Loveless Story
August 10, 2025...
grabe pala yung Champorado ng Bet' Oven..
ang bigat sa tiyan..
parang chocolate bar na inihalo sa malagkit na kanin ang kinakain..
pakiramdam ko may bad cholesterol din, may butter siguro o kung anong equivalent...
is
feeling , konti lang pala dapat.. hindi pala pwedeng i-compare sa pagkain ng normal na Champorado...

>
maghahanda sana ako ng SSS form..
pero sa halip eh nauwi ako sa pagre-repair na naman ng bubong namin... 🙁
sobrang malas ko nga naman talaga..
matapos yung nalugi naming Php 50,000 na pa-repair ng bubong..
ngayon naman eh tinatamaan sila ng Reverse Midas ko..
lahat talaga ng nahahawakan ko eh nasisira..
wala namang tumulo noong ikalawa kong pagkakabit ng mga tape..
pero ilang oras lang yung ulan kanina, eh tumagos na nga sa bubong yung tubig, eh binutas pa yung Hardiflex namin na kisame..
nagmantsa kaagad yung naipon na tubig..
bukod pa sa tinabihan nang husto yung isa naming bombilya..
na para bang gusto na ng taglay kong kamalasan na sunugin ang bahay namin sa susunod... 🙁
is
feeling , makakatulong talaga ang pagpapaulan ng depression para sa layunin nila...

---o0o---
August 12, 2025...
ano ba talagang klase ng mundo ito..?
so may delivery kami ng parcel..
isang dumaan sa Flash Express at isa naman sa LEX PH..
by Saturday, nakapasok na sa city yung parcel na dumaan sa Flash Express..
Sunday naman nakapasok yung sa LEX PH..
surprisingly, noong Monday ay mas nauna pa talagang na-deliver yung sa LEX PH...
nagsinungaling yung rider..
kesyo sinubukan daw nilang tumawag sa mobile number, pero ang totoo ay ni wala ngang nag-register na missed call..
walang text..
at ang pinaka-importante sa lahat, hindi sinubukan ng Flash Express na pumunta sa address namin para sa delivery..
bukod doon, eh nag-claim sila na kami daw yung nag-request ng reschedule ng delivery..
so pinalampas ko iyon, baka kako madaming dini-deliver at hindi na umabot sa cut-off time..
pero hindi..
ngayong Tuesday, inulit nila yung modus..
walang dumating..
walang tumawag..
walang nag-text..
pero may bintang na naman, na kesyo nga tumawag daw sila at unreachable lang yung number...
ang duda ko..?
sinusubukan nilang nakawin yung item dahil fully paid na iyon... 🙁
is
feeling , hindi kami kailan man nabigo sa LEX PH.. pero yung Flash Express, may kakaibang ginagawa...

---o0o---
August 13, 2025...
[Gadget-Related]
made a huge mistake nitong madaling araw..
nagkaroon kasi ng power interruption at nag-alarm ang UPS ko..
ako naman si tanga, inakala ko na bumalik na ang kuryente kaya nabuhay na ulit yung UPS..
some time later, nagising na lang ako na may kakaibang tunog yung device..
pagsilip ko nga eh nakita ko na buhay yung monitor..
iyon pala eh sinasaid na nung monitor yung battery nung UPS dahil sa paulit-ulit na attempt na mag-on... 🙁
t*ng ina..
ilang buwan pa lang..
pero hinayaan ko na ma-stress kaagad ang battery nung UPS... 🙁
is
feeling , sorry, UPS...

-----o0o-----
[V-League]
PVL on Tour 2025 (Quarterfinals)
August 9, 2025...
Creamline versus Farm Fresh..
hindi on tour..
madami ang live audience..
present din ngayon si Pons..
Creamline nga ang galing sa pahinga..
short hair na ngayon si Galanza...
madaming nakuhang service ace ang Creamline kaya nakuha nila ang Set 1..
hindi pa ginagamit ng Farm Fresh sina Molina at Meneses, sapat pa din ang cushion ng Creamline kaya nakuha nila ang Set 2..
mas malapitan ang pagitan sa Set 3, pero Creamline pa rin ang nanaig sa bandang huli...
3-0, panalo ang Creamline..
yun lang, PLDT pa talaga ang makakaharap nila sa Semifinals..
wala pang talo ang PLDT, bukod pa sa bumalik na sa kanila si Davison..
ang team na hindi pa nila nagagawang talunin simula noong Reinforced Conference ng 2024...
sayang ang Nxled..
kabilang sila sa top seeds ng Pool A, pero napabagsak lang sila ng Tiggo..
dahil dun, eh PLDT nga lang ang nag-iisang team mula sa Pool A na nakapasok sa Semifinals...
is
feeling , salamat, team.. para kina Morado at Galanza...

---o0o---
PVL on Tour 2025 (Semifinals)
August 12, 2025...
Creamline versus PLDT..
ang team na hindi pa nila nagagawang talunin simula pa noong Reinforced Conference 2024..
madami-dami naman ang live audience kahit na weekday..
kasama na rin nila ngayon si Morado...
Set 1, balik Libero si Lazaro at service specialist si de Jesus, dikitan ang laban at palitan ng kalamangan, activated na kaagad si Panaga, na-extend ng Creamline yung set, pero naagaw nga iyon ng PLDT, nasayang ang 16 attacks at 4 kill blocks ng Creamline dahil sa kanilang 12 massive errors..
Set 2, malaki ang kalamangan ng Creamline mula umpisa, pero naghabol ang PLDT sa bandang dulo, nanaig pa rin naman ang Creamline dahil lamang sila sa lahat ng scoring stats..
Set 3, activated na si Davison, gumawa ulit ng late chase ang PLDT, pero nanaig pa rin ang Creamline dahil sa kanilang 4 service aces plus 9 errors ng kalaban..
Set 4, ang dami kaagad errors ng Creamline, dahil dun ay maagang nakalamang ang PLDT at tinambakan na sila dahil sa 15 attacks at 4 kill blocks ng mga ito..
Set 5, una ulit nakalamang ang PLDT, mainit na ang laro ni Davison, at kinapos na nga sa paghahabol ang Creamline...
3-2, panalo ang PLDT..
hindi na nga makakaranas ng Finals ang Creamline, at problema pa na Cignal ang makakaharap nila sa Battle for Third...
wala na..
mukhang gumagana na rin talaga ang Reverse Midas ko sa lahat ng may halaga para sa akin.. 🙁
kasama na doon ang Creamline...
is 💔 feeling , sorry, Morado at Galanza...
---o0o---
SEA V.League 2025 (2nd Leg)
August 9, 2025...
Philippines versus Thailand..
halos sinabayan pa ang laro ng Creamline at Farm Fresh...
3-1, panalo ang Thailand..
mas gumagana talaga para sa Philippines kapag may floor defense ang lineup nila..
pero malupit talaga yung mga speed play ng Thailand..
ang laki ng difference ng bilis kumpara sa mga play sa Pilipinas...
is 💔 feeling , sorry, Morado.. hindi pa rin sapat.. pero good job pa rin para kay Nitura...
---o0o---
August 10, 2025...
Philippines versus Indonesia..
na-injure na naman si Solomon...
3-0, panalo ang Philippines..
at muli nga nilang nadepensahan ang podium finish nila laban sa Indonesia...
is
feeling , salamat, team.. para kay Morado.. para sa Southeast Asian Games.. kailangan na lang talaga na mas lumakas pa para malagpasan ang Vietnam...

-----o0o-----
August 9, 2025...
[Trade]
day 606...
9 days left bago ang 1 month ng C sa Binance..
kung walang magandang mangyayari bukas..
ipupusta ko na lang sa USD 1.00 lahat ng natitira kong pondo..
bahala na...
bumaba pa ulit ang C sa bottom nila sa Binance na level 24.9... 🙁
is
feeling , sige na, C.. gumawa ka naman ng tama para sa akin.. ang kakayahan na magising sa isang umaga na may na-recover na...

---o0o---
August 10, 2025...
[Trade]
day 607...
level 24.9 to 28.6 yung medyo mahaba na naakyat ng C..
USD 61 sana iyon para sa akin... 🙁
pero talagang bumaba pa rin sila ulit..
balik sa level 25.8 noong huli kong tingin..
partida pa na mas umangat naman ang Bitcoin ngayong hapon... 🙁
dahil dun eh no choice na ako..
all in na ng pusta..
sa USD 1.00 ang taya..
kahit na halos 25% pa lang ang C..
bahala na...
is
feeling , lahat nawawasak nang dahil sa akin...

---o0o---
August 11, 2025...
[Trade]
day 608...
level 25.8 to 27.3 yung latest na na-recover ng C..
hindi talaga sila hinahayaan na makalagpas sa entry point ko na level 32..
USD 23 din sana iyon para sa akin..
level 26.3 to 28.3 yung sumunod..
USD 31 naman sana iyon para sa akin..
pero after that ay bumaba na ulit sila, dahil sa hila ng Bitcoin... 🙁
is
feeling , 7 days left bago ang unang buwan nila sa Binance...

---o0o---
August 12, 2025...
[Trade]
day 609...
wala talagang nangyayaring maganda sa C simula noong nakapasok ako sa poder nila..
bumagsak na ulit sila below level 25, dahil lang sa kagustuhan ng mga makapangyarihan na mabaon ako sa depression.. 🙁
level 24.6 na ang bagong bottom nila sa loob ng Binance...
is
feeling , 6 days left bago ang first month nila sa Binance...

---o0o---
August 13, 2025...
[Trade]
day 610...
wala pa ring magandang nangyayari sa C..
di tulad ng ibang mga asset...
is
feeling , 5 days left bago ang first month ng C sa Binance...

---o0o---
August 14, 2025...
[Trade]
day 611...
mataas na ulit ang level ng Bitcoin, pero wala namang pakialam ang C..
hindi sila makikiayon sa green market, dahil nasa poder nila ako... 🙁
level 24.6 to 27.1 yung huli nilang naakyat..
USD 42 sana iyon para sa akin..
level 25.6 to 27.4 naman bago nahila ng Bitcoin dip..
USD 28 naman sana iyon... 🙁
sa ngayon eh pumapalo na sa USD 24,000 ang halaga ng mga napapakawalan kong kita sa Binance... 🙁
lalo pang nasira ang C dahil sa pagkawasak na dala-dala ng Bitcoin..
umaabot na sila sa ngayon sa level 22.3 na bottom... 🙁
is
feeling , 4 days left bago ang first month ng C sa Binance...

---o0o---
August 15, 2025...
[Trade]
day 612...
wala pa ring matinong movement ang C ngayong araw...
ang kakayahan ko na maging miserable ay perpekto... 🙁
is
feeling , 3 days left bago ang first month ng C sa Binance...

No comments:
Post a Comment