dahil yung taong yun mismo eh mahilig sa mga babae...

according sa isa sa mga comment..
Duterte is not against prostitution (ang lantarang bentahan ng laman)..
base sa statement nung tao na "nakikinig", i assume radio broadcast yung tinutukoy niya..
sinabi DAW ni Duterte na isumbong lang sa kanya ng mga prostitute sa Davao ang mga pulis na mangha-harass sa kanila..
ibig sabihin, protektado niya ang prostitution...


kung ako ang tatanungin..
hindi rin naman ako totally against sa prostitution..
kumbaga parang porn industry lang siya..
pero may mga kahinaan kasi ang industriya compared sa professional porn..
  • hindi lahat ng napasok doon eh ginagawa yun dahil gusto nila yung trabaho
  • may mga nandadaya sa legal age na nagiging dahilan ng mga pag-abuso (bugaw man o yung mismong babae) (though dapat nang ibaba sa 10 y/o ang standard for minor age para sa mga criminal offenses, ibang kaso pa rin ang prostitution thus kailangang panatilihin sa 18 y/o ang wastong edad para sa proteksiyon ng mga babae)
  • tukso 'to para sa pagkasira ng mga pamilya
  • walang standard for safety, maging ang mga babae hindi regular na pinapa-checkup ang mga sarili nila, at hindi lahat ay sumusunod sa paraan ng paggamit ng proteksiyon - dahilan para sa pagkalat ng mga sakit
  • in general, hindi regulated industry ang prostitution sa bansa
feeling , Pilipinas na ba ang next Thailand...?
>
nakakalungkot..
mukhang marami na talagang desperadong mamamayan para maniwalang mas makabubuti ang kasamaan para sa bansa..
parang okay lang sa kanila na masama yung lider, basta ba siya na lang ang gagawa ng lahat ng kasamaan..
parang ayaw na talaga nila sa mga proseso..
puros trash talk na sa mga comments, pero wala namang mai-post na facts..
kesyo change is coming...


nag-adjust ng campaign trap si Duterte..
sa halip na mawawala na ang korupsyon at krimen within 6 months..
pinalitan yung statement, magbibitiw daw siya kung HINDI MAPAPABABA ang rate ng corruption at crime - that's a much safer claim...

tama si Miriam..
base sa majority ng mga ugali ng mga supporters ni Duterte, delikadong magrebolusyon ang mga yun kapag hindi ang kandidato nila ang nanalo..
tipong pang-EDSA 3 ni Erap yung kabayolentehan, o mas malala pa..
eh sa pag-troll pa lang online eh handa na silang pumatay ng kapwa eh..
kaya makakasama talaga ang mga survey sa puntong ito..
eh yun ngang simpleng criminal offense at maling declaration ng SALN ni Duterte eh hindi nila maintindihan - yun pa kayang hindi masunod ang survey na ilang libong tao lang naman ang tinatanong...

isa lang talaga ang solusyon eh..
kung susundin lang sana ng mga tao yung hiling ni Duterte na huwag na siya ang iboto kung hindi naman si Cayetano ang iboboto nila for Vice-President..
kaso sarili nilang kandidato eh hindi nila sinusunod...

sana lang..
kung sakaling matalo sila - huwag sana silang magwasang..
sana marunong pa silang rumespeto..
at kung sakaling sila naman ang manalo - sana yung mga bumoto lang kay Duterte ang maka-experience nung masasamang bagay na kayang gawin ng grupo niya...
feeling , magkaiba yung payapa at maunlad - kumpara sa walang makapaglabas ng katotohanan...
>
so planado at palabas rin lang yung mga pagbawi sa mga sundalong nabihag DAW ng mga rebelde...?
feeling , kailan pa ba nila binalak lahat ng campaign trap na 'to...?

>
kawawa ang ABS-CBN..
kahit isampal pa nila lahat ng ebidensya sa mukha ng mga tao..
wala na silang pakialam sa katotohanan..
dahil okay lang sa kanila kahit pa lumalabag si Duterte sa batas...
feeling , ano kayang mararamdaman ng mga yan kapag binusalan na ulit ang media...?
>
nakakabahala rin yung pagsulpot ng pangalan ni Pacquiao sa survey..
baka 1 vacant seat na naman ang maging katumbas nun for the next 6 years...?

tapos magtataka kayo kung bakit kulang sa pag-asenso ang bansa...
feeling , ano bang tanong sa survey - kung ngayong araw ang boksing, sinong mananalo...?
---o0o---


May 5, 2016...

lagot naman sa pamunuan ng INC..
mahihirapan lalong maniwala ang mga tao kapag natalo si Duterte niyan... :(

ito pa naman talaga yung gustong tambalan ni Duterte...

bakit ayaw na lang kasi nilang sumunod..?
kapag hindi si Cayetano ang ibobotong Vice-President, huwag na ring iboto si Duterte...
feeling , sina Robredo at mga Senators na lang ang pag-asang magbibigay ng balanse sa kapangyarihan...
>
nakakalungkot..
mga religious group sila, hindi ba..?
pero paano nila nagagawang ibigay ang suporta nila sa isang taong kayang pumatay at magpapatay ng kapwa tao nang walang tamang proseso..?
hindi ba parte ng mga kautusan ng mga simbahan nila na "huwag kang papatay ng kapwa mo"...?

o gusto ba talaga nila na mawala na ang mga tamang proseso ng batas na nakakasaklaw rin sa kanila...?
feeling , ano nga bang kapalit ng mga yun...?
>
nice ad Trillanes..
magandang compilation ng katotohanan..
ano pa nga ba ang magandang source ng katotohanan - kundi yung mismong tao...

kapag yan sinabi pa ring edited ng mga supporters ni Duterte - eh ewan ko na... :(
feeling , sana lang hindi mamatay si Trillanes at ang pamilya niya dahil sa katapangan niya...
>
sana nga totoo yung sinasabi nung dating leader sa INC..
na hindi na solid ang boto nila..
sana nga sundin na lang ng mga members nila yung sarili nilang desisyon - at hindi yung pinili lang ng mga pinuno nila...

sana kahit desperado na ang lahat para sa peace and order at hustisya sa panahon ngayon..
sana sumunod pa rin sila sa mga kautusan ng diyos..
kasalanan ang pagpatay ng kapwa tao, lalo na kung wala ng proseso..
kaya sana huwag naman silang sumuporta sa mga ganung klase ng tao...

feeling , magkaroon naman kayo ng takot sa diyos...
>
pero kung tutuusin kasalanan pa rin 'to ng sistema ng gobyerno..
may mga record na ng krimen - rapist, kurakot, at mamamatay tao..
pero ano..?
pwede pa rin silang tumakbo para sa mga posisyon sa pamahalaan..?
wala bang batas na nagsasabi na bawal tumakbo para sa mga government positions ang mga kriminal..?
dapat requirements na rin sa pagsa-submit ng certificate of candidacy ang NBI at police clearance eh...

feeling , reporma ang kailangan - hindi ang pagiging lawless...
>
galing sa bibig at kilos nung kandidato ang mga mismong pagkakamali niya..
pero para sa mga supporters niya, mas okay kung wala na lang kalayaan ang media...


makikita nyo sa mga comments sa YouTube kung ano ang mga ugali nila.. :(
seriously, non-sense makipagpaliwanagan sa mga ganitong klase ng tao...

hindi ba nila naisip na kung wala namang maling ginagawa yung taong yun - edi sana wala ring social awareness na kailangang gisingin...?
feeling , hindi ba ironic na si Duterte rin mismo ang pangunahing aktor sa mismong tinatawag nila na anti-Duterte ad...?
---o0o---


May 6, 2016...

para sa isang mamamatay tao, hindi nag-declare ng tamang SALN, at opisyal ng gobyerno na tumatanggap ng mga mamahaling regalo at properties..
para sa isang tao na maraming nilalabag na batas..
tama ba na gumamit pa sila ng batas rin bilang depensa sa kanilang sarili...?


ano bang mali sa commercial na yun..?
maituturing ba na mali at paninira yun kung sa mismong kandidato rin naman nanggaling lahat ng ikasisira niya..?
tama naman yung sinabi ng mga bata dun sa commercial, hindi ba..?

puros maling halimbawa naman talaga yung mga na-feature dun..
at tama rin lang naman na ang mga kabataan ang unang pangalagaan laban sa mga ganung klase ng kasamaan...?
 

o nagagalit kayo dahil nakikita nyo yung katotohanan..?
at least hindi edited-to-mislead yung video, hindi gaya ng mga supporters nyo na nag-e-edit pa ng mga photos and videos para masiraan lang ang ibang kandidato at supporters...
feeling , kayong lahat ang dapat makulong...
>
kawawa naman si Daniel Padilla et al..
pumili lang naman sila ng susuportahan nilang kandidato pero niyurakan na ng iba ang pagkatao nila..
i'm not a fan, pero nakakalungkot talaga ang ginagawa ng maruming kampo na yun...


'tanga' ang tawag nila sa mga supporters ng ibang kandidato..
eh anong tawag sa kanila..?
anong tawag sa mga tao na sumusuporta sa isang mamamatay tao at hindi marunong sumunod sa batas..?
anong tawag sa mga tao na sumusuporta sa isang lider na handang buwagin ang kongreso..?
anong tawag sa mga tao na sumusuporta sa isang racist na masama ang tingin sa mga dayuhan at handang makipagtalo sa ibang bansa..?
anong tawag sa mga tao na sumusuporta sa isang tao na nagbabanta laban sa mga kapwa kandidato..?
anong tawag sa mga tao na mas gusto pa na mawala na lang ulit ang kalayaan ng media...?


alangan namang 'henyo'...?
feeling , ni hindi nyo naiisip na nagagawa nyo lang yang mga paninira nyo hanggang ngayon dahil na rin sa demokrasya na tinatamasa pa rin natin...
>
huwag mong gagamitin na argument na kesyo "hindi naman para sa pagiging santo ang pinaglalabanan na katungkulan"..
- dahil rin naman paramihan ng nilabag na batas ang labanan dito..
pilosopo!

totoong walang perpektong kandidato sa ngayon..
pero ang pagiging Presidente ay kaakibat ng pagsasakatuparan sa batas..
ang Presidente mismo ay dapat nasasaklaw rin ng batas...

feeling , puros lang kayo mga edit - mga tampalasan!
>
how would you know kung totoong may nagawang masama ang isang biktima ng summary execution kung patay na siya at may busal na rin sa bibig ang pamilya niya dahil sa takot...?

kung 100% accurate ang sistema na 'to, hindi 'to masama..
pero kung ang mga militar at pulis nga ay nagagawang umabuso sa kapangyarihan dahil may mga armas sila..
paano natin masisiguro na wala ring aabuso sa hanay ng Death Squad kung ni wala nga silang identification at protektado pa sila ng mga pinuno...?

sa tingin nyo patas na mamatay ang ilang libong suspect o pinaghihinalaan lang (wala akong pakialam sa mga kriminal)..?
sa tingin nyo peace and order na matatawag yan..?
sa tingin ninyo peace and order na matatawag kapag wala ng balita tungkol sa mga krimen dahil lang sa hindi na sila maibalita ng mga taga-media...?

pero walang pakialam ang mga tao..
dahil paano nga naman sila makaka-relate sa mga pagmamaltrato na hindi naman sila ang nakararanas...?
feeling , sana lang talaga yung mga pamilya lang ng mga supporters ang mabiktima ng Death Squad kapag kumilos na sila...
>
dahil sa mga survey..
automatic na iisipin lang ng mga taga-suporta ni Duterte na dinaya siya kung sakaling si Grace Poe o Roxas man ang manalo sa bandang huli...

kapag nagdeklara ng failure of election, eh ganun din ang iisipin nila...

sa NCR na lang kayo mag-giyera kung gusto nyo...
feeling , kasalanan talaga 'to ng gobyerno eh - tumanggap pa kasi ng kandidato na maraming nilalabag na batas...
>
hindi lahat ng maka-Duterte eh masasama o makasalanan rin na mga tao...

hindi lahat eh photo editor..
hindi lahat eh video editor..
hindi lahat ay gumagawa o nag-iimbento ng mga kasinungalingan para sa ikasisira ng ibang kandidato o para sa ikabubuti ng kanilang kandidato..
hindi lahat ay gumagawa o nag-iimbento ng mga kasinungalingan para sa ikasisira ng supporters ng ibang kandidato..
hindi lahat ay naniniwala na paninira o bias ang paglalabas ng mga totoong balita..
hindi lahat eh troll..
hindi lahat eh basher..
hindi lahat eh automatic na nang-aaway at nangke-curse na sana mamatay o magahasa yung supporters ng ibang kandidato..
hindi lahat eh puta o prostitute ang tingin sa mga babae..
hindi lahat eh nakikialam sa opinyon ng ibang tao..
hindi lahat eh desperado..
hindi lahat ay nagpapadala lang dahil sa popularity...


sana lang maimpluwensiyahan naman nila yung malaking porsyento ng mga basag-ulo sa kampo nila...

wala pa akong nabasa na umawat sa mga kakampi nila eh.. maski si Duterte wala ring statement tungkol sa mga ganitong pangyayari...
feeling , i-respeto nyo naman si Jacque Manabat.. wala na kayo sa lugar...
>
last week, i had 9 reasons kung bakit ako takot na maging pangulo ng bansa si Duterte..
here are additional reasons based on my research:

10) dahil sinabi niya na handa siyang buwagin ang Congress..
11) dahil pabor siya sa prostitution at according to resources gusto niyang i-decriminalize o i-legalize ang nasabing industriya (i won't say na 100% accurate ito since medyo matagal na yung mga resources sa internet at wala akong makita na video, mas tiwala kasi ako sa information kung yung tao mismo ang mapapanood ko na magsabi nun sa TV)..
12) dahil despite na isa siyang public official eh umamin siya na tumanggap siya ng mga mamahaling properties bilang mga regalo, at labag na naman yun sa batas..
13) dahil sa statement niya na handa siyang magtatag ng revolutionary government..

feeling , iba yung facts kumpara sa paninira...
>
hindi ako 100% na for Mar Roxas..
bakit..?
dahil may mga ideya na pala siya na makatutulong para sa bansa pero hindi pa nila ito ginawa sa panahon ni Aquino..
isang palatandaan na inihanda rin nila ang mga yun bilang campaign traps... :(

pero sang-ayon ako sa ipinaglalaban niya/nila ngayon..
pagkakaisa para sa demokrasya..
sa ngayon, wala muna akong pakialam sa motibo nila - mas mahalaga muna para sa akin yung mensahe...

unfortunately..
hindi 'to uubra dahil may mga supporters si Grace Poe na ayaw nga kay Roxas dahil gaya ng iba - sinisisi nila si Roxas sa lahat ng kapalpakan ng kasalukuyang administrasyon..
dahil para sa kanila, si Roxas at si Aquino ay iisa..
sa tingin ko ganun din ang kaso kung si Roxas ang magpaparaya ulit..
mabuti sana kung pwedeng i-add na lang yung mga makukuha nilang boto sa darating na halalan..
kaso delikado yung panawagan, dahil baka sa halip na pagsamahin yung mga suporta para sa kanilang dalawa - eh baka lumipat rin lang kay Duterte yung mga madidismaya na supporters...
feeling , ano nga ba ang makakatalo sa kasamaan...?
>
nakakalungkot lang..
na sa paghahangad ng maraming supporters sa kaayusan..
eh sila na mismo yung nagiging mga halimaw at masasamang tao dahil sa maling paraan nila ng pagsuporta...

pagsisinungaling..
pagnanais na ipagkait ang kalayaan sa iba..
paninira sa iba..
pagmumura sa iba..
pagbabanta sa iba..
worst, ang pangdadamay sa mga inosenteng tao dahil masyado silang general kung mag-isip...


nasaan ang kaayusan diyan..?
at wala man lamang dumidisiplina sa inyo...?
feeling , nagiging katulad na rin kayo ng mga kriminal na kinamumuhian ninyo...
---o0o---


May 7, 2016...

ang pagkakaiba..
city lang ang Davao, at isang bansa ang Pilipinas..
nasa Davao ang kapangyarihan na para sa Davao, at doon lang yun applicable..
pero kapag pamunuan na ng bansa ang nakuha, mag-iiba na yung saklaw at antas ng kapangyarihan (military power would be the best sample)..
hindi perpektong lungsod ang Davao..
at ang mga lihim ng Davao eh mananatili na lang na sa Davao...


personally..
preventive ang pinipili kong aksyon..
well, dahil sa bibig na rin mismo ni Duterte nanggagaling lahat ng nakakatakot na kaya niyang gawin..
at lumala pa yon dahil sa pag-amin niya sa mga nagawa niyang paglabag sa batas..
siguro kung sinabi niya na magiging 100% accurate ang bloody government na pamumunuan niya - baka nakampante pa ako..
pero hindi naging 100% accurate ang bloody government niya sa Davao, paano pa kung sa buong bansa na yun ia-apply...? :(

pero mukhang handa nang sumugal ang karamihan para sa kung anong pagbabago..
wala na silang pakialam kung may mga inosenteng buhay na posibleng madamay at maibuwis sa pagbabago na 'to..
ni wala ng pakialam yung iba kahit na mapanlinlang, marumi na, at mapangyurak ng pagkatao yung ginagawa nilang pamamaraan ng pangangampanya..
wala na silang pakialam kahit pa lumabis pa ng 6 na taon ang pinagpapantasyahan nilang gobyerno..
at walang magagawa yung iba kundi tanggapin na rin lang ang magiging desisyon ng karamihan...
feeling , RIP sa lahat ng inosenteng buhay na mabubuwis...


here are some other related topics (those with the [Public Interest] heading):
http://blogngpotassium.blogspot.com/2016/04/ang-alamat-ng-most-undesirable-guy-on_29.html


No comments:

Post a Comment