pero bago pa nasimulan yung istorya na yun, miserable na rin pala yung kahihinatnan nung mga isinusulat kong kuwento ng buhay pag-ibig ko before that... :(
but there are 2 stories na hinding-hindi ko talaga makakalimutan..
i know i've written about these a couple of times, either sa social media or dito sa blog ko (though, hindi ko na sila ma-track dahil sa katamaran ko noon na magbigay ng title sa mga entries ko)..
at totoo po!
totoo pong nagkaroon naman ng love story kahit na papaano yung writer ng kuwento na 'to noong bata-bata pa siya..
noong mga panahon na nakakulong pa sila sa napakaliit na school, at akala ng mga babaeng schoolmates niya eh 'attractive' na yung mga tipo ko ng lalaki (not knowing what more can the real world provide for them)..
parehas na masaya at malungkot yung dalawang istorya..
and they're probably the best love stories na naranasan ng isang lalaki na kagaya ko lamang..
the first one is about being loved..
and the second, is about mutual love...
and why am i repeatedly narrating these..?
eh kasi nakakalimutan ko nga kung nasaan yung istorya..
isa akong tao na parating gustung-gustong binabalikan yung mga alaala ko..
and siguro, to remind myself na rin na - hindi ako naging 100% na talunan sa buhay...
The Story About Being Loved
nasa 4th Year High School na ako noon..
(hindi ko na lang sasabihin kung anong dekada)..
siguro nasa kalagitnaan na ng Academic Year na yun..
nalaman ko na may isang Sophomore (2nd Year Student, kung sakaling iba ang hatian ng mga Grade Level sa location ninyo) na nagkaka-crush sa akin..
ang tingin sa akin noon ng mga tao eh tirador ako ng mga babaeng nagkaka-crush sa akin..
alam ko yung pangalan niya, pero hindi ko siya kilala sa mukha (hindi naman kasi ako mahilig makihalubilo sa ibang Year Level noon eh)..
napapansin ko na yun, kasi yung mga 2nd Year eh may binibiro na kaklase nila sa tuwing napapadaan ako sa tapat ng classroom nila..
at lalo na noong minsan na kinailangan kong sadyain at kausapin yung Class Adviser namin na saktong nagkaklase sa kanila noong mga panahon na yun..
(alam nyo yung pakiramdam na parang may mga nagchi-cheer sa'yo sa tuwing dumadaan ka, na parang ang gwapo ng dating mo, kahit na sa totoo naman eh undesirable ka)..
noong time na yun ko na-verify na meron nga akong secret admirer sa klase nila..
pero ang tanong - eh sino naman kaya iyon..?
siyempre i was curious about her..
andun yung mga tanong na "eh ano naman kaya ang istura nun..?"..
hala, baka naman pangit..?
o baka tabachoy..?
(opo, kahit po yung mga undesirable na lalaki na kagaya ko eh marunong rin naman na mamili, 'choosy' ika nga, at personal preference po ang tawag dun).. :)
at siguro nawawalan na rin talaga ako noon ng pag-asa dun sa isa kong classmate na paulit-ulit, paputul-putol, at patuloy kong sinusuyo simula pa noong mga 3rd Year pa lamang kami..
siguro isa yun sa mga dahilan, why i became more curious dun sa nakababatang estudyante..
siguro para mabago naman yung takbo ng suwerte ko - ng lovelife ko...
at ayun nga..
sa tulong ng ilang classmates ko, at ilang classmates niya na kaibigan din namin..
eh nakilala ko nga siya sa wakas..
si [Girl na may Crush sa Akin], wag na yung mga pangalan tutal lumang istorya na 'to eh..
she was pretty..
cute, especially kapag nagba-blush na siya, pulang-pula ang mukha niya..
maputi..
slightly chubby para sa panlasa ko.
matalino (siyempre, we were on the same school noon)..
may tamang breeding..
at ang hindi ko kaagad nalaman sa umpisa - may pera sila ng pamilya niya...
siya yung tipo ng babae na nakakalunod ang paraan ng pagmamahal..
gaya nga ng sabi ko, this story is about being loved..
it was about me - being loved by someone..
she was only in High School back then, probably too young to control her emotions and judgments..
siguro overload lang ng infatuation yung nangyari sa kaso niya..
she was constantly sending me SMS quotations (na usung-uso noong mga panahon na yun), ilang quotes per day, kahit na naipaliwanag ko na sa kanya na wala naman akong sariling cellphone noon at na nakikisaksak lang ako ng SIM card sa cellphone ng mga kaibigan ko kapag may pagkakataon..
and then, nakaisip siya ng panibagong strategy..
nagsimula naman siyang padalhan ako araw-araw ng mga notes, letters, quotes na siya mismo ang nagsusulat (nagsusulat, as in handwritten niya)..
one time, habang may event sa school namin kung saan stay in lahat ng estudyante sa campus eh idinamay niya ako sa pagpapa-deliver niya ng pagkain mula sa isang fastfood restaurant - yung binansagan noon ng mga kaibigan ko na "Burger ng Pag-Ibig"..
pagkauwi ng mommy niya mula sa ibang bansa, ipinagdala niya ako ng pasalubong ng mommy niya na Lindt White Chocolate..
bandang December naman noon ng dalhan niya ako sa school during breaktime ng refrigerated cake (yung gawa sa Graham crackers) na siya mismo yung gumawa, na sa sobrang sweet eh parang na-reflect na rin nga yung sobrang ka-sweet-an niya sa akin..
(siyempre ang lakas na namang maka-gwapo nun, ikaw na ang ipaggawa o ipaghanda ng babae ng food, eh sino ba naman ang hindi matutuwa)..
bukod sa mga nauna kong nabanggit, niregaluhan niya rin ako ng Bench na pabango, oversized greeting card, pen/pencil holder na may mga messages din na kasama, lahat ng yun kahit na sa panahon ng bakasyon..
at isama pa yung pares ng singsing namin na ipinasadya niya talaga, na merong mga panagalan namin (yung sa akin eh pangalan na ginagamit ko minsan sa paglalaro ko ng Counter Strike - english name ng tatay ni Crayon Shin Chan), singsing na naiwala ko naman dahil sa hyperhidrosis ko (trying to protect it from over-sweating, tapos ipapatong muna sa ibang lugar, at makakalimutan namang kunin after)...
sobra-sobrang pagmamahal o pagpapahalaga yun na noon ko lang naramdaman mula sa isang babae..
but there was nothing much i can do to return the favor..
isa lang naman akong dukha, para tuloy akong naging larawan ng isang oportunistang nangingikil mula sa mayaman..
bukod pa yung medyo nakakagulo na rin yung mga romantic na hirit ng mga kaibigan ko sa text messages na sila naman yung gumagawa..
na parang nami-mislead ko na yung bata..
at ang pinakamasama sa lahat - i didn't have any feelings (romantic feelings) for her..
i wanted to be friends with her..
but she was giving way too much para sa isang lalaki na gusto lang naman siyang maging kaibigan...
The Story About Mutual Love
hindi pa naman tuluyang natatapos yung story ni [Girl na may Crush sa Akin]..
pero dito na rin papasok yung kuwento tungkol kay [Bestfriend]..
[Bestfriend] - as in bestfriend ni [Girl na may Crush sa Akin]...
gusto kong bumawi sa lahat ng kabutihan na naipakita sa akin ni [Girl na may Crush sa Akin]..
at the same time, gusto kong iklaro sa kanya kung ano lang yung nararamdaman ko for her..
kung ano yung boundary sa relationship between us...
it was December..
so i bought [Girl na may Crush sa Akin] a silver bracelet, as a sign of appreciation (not really sure what girl thinks about such gifts)..
tapos sa Christmas Party ng school namin, i asked her kung pwede ba kaming lumabas after school, kumain sa fastfood - ganun..
she answered 'yes', pero kailangan daw naming isama yung bestfriend niya..
familiar na ako noon sa bestfriend niya..
aside sa pinsan siya ng isa kong mabuting kaibigan..
eh medyo popular na rin talaga siya noon sa campus..
medyo parang mahirap lang pakisamahan yung dating niya, parang may pagka-elite na babae na tipong sa mga presentableng tao lang sumasama..
yun talaga yung first impression ko sa kanya, bago pa kami nagkakilala in person...
ayun nga..
after school hours, diretso na kami sa fastfood restaurant sa city proper..
not sure kung dumaan pa kami sa church or what..
naglakad na lang kaming tatlo, kasabay rin ang karamihan ng mga estudyante..
ako, si [Girl na may Crush sa Akin], at si [Bestfriend]...
sa fastfood restaurant, hindi ko maiwasan na hindi mapansin si [Bestfriend]..
kahit ako, nagtataka kung bakit hindi ko maiiwas yung tingin ko sa kanya..
naiilang ba ako sa kanya, o did she already captured my interest..?
tapos saktong dating naman ng grupo ng schoolmates namin (mostly 3rd Year Students)..
nagpaalam muna sa amin si [Bestfriend], lumipat muna doon sa table nung mga 3rd Year since kaibigan rin naman niya yung mga yun, probably to give me and her friend some privacy..
sa pagkakataon na yun binigay ko kay [Girl na may Crush sa Akin] yung regalo ko na bracelet for her..
i told her it's a sign of appreciation for everything that she has done for me, para makabawi man lamang ako sa kanya kahit na papaano..
told her she's also an important person to me, but she should stop giving me too much..
i told her na gusto ko naman siyang maging kaibigan, na pasensya na sa kalokohan ng mga kaibigan ko regarding the two of us..
pero siguro hindi ko talaga na-emphasize noon na hanggang doon lang talaga kami - na wala akong nararamdaman for her...
i thought maganda naman ang kinalabasan ng gabing iyon..
after sa fastfood, inihatid na namin siya ni [Bestfriend] sa sakayan nila ng tricycle sa may simbahan..
diresto na siya noon sa bahay nila, so instead na ihatid siya, naisip ko na huwag na lang kasi doon naman sa bayan ang talagang sakayan ko ng jeep..
tapos noong kami na lang ni [Bestfriend], eh siyempre medyo naiilang pa ako sa kanya kasi nga ilag ako sa aura niya..
i asked her kung saan ba siya umuuwi..
at noong nalaman ko na maglalakad lang siya kasi malapit lang sa may palengke yung bahay nila, eh nag-volunteer ako na ihatid na siya..
doon rin naman kasi yung daan ko..
siyempre pa-gentleman ako, eh kasi babae siya at mag-isa lang na uuwi nang lakad..
tapos kasalanan ko pa kung bakit nadamay siya doon sa ginabi na naming lakad noon ni [Girl na may Crush sa Akin]..
kaya i felt na responsibilidad ko siya noon..
doon sa paghatid ko sa kanya na yun ko siya mas nakilala..
she was not just pretty..
not just sexy..
hindi lang basta maputi..
hindi lang basta matalino..
i found out that she was a nice person..
nice to talk to, and i enjoyed her company sa maikli lang na panahon na iyon..
hindi siya maarte gaya ng una kong inasahan base sa level ng ganda na taglay niya..
she was also a very nice and caring friend..
alam nyo ba kung ano yung ilan sa mga tanong niya sa akin noong gabing iyon, habang sinasabayan ko siya pauwi sa kanila..?
kung may gusto ba daw ako sa bestfriend niya..?
at kung gusto ko pa rin ba daw yung classmate ko na dati kong nililigawan..? (teka, paano nga pala niya nalaman ang tungkol dun, alam niya kasi pati yung name eh)...?
and i understand her, kung bakit naging straightforward siya sa akin noon..
she was worried na baka masaktan ko lang yung kaibigan niya..
na baka parang gagawin ko lang siyang panakip butas dun nga sa classmate ko..
kaya sinabi ko lang kung ano yung mga sinabi ko rin noon sa kaibigan niya..
na hanggang friendship lang kaming dalawa ni[Girl na may Crush sa Akin]...
after that night, parang na-attach na ako kay [Bestfriend]..
getting to know her a little bit was lethal that time..
considering na almost everyone was thinking na may 'something' between me and [Girl na may Crush sa Akin]..
for me malaking pagkakamali kung mahuhulog ako sa [Bestfriend] ng babaeng may gusto sa akin..
kaso, unti-unti na ngang na-develop yung feelings ko for her...
hanggang sa there was this incident sa school..
sa canteen, i overheard some of their classmates talking behind [Bestfriend]'s back..
not really sure what it was about..
it didn't sound good, like it was a backstab, so i was worried about her..
then nagkaroon kami ng pagkakataon na magkita sa tapat ng computer shop na pinaglalaruan namin noon..
kasama niya noon si [Girl na may Crush sa Akin], parang napadaan lang sila doon sa lugar..
sobra akong concerned for her for some reason, kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at naikuwento ko nga sa kanya yung narinig ko..
and it made her cry in public, sa harap ko, sa harap ng bestfriend niya, at sa harap ng iba pa naming kasama noon..
na-guilty tuloy ako na hindi man lamang ako pumili-pili ng lugar para masabi sa kanya ang tungkol doon..
noon pa lang nakaramdam na rin pala si [Girl na may Crush sa Akin] na may kung ano sa pakikitungo ko sa bestfriend niya...
hanggang sa medyo marami na akong nasasabihan ng tungkol sa nade-develop kong feelings para kay [Bestfriend]..
sa mga kaibigan ko, at sa isang classmate na lalaki ni [Bestfriend] na close rin sa amin..
hanggang sa dumating na nga sa point na na-confirm ng isa kong mabuting kaibigan kay [Girl na may Crush sa Akin] mismo na nagkakagusto na nga ako sa bestfriend niya...
siyempre it hurt her..
it made her cry a lot..
na para bang ang dating eh naagawan pa siya ng bestfriend niya..
na siya pa talaga yung naging daan para magkakilala yung lalaking gusto niya at yung bestfriend niya..
pero nangyari na yung bagay na yun eh..
nalaman na ni [Girl na may Crush sa Akin] ang tungkol sa feelings ko..
i tried to explain to her..
na hindi ko naman sinasadya yun..
hanggang sa parang nagka-ayos na ulit kami..
i told her na wala naman akong balak na ligawan yung bestfriend niya, na siguro gusto ko lang i-spend yung remaining time ko sa campus with her..
at nag-volunteer pa nga si [Girl na may Crush sa Akin] na tutulungan niya ako sa kaibigan niya, though hindi naman talaga kailangan na..
since okay na ako sa kung ano ang meron kami noon ni [Bestfriend]..
awkward, pero sabay-sabay kaming tatlo na umuuwi noon galing school..
minsan sinasamahan ko pa sila na sumaglit para magdasal sa simbahan..
[Bestfriend] knew how i felt for her, and ako naman hindi ko na iniisip kung may feelings rin ba siya para sa akin o ano..
makasama, makausap, at makasalamuha ko lang siya - masaya na ako dun...
at hindi nga nag-last yung ganung setup naming tatlo..
i suspect nakaapekto yung judgment ng ibang tao sa sitwasyon namin..
everyone who perceived the wrong version of the first story would think na awkward nga yung sitwasyon..
ako, ang babaeng may gusto sa akin, at ang bestfriend niya na nagugustuhan ko..
the fact na nakakalapit ako noon kay [Bestfriend] was enough for stupid people to assume na may betrayal o ahasan na nangyayari sa pagitan nung magkaibigan..
alam nyo naman ang mga tao - scriptwriter ng sari-sarili nilang version ng mga kuwento, or should i say tsismis..
it was painful for me..
yung pakiramdam na parang nasisira mo na yung samahan ng dalawang matalik na magkaibigan, because of what..?
just because of my selfish emotions..?
but it was all that i have back then..
yung masayang pakiramdam ng pagiging inlove...
ayun nga..
[Girl na may Crush sa Akin] started to let us do things on our own..
siguro pakiramdam niya na nakakagulo lang siya sa aming dalawa ni [Bestfriend], bunsod na rin ng mga pambubuyo ng mga tao sa paligid niya..
kaya hindi na siya sumasabay sa amin sa pag-uwi..
ako naman eh wala ng magawa for her, but to say sorry nang paulit-ulit..
tapos nakabigat pa sa sitwasyon yung pagkawala ko sa singsing na ibinigay niya sa akin..
in a way, it made her feel na sinadya kong iwala iyon..
she was insisting na tanggapin ko yung ring niya (yung kapares nung ring ko) bilang replacement dun sa nawala kong singsing..
pero tinanggihan ko siya..
i was afraid that i couldn't keep it, just like my own ring..
i didn't want to give her anymore reason to like me..
i just wanted her to stop liking me, and to stop hurting herself..
kasi sobra-sobra na yung pinagdaraanan niya noon just because of an unworthy guy like me...
pinabayaan ko na lang siyang masaktan..
kesa naman dagdagan ko pa yung mga sakit na nararamdaman niya, while still wanting her to be on our side - as our friend..
all i can do is hope that time would eventually heal the wounds which i've inflicted on her..
and na sana balang araw matagpuan niya rin yung lalaki na talagang deserving for her love...
ako naman..
sinusulit ko na lang yung mga natitira kong panahon with [Bestfriend]..
halos patapos na noon ang Academic Year na yun, and soon i'll be leaving her for college..
hanggang isang gabi, si [Bestfriend] naman yung nanakit sa damdamin ko..
ewan ko ba dun..
magka-text lang kami noon eh, tapos biglang humirit na may gusto daw siyang ipagtapat sa akin..
akala ko kung ano lang yun, so i gave her a go signal..
at inamin nga niya sa akin..
she thinks may guy na siyang nagugustuhan, pero hindi naman niya alam kung gusto rin ba siya nung guy na yun..
of course inisip ko na ibang guy yun..
kahit na logically speaking parang ako lang yung lalaki na nakakalapit at nakakaubos ng oras niya noon, there are still other possibilities..
she knew how i felt for her, kasi vocal naman ako sa kanya about that, kaya imposibleng ako yung guy na tinutukoy niya..
naisip ko na she was so mean, she knew i like her, tapos sa akin pa niya sinabi yung tungkol sa bagay na yun - na para bang isa siyang sadista..
i believe hindi ko na siya ni-reply-an after..
nakahiga na ako noon sa banig ko (opo, sa banig po ako natutulog noong mga panahon na iyon) habang magka-text kami..
at noong mabasa ko na yung message niyang iyon, hindi ko na napigilan yung sarili ko na humagulgol..
itinalukbong ko yung kumot ko, para hindi ako makitang umiiyak noon nung dalawa kong biological brother na nakahiga lang malapit sa akin..
hanggang sa hindi ko na kinaya, at pumasok na muna ako sa loob ng banyo para doon ako magkaroon ng privacy para mag-iiyak...
the next day of school, i requested [Bestfriend] to meet me sa dressing room after ng flag ceremony..
parang clueless pa siya noong datnan niya ako doon..
tapos sinumbatan ko na nga siya..
kasabay na ng pag-iyak ko sa harapan niya..
i told her na alam naman niya na may gusto ako sa kanya, kaya bakit sa akin pa niya sinabi na may nagugustuhan na siyang guy..
gusto ko siya, kaya masakit para sa akin yung ginawa niyang pagtatapat..
tapos parang pinagtatawanan lang niya ako, napapangiti lang siya..
and she confessed nga na ako naman pala yung lalaki na tinutukoy niya..
bakit ko ba daw naisip na ibang guy yung tinutukoy niya..?
kaya sinabi ko na may sinabi kasi siya na hindi niya alam kung gusto ba daw siya nung lalaki..
at naging mag-boyfriend-girlfriend na nga kami noon.. :)
parang aksidente lang yun nangyari..
walang formal na ligawan..
walang mga flowers-flowers, walang date-date..
it was her unexpected confession, yung overwhelming emotions ko, kasama na yung fear ko na maiwan na naman na mag-isa at loveless which resulted to that..
and it felt so rewarding, na para bang i'm the luckiest guy on Earth...
so naging kami nga ni [Bestfriend]..
obviously, she chose me over her bestfriend, a proof kung gaano katotoo yung naramdaman niya para sa akin back then..
si [Girl na may Crush sa Akin] naman eh hindi pa rin magaganda yung nababalitaan ko..
she was still crying a lot..
na parang mas nakasakit sa kanya na eventually naging kami rin nga ng bestfriend niya, hindi gaya ng nauna ko ng sinabi sa kanilang dalawa..
she was so down, na maging grades niya eh napabayaan na niya..
there even came a point na napatawag yung dad ni [Girl na may Crush sa Akin] sa faculty room, dahil daw sa biglang pagbaba ng performance niya..
tapos ito namang isa kong classmate na lalaki na kaibigan niya, eh hindi na nakapagpigil, at isinumbat sa akin yung naging resulta ng pakikipagkilala ko dun sa bata na para bang ginusto at sinadya ko talagang mangyari yun..
i felt so guilty for her..
na paano bang yung hamak na lalaki na katulad ko eh nasira ang punto na yun ng buhay ng isang babaeng katulad niya..
she deserves to be loved, and appreciated the way she does, but not by someone like me..
not by someone na may gusto ng ibang babae..
pero wala na akong magagawa..
only she can save herself from that unneccessary feeling..
at ipinaubaya ko na nga lang sa panahon ang lahat...
i was lame as a boyfriend..
for me, it seemed na masyadong basic yung routine namin noon..
lalo na noong nag-college na ako sa NCR, bale itinuloy namin sa long distance relationship yung sa amin..
pero hindi naman yun naging isyu para sa akin..
nakakatawa nga eh, sa sobrang laki ng university na napasukan ko tapos eh liberated pa, eh talagang iniiiwas ko ang sarili ko na makakilala ng mga high level na kolehiyala..
pero siyempre hindi pa rin yun lubusang naiwasan kasi paiba-iba yung mga classmates ko sa bawat subject, palipat-lipat rin ng building, kaya may mga nakakaklase rin ako na may mga ka-cute-an na taglay..
pero wala naman yun, hanggang appreciation lang, wala naman akong rason para magloko eh..
but there was this girl na na-crush-an ko talaga (sa 2nd Semester na 'to, kasi hindi na ako napasok noon), isang TV personality na parati kong inaabangan sa show nila, and napaisip din talaga ako noon na "ano ba, am i cheating on my girlfriend..?"..
pero time proved na over-exposure at infatuation lang yung nangyari..
balik sa 1st Semester..
there were times na pinipilit kong umuwi nang maaga sa probinsiya para lang masundo siya mula sa school..
yes, we were dating pero hanggang kain lang sa labas..
pa-fastfood-fastfood lang, ganun..
minsan sagot niya, minsan sagot ko..
i never invited her to go out and watch a movie..
for what reason..?
i was afraid to admit na hindi ko alam kung paano mag-sine: kung saan booth ba bumibili ng ticket, kung anong klase ng ticket ba, kung kelan ba dapat bumili, at kung kailan ba dapat pumasok sa sinehan..
oo, nagsisine na kami noon ng mga kaklase ko noong elementary, pero madalas ipinapaubaya ko na lang sa kanila kung anong mga dapat gawin..
i was always like that, kahit hanggang ngayon, hindi ko ginagawa yung mga bagay na hindi ko alam kung paano gawin..
at kung may mga bagay man na kailangan ko talagang gawin (tipong no choice ako), eh ginagamit ko na lang yung sarili kong takot na mapahiya para mapuwersa akong kumilos..
arcade..? oo nga ano, hindi ko rin siya nayaya noon na subukang mag-arcade..
at amusement park naman..? wala namang ganun sa malapit sa amin eh..
ni hindi ko nga yata siya nabigyan ng flowers noong kami pa eh..
she was my very first girlfriend, and probably the last too (as it seems)...
i was the one who broke up with her..
2nd Semester noon ng 1st Year ko in college..
nawalan ako ng loob sa sistema ng university na pinapasukan ko..
so i decided to stop..
my logic was very simple..
kung walang pasok - walang baon, kung walang baon - walang savings, at kung walang savings - walang pang-date..
isa yun sa realidad ng buhay..
relationships are dependent on money..
darating at darating yung pagkakataon na kakailanganin mong gumastos regardless kung magkano man yun; food, pamasahe, load - lahat ng yun kailangan ng pera..
nagkataon pang papalit na noon yung Christmas Season, so nakaka-pressure kung paano at saan ka kukuha ng pang-regalo sa mahal mo..
yun yung rason na matagal ko ring itinago sa kanya..
so bago ko pa mapabayaan nang tuluyan yung relasyon namin, eh minabuti ko nang tapusin na lang..
i would like to believe that i did it for her sake, para hindi na siya madamay sa kapalaran ko..
pero siguro, i did it because of my selfishness..
i wanted to save my pride, hindi ko gustong makita pa niya yung miserableng ako..
yung ako na wala ng magagawa for her..
napakasimple ko na ngang boyfriend noong simula pa lang, eh paano pa kaya kapag nawalan na rin ako ng pera..?
i love her, pero walang nagsu-survive out of 'love' lamang..
so i chose to let her go...
after so many years, naging mas miserable pa nga ako..
walang natupad sa alinman sa mga totoo kong pangarap sa buhay..
tinamaan ako ng mga kamalasan sa iba't ibang aspeto ng buhay..
bibihira na rin lang akong nagiging masaya..
hindi ko na nakuha yung forgiveness mula kay [Girl na may Crush sa Akin]..
siguro dahil nasaktan ko silang dalawang magkaibigan kaya pinarusahan ako ng langit para hindi na ulit ako magka-lovelife..
parusa para parati na akong matapat sa maling babae..
parusa para manatili na lang akong nag-iisa habambuhay..
para wala na ulit akong masaktan pa..
pero dahil sa lahat ng nangyayari sa akin sa ngayon, thankful na rin ako na hindi ko nakatuluyan ang sinuman sa dalawang babae na yun na nasaktan ko noon..
kasi alam ko nang hindi naman pala ako nagkamali sa mga naging desisyon ko eh..
it surely saved them from me..
kasi hindi ko mapapatawad yung sarili ko kung sakaling na-drag ko ang sinuman sa kanila sa mala-impiyerno kong buhay..
mabubuti silang babae, at matataas pa yung kalibre..
kaya tama lang na makahanap sila ng mga lalaki na totoong deserving para sa pagmamahal nila..
yung mga tipo ng lalaki na magiging mabuti rin sa kanila, at maibibigay kung anuman yung nararapat para sa kanila..
ayun..
yun na siguro yung best love story na maikukuwento ng isang katulad ko lamang..
at doon na rin nga nagtapos ang love story ng Most Undesirable Guy on Earth...
No comments:
Post a Comment