Saturday, August 30, 2025

Luxurious Corruption

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is šŸ’€ feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is šŸ’€ feeling , day 1876...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..

update (512 + 501 + 205 + 136 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • mahalaga daw ang mental health, pero walang nagpapahalaga sa mental health ng mga non-pet owner na inaabuso ng mga pet owner at ng mga pet na dumi nang dumi sa tapat ng mga bahay nila

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Cavite yata iyon, yung babaeng abogado na binitbit ang traffic enforcer sa minamaneho niyang sasakyan
  • sa Caloocan City, yung ama na d-in-etain daw ng ilang pulis kahit wala namang kaukulang kaso, na namatayan naman ng anak dahil sa Leptospirosis, na nakuha daw dahil sa paglusong sa baha dahil sa kakahanap sa kanyang ama
  • sa Caloocan City, yung isa pang hinuli na kasabayan daw nung ama na namatayan ng anak dahil sa Leptospirosis, na d-inetain daw nang wala namang kaso, at saka na lang ginawan ng kaso na related sa illegal-gambling
  • sa Caloocan City, yung lasing na pulis na nagpaputok ng baril
  • yung 9 na tauhan ng Customs na sinibak dahil daw sa reklamo ng pangingikil sa may NAIA Terminal 3
  • yung sinibak na 5 airport police sa NAIA dahil nangingikil daw ng 40% sa mga taxi driver doon
  • sa General Santos City, yung 5 pulis na inireklamo dahil sa pangingikil sa isang motorista
  • yung dating Commanding Officer ng HPG na kinasuhan ng mga dati niyang tauhan dahil daw sa pagtanggap ng milyun-milyong suhol mula sa taong kanilang inaresto noon
  • sa Tiwi, Albay, yung dating Konsehal na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil laban sa isang kompanya
  • yung Mayor ng San Simon, Pampanga na naaresto dahil sa pangingikil laban sa isang negosyante, Php 80 Million daw para hayaan silang makapagtayo ng negosyo doon sa area
  • sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, yung 2 opisyales ng BuCor na nabisto sa tangkang pagpapapasok ng kahon-kahong alak at sigarilyo
  • yung 2 junior officer na nag-file ng rape case laban sa isang high-ranking Philippine Air Force official, through sexual assault daw
  • sa Philippine National Police Academy, yung kadete na minolestiya daw ng isang opisyales sa barracks
  • sa Ilocos Sur, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa tangkang sextortion
  • sa Marikina City, yung 2 pulis na inireklamo ng pangmomolestiya ng kapwa nila pulis
  • sa Santa Maria, Bulacan, yung 1 dating pulis at 2 niyang kasabwat, na nangholdap ng isang senior citizen na negosyante
  • sa isang hotel sa Tuguegarao City, yung nakunan ng video na 2 opisyales ng LTO, na nakitang nananakit ng 2 daw na binatilyo doon sa event
  • sa Argao, Cebu, yung lalaking pinatay sa pamamaril ng SK Federation President nang dahil lang daw sa selos
  • sa DasmariƱas, Cavite, yung Barangay Captain at 2 Kagawad na napatay sa pamamaril ng isang Barangay Tanod habang nasa flag ceremony sila
  • sa Ibajay, Aklan, yung Vice Mayor na pinatay sa pamamaril ng isang Konsehal, dahil daw sa personal na alitan
  • sa Davao City, yung babaeng negosyante na napatay sa pamamaril ng karelasyon daw nito na pulis

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung dating Spokesperson na nasa 3 daw ang passport ayon sa DOJ
  • sa mismong Senado, yung staff ng isang Senador na hinihinalang gumamit ng marijuana sa restroom
  • yung ilegal daw yung 1xBet dito sa bayan, pero nagawa pa nilang dalhin ang endorser nila na si Eva Elfie dito at nagdaos pa ng event

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung napasok na rin ng Monkeypox ang probinsiya ng Iloilo
  • yung napapasok na rin ng Monkeypox ang iba pang rehiyon sa bayan
  • yung 500% na pagtaas ng naitala na kaso ng HIV para daw sa age group na 15 to 25 y/o
  • yung ginulpi dati na PWD na lumalabas na may violent tendencies talaga, na malaya pa ring nakakaperwisyo doon sa EDSA Bus Carousel
  • yung pambabarat ng mga trader sa palay ng mga magsasaka, kasi kesyo daw ay may Php 20 ng bigas
  • sa Benguet daw, yung itinatapon na yung ibang carrots dahil sa oversupply
  • sa bagong pamunuan ng DOTr, yung higit daw sa kalahati ng mga napautang na para sa jeepney modernization ang hirap namang makabayad
  • yung 2 traffic enforcer na lumabag sa batas gamit ang kanilang mga sasakyan, na t-in-icket-an ng MMDA
  • sa Baguio City, yung hepe ka sa LTO, pero nahuli ka dahil sa drunk driving
  • yung nagagamit na ngayon yung mga Dalian train para sa MRT, bagay na hindi ginawan ng paraan ng nakaraang administrasyon
  • yung lumalabas na palpak yung safety bollards sa NAIA na kasama sa projects para doon sa airport noong 2019, Php 8 Million daw yung budget para dun kaso nabuking na iyon yung mababaw lang ang pagkakabaon
  • yung pag-amin ng Secretary ng DPWH na may nag-e-exist nga na mga ghost flood control projects
  • sa Oriental Mindoro, yung joint inspection sana sa gumuhong dike na hinarang ng mga tauhan nung contractor, kesyo kailangan daw muna ng sulat mula sa DPWH
  • sa Quezon City, yung mga contractor daw na hindi na ipinapaalam sa LGU ang paggawa nila ng mga project, kahit na may ordinansa naman yung lungsod
  • lahat ng palpak na flood control project ng DPWH at ng kanilang mga nakukuhang contractor, na ngayon lang nakakalkal
  • yung artista na Representative sa Leyte na naglantad sa social media ng mga pangalan at contact information ng mga c-um-ontact sa kanya na taga-media na gusto lang naman hingin ang kanyang panig tungkol sa kuwestiyonableng flood control project
  • sa Batangas, yung Representative na nagpapaimbestiga sana ng mga maanomalyang project ng DPWH, na tinangkang suhulan ng District Engineer ng DPWH para daw ipatigil yung imbestigasyon
  • yung mga tao o kamag-anak ng mga taong related sa DPWH at mga contractor na ibinabalandra pa sa social media ang natatamasa nilang mga yaman
  • yung regular na mahabaang brownout sa Siquijor dahil sa kapalpakan ng supplier nila ng kuryente, na pagmamay-ari din ng pamilya ng mga Senador
  • sa OWWA, yung hindi aprubadong pagbili ng nasa Php 1.4 Billion daw na halaga ng lupain ng dating administrator last year
  • sa GSIS, yung mga opisyales na bumili ng nasa Php 1.45 Billion na halaga ng shares sa Alternergy Holdings Corporation
  • yung nag-invest daw ang GSIS ng lagpas Php 1 Billion sa online gambling company at lugi na ngayon ang shares nila, bukod pa sa nag-invest din daw sila sa ilang kompanya na walang malinaw na track record
  • yung namigay nang namigay ng lisensya ang PAGCOR sa mga online gambling company, pero ngayon ay target na silang i-ban ng ilang mga Senador
  • yung ginagawa ng maraming Senador na komplikado ang isyu sa online gambling, dahil ginagamit nila yung isyu bilang pantakip sa mas masahol na kasalanan laban sa bayan, ang pagtakpan ang pagnanakaw sa buwis ng mga mamamayan
  • yung Senador na gustong i-regulate ang mga online streaming platform, samantalang regulated na yung age ng mga user ng kanilang payment processor, at yung may-ari na lang ng account ang dapat gumabay sa minors na pagagamitin nila nung account
  • kay Senator Hontiveros, yung laging tinataniman ang panig niya ng mga testigo na bigla na lang binabaliktad ang mga nauna nilang testimonya
  • yung naganap daw na pagbabawas ng boto ng ilang transparency server para sa eleksyon, kesyo may mga nagdoble daw kasi ng transmission kaya itinama
  • sa Dumaguete at Zamboanga, ayon sa PPCRV, yung hindi nagtugma ang actual na bilang ng mga bumoto kumpara sa mga balota na nabilang, di hamak na lamang yung nabilang na balota kumpara sa naging botante
  • yung mga reklamo na mali daw ang nabilang na kandidato sa resibo, kumpara sa totoong mga ibinoto nila
  • sa social media, yung pagkalat ng mga pekeng election survey gaya nung para sa Davao City
  • yung maagang demolisyon laban sa dating Vice President, kesyo wala daw itong plano na isuko sa ICC ang dating Pangulo kung nagkataon at kaibigan din daw ng kasalukuyang Vice President
  • yung tagapagtanggol noon ng anomalous deal sa Pharmally ang head na ngayon ng Senate Blue Ribbon Committee
  • yung interpretation ng Supreme Court na nalabag daw ng impeachment laban sa Vice President yung 1-year rule
  • yung iginiit ng Supreme Court na immediately executory daw ang maling desisyon nila, pero ang pagprotekta sa bayan laban sa mga magnanakaw ay pwedeng ipagpaliban nang matagal na panahon
  • noong may nagsampa na dati ng impeachment case eh sobrang bagal umaksyon ng Senado, pero ngayon namang may utos na i-dismiss na iyon eh ang bilis nilang kumilos
  • yung mga Senator judge na nag-aabogado para sa mismong nasasakdal
  • yung manipulasyon ng maraming Senator judge sa impeachment case, sa pamamagitan ng pagbabalik nung articles of impeachment sa Lower House
  • yung Senador na itinuturing kaagad na witch hunt lang ang impeachment laban sa Vice President
  • yung Senador na kakampi ni Tanggol sa paglaban sa katiwalian, pero ayun at takot palang lumaban sa katiwalian sa totoong buhay
  • yung Senador na matapang lang sa pakikipaglaban sa kasamaan sa mga programa nila sa TV, pero takot din palang bumangga sa alyansa ng mga tiwali
  • yung Senador na nakipag-argue pa, may party-list pa sila na lumalaban kuno sa kuropsiyon, pero kasama din naman pala siya sa mga magmamanipula sa konstitusyon
  • sa Senado, yung video na nagpapakita na talagang kaalyado ng mga tutol sa impeachment trial ang 1 akala mo eh partial na Senador, para guluhin sa pagsasalita ang 1 Senadora na pabor na bigyan ng katarungan ang bayan
  • yung Senador na ang suggestion sa paglaban sa tiwaling opisyal ng gobyerno ay ang labanan at talunin na lang daw iyon sa darating na eleksyon, sa halip na parusahan nang naaayon sa batas
  • yung Senador na nag-endorse ng AI-generated video, kung saan gumamit ng parang estudyante na pinapalabas na pamumulitika lang ang impeachment laban sa Vice President
  • yung walang pakialam yung isang Senador kung FAKE AI news ang ipinapakalat niya
  • yung Senador na gumawa ng Senate resolution para ibasura na kaagad ang impeachment laban sa kaalyado nilang Vice President
  • yung FAKE news ng isang Senador, na kesyo guided siya ng holy spirit
  • yung Senador na gumawa naman ng Senate resolution para i-dismiss na kaagad ang kaso ng impeachment laban sa kaalyado nilang Vice President
  • yung Senador na gustong magpasunog, na patunay na ang katapatan niya ay hindi para sa bayan, kundi para sa kaalyado niyang angkan lamang
  • yung Senador na naninindak ng kapwa niya Senador, dahil lang sa hindi kaagad masunod ang kagustuhan ng alyansa nila na maibasura na kaagad ang impeachment case laban sa kaalyado nilang Vice President
  • yung mga walang kuwentang Senador na sang-ayon sa Supreme Court na protektahan ang katiwalian
  • yung kasalukuyang Mayor ng Davao City na binatikos ang pagtalaga sa latest na PNP Chief, samantalang ang tatay niya mismo ay nagtalaga kaagad ng 1-Star General lamang bilang PNP Chief noong panahon nito
  • yung Mayor ng Davao City na nag-endorse din nung AI-generated video na nagpapakalat ng FAKE na opinyon ng kabataan
  • yung acting Mayor ng Davao City na gustong makipagsuntukan sa PNP Chief
  • yung suntukan daw na walang gloves ang gusto, puwerket mas bata siya
  • yung Representative mula sa Davao City na kinasuhan ng physical injuries at grave threats
  • yung pagpabor ng Vice President sa pagpapakalat ng AI-generated content na nagpapakalat ng FAKE news
  • yung ipunin daw ang tubig-baha at i-deliver sa MalacaƱang, na para bang may nagawa ang kanyang ama noon upang masolusyunan ang mga problema sa pagbabaha
  • yung FAKE news ng Vice President na kesyo ang mga Senador na sumusunod sa konstitusyon at lumalaban sa katiwalian DAW ang mga bias
  • yung Imperial citizen na negosyante, na mining company daw ang hawak, na nagawang maging auxiliary member ng PCG at nagawaran pa ng honorary rank ng nakaraang administrasyon
  • yung ayon sa PCG, na nasa 36 na Imperial citizen na d-in-elist nila mula sa pagiging miyembro ng kanilang hanay

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung lumalabas na majority ng mga botante sa kabuuan ng Mindanao at sa Cebu Province eh supporters at protektor ng katiwalian
  • sa Abra, yung nakunan ng video na 2 poll watcher na nagse-shade ng mga balota para sa mga botante
  • yung walang kuwentang survey na nagpapakita na pabor ang maraming botante sa mga kriminal
  • yung panibagong walang kuwentang survey tungkol sa impeachment, kesyo 42% daw ng 1,200 ang gustong protektahan ang katiwalian
  • yung ayon sa isang bagong survey na maraming mahihirap na lokal na mamamayan ang mula sa Mindanao, samantalang nasa kanila rin ang maraming supporters ng mga tiwali
  • yung mga mamamayan na naloko ng FAKE news tungkol sa CMEPA at mga savings account sa banko
  • yung ang seselan ng mga lokal na mamamayan, siguro 2021 to early 2022 pa pinagpapaslang yung mga nawawalang sabungero, pero ngayon pa sila nandidiri sa mga isda mula sa Taal Lake
  • yung nasa 9 na aso na namatay matapos na kumain ng kanin na may lason dahil pinabayaan lang silang nakakawala ng kanilang mga amo sa kabila ng abiso
  • yung rider na aksidenteng nabundol ng SUV dahil sa biglang pagtawid ng isang walang kuwentang aso, na ikinamatay ng kanyang angkas
  • sa Kidapawan sa North Cotabato, yung estudyante na naka-motor na namatay matapos na sumemplang dahil umiwas daw na makabangga ng aso, kung saan nasundan pa yung aksidente noong naroon na yung mga rescuer
  • yung video nung mga rider na literal na nag-iinuman habang nagmo-motor
  • sa Central Mindanao Colleges, yung 19 na Criminology student na nasunog ang mga balat matapos na spray-an ng mga senior ng likido na may suka, sili, at battery solution
  • sa Boracay, yung anak at pamangkin ng isang Senador na basta na lang ginulpi ng mga kalalakihan
  • sa Santiago City, Isabela, yung solo rider na basta na lang binugbog at pinalibutan ng isang grupo na may mga naka-motor din
  • sa Isabela City sa Basilan, yung estudyante na binugbog ng 2 kapwa niya estudyante matapos daw tumanggi nung biktima na gumamit ng sigarilyo
  • sa Bambang, Nueva Vizcaya, yung babaeng estudyante na binugbog ng mismong mga kaibigan niya sa labas ng paaralan, na nagsimula lang daw dahil sa negatibong komento
  • sa Iligan City, yung 1 Grade 3 student na kritikal ngayon sa ospital matapos na gulpihin ng 4 to 5 na high school students
  • sa Tondo, matapos yung nangyaring sunog, yung mga utak-kriminal na lokal na mamamayan nila na tulung-tulong na nagnakaw ng mga kable ng kuryente puwerket patay yung daloy
  • sa Tondo, Manila, yung 2 binatilyo na huli sa CCTV camera at ng isang residente na nagnanakaw ng kable ng kuryente kahit wala namang sunog
  • yung mga sindikato na nang-uubos daw ng Beep Card para maibenta nila iyon sa overpriced na halaga
  • sa Makati City, yung French daw na tinurukan ng pampatulog ng mga lokal na mamamayan habang nakasakay sila taxi upang mapagnakawan
  • sa ParaƱaque City, yung menor de edad na estudyante na nahulian ng lagpas Php 200,000 daw na halaga ng ilegal na droga at ng patalim sa loob mismo ng kanilang paaralan
  • sa Abra, yung estudyante na sugatan matapos na barilin ng kapwa niya estudyante
  • sa Balabagan, Lanao del Sur, yung guro na napatay sa pamamaril ng kanyang 20 y/o na Grade 11 na estudyante na binigyan niya ng bagsak na grado
  • ang patuloy na paghahasik ng lagim ng Houthi sa Red Sea sa pamamagitan ng pagpapalubog ng mga cargo ship
  • yung pagsisimula naman ng Israel ng giyera laban sa Iran
  • yung nasa lagpas Php 40 Million na halaga ng smuggled vape products na galing sa Imperyo na d-in-eclare daw na mga gamit sa kusina
  • sa Plaridel, Bulacan, yung nasa Php 605 Million na nasabat na mga smuggled na sigarilyo sa isang warehouse na galing daw sa Imperyo at sa Vietnam
  • yung nasa lagpas Php 200 Million na halaga ng smuggled na isda mula sa Imperyo na nasabat ng Customs at DA sa Maynila
  • yung paglaganap daw ng iba't ibang klase ng sakit sa hanay ng mga nahuling illegal POGO workers
  • yung Imperial citizen na naaresto sa NAIA, nagpanggap daw kasi bilang lokal na mamamayan at gumamit ng mga pekeng dokumento
  • sa Sual, Pangasinan, yung nasa 9 daw na menor de edad, na mga lokal na mamamayan, na sinamantala ng mga Imperial citizen nilang amo, kesyo hindi daw pinapasahod nang tama para sa trabaho nila doon sa fish pen
  • sa Bunawan, Agusan del Sur, yung 13 katao, kabilang ang 4 na Imperial citizen, na nahuli dahil sa illegal mining
  • yung 2 Imperial citizen na nabisto na sangkot sa insurance fraud, yung nagsasagawa ng pekeng carnapping para maka-claim ng insurance
  • sa ParaƱaque City, yung 2 Imperial citizen na pinapatubos ang passport ng kapwa nila Imperial citizen, kung saan nanuntok pa ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek noong hinuhuli na sila
  • sa Mariveles, Bataan, yung 10 nahuli na Imperial citizen na nagpapatakbo ng love at cryptocurrency scam hub
  • sa isang condominium unit sa ParaƱaque City, yung nabisto na scam hub kung saan nagsisira na yung mga Imperial citizen ng ebidensya sa pamamagitan ng paghahagis ng mga gadget palabas ng kanilang bintana
  • sa Cavite, yung naaresto na 2 Imperial citizen na sinubukang tumakas sa checkpoint, na mukhang sangkot daw sa kidnapping
  • sa ParaƱaque City, yung 4 na Imperial citizen na dinukot ang kapwa nila Imperial citizen na nagpapapalit lang daw sana ng foreign currency
  • sa Makati City, yung babaeng Vietnamese na dinukot at ginahasa ng 3 Imperial citizen, na sinubukan pang manghingi ng ransom sa asawa nung biktima
  • yung FAKE news daw ng Imperyo na kesyo may naharang silang barko ng bayan
  • sa Pulilan, Bulacan, yung 2 Imperial citizen na nahulihan ng IMSI catcher
  • yung Imperial research vessel na namataan sa may baybayin ng Sta. Ana, Cagayan na wala daw pakialam sa mga radio challenge
  • yung 3 barko ng Imperial coast guard na lumapit na sa Batanes
  • malapit sa may Pag-asa Island, yung umaabot sa 464 square meters ng coral reef na nasira ng parachute anchor ng isang Imperial fishing militia
  • yung mga naharang na Imperial citizen na tinangkang lapitan ang BRP Sierra Madre
  • sa may Bajo de Masinloc, yung eroplano ng PCG na binuntutan ng fighter jet ng Imperyo
  • yung barko ng BFAR na binomba ng water cannon ng Imperial coast guard
  • sa may Bajo de Masinloc din, yung barko ng BFAR na binomba na naman ng tubig ng barko ng Imperyo
  • malapit sa may Bajo de Masinloc, yung 2 barko ng Imperyo na nagkabanggaan dahil sa panghahabol nila sa barko ng PCG
-----o0o-----


August 23, 2025...

yung dating Commanding Officer ng Highway Patrol Group (HPG) na kinasuhan ng mga dati niyang tauhan dahil daw sa pagtanggap ng milyun-milyong suhol mula sa taong kanilang inaresto noon...

is feeling , extra service...

---o0o---


August 25, 2025...

sa Quezon City..
yung mga contractor daw na hindi na ipinapaalam sa LGU ang paggawa nila ng mga project, kahit na may ordinansa naman yung lungsod...

is feeling , yung mga kurakot lang ang iginagalang ng mga contractor...


>
sa Tondo, Manila..
yung 2 binatilyo na huli sa CCTV camera at ng isang residente na nagnanakaw ng kable ng kuryente kahit wala namang sunog...

is feeling , ang bayan kung saan pati mga kable ng kuryente ay kailangan pang bantayan...


>
sa Abra..
yung estudyante na sugatan matapos na barilin ng kapwa niya estudyante...

is feeling , armado na ngayon ang mga estudyante...


>
sa Batangas..
yung Representative na nagpapaimbestiga sana ng mga maanomalyang project ng DPWH..
na tinangkang suhulan ng District Engineer ng DPWH para daw ipatigil yung imbestigasyon...

is feeling , lagpas Php 3 Million daw yung suhol...

---o0o---


August 26, 2025...

yung sindikato o mga sindikato na nang-uubos daw ng Beep Card..
para maibenta nila iyon sa overpriced na halaga...

is feeling , technique...


>
sa Central Mindanao Colleges..
yung 19 na Criminology student na nasunog ang mga balat..
matapos na spray-an ng mga senior ng likido na may suka, sili, at battery solution...

is feeling , brutal...

---o0o---


August 27, 2025...

sa Plaridel, Bulacan..
yung nasa Php 605 Million na nasabat na mga smuggled na sigarilyo sa isang warehouse..
galing daw sa Imperyo at sa Vietnam...

is feeling , paano daw nakapasok sa bayan...??


>
yung 2 Imperial citizen na nabisto na sangkot sa insurance fraud..
yung nagsasagawa ng pekeng carnapping para maka-claim ng insurance...

is feeling , talented na lahi talaga...


>
sa Santa Maria, Bulacan..
yung 1 dating pulis at 2 niyang kasabwat..
na nangholdap ng isang senior citizen na negosyante...

is feeling , natutunan sa serbisyo...

---o0o---


August 28, 2025...

yung mga tao o kamag-anak ng mga taong related sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga contractor..
na ibinabalandra pa sa social media ang natatamasa nilang mga yaman...

is feeling , robs to riches...


>
yung Imperial citizen na negosyante..
mining company daw ang hawak..
na nagawang maging auxiliary member ng Philippine Coast Guard (PCG)..
at nagawaran pa ng honorary rank ng nakaraang administrasyon...

is feeling , saan sila kumuha ng FAKE na local citizenship...??


>
yung ayon sa Philippine Coast Guard (PCG)..
na nasa 36 na Imperial citizen na d-in-elist nila mula sa pagiging miyembro ng kanilang hanay...

is feeling , so saan nga sila kumuha ng FAKE na local citizenship...??

---o0o---


August 29, 2025...

yung artista na Representative sa Leyte..
yung naglantad sa social media ng mga pangalan at contact information ng mga c-um-ontact sa kanya na taga-media na gusto lang naman hingin ang kanyang panig tungkol sa kuwestiyonableng flood control project...

is feeling , mga gago talaga...


>
sa Marikina City..
yung 2 pulis na inireklamo ng pangmomolestiya ng kapwa nila pulis...

is feeling , lahat na lang talaga ng kalokohan eh alam nila...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of August 2025 (Bitcoin Havoc)

Loveless Story


August 24, 2025...

[Gadget-Related]

parang tanga talaga itong Facebook..
binigyan nyo na ako ng 40-character code dati..
tapos ngayon naman eh pipilitin ninyo akong palitan pa iyon ng PIN...

is feeling , mga tarantado kayo.. wala na akong nare-receive na one-to-one message...

---o0o---


August 25, 2025...

sinimulan ko na rin officially yung project #25..
ang pinakauna kong project ngayong taong 2025...

is feeling , d*e will be done...

---o0o---


August 28, 2025...

so yung abusado naming kapitbahay na umuupa lamang..
eh nag-manufacture ng produkto na pangbenta..
pero dahil likas silang mga abusado, eh sa sidewalk nila ibinalandra iyon..
at hindi lang basta sa sidewalk, dahil nasa tapat yun ng property namin...

ayun..
natumba sa kalsada yung produkto nila..
nasabitan ng sasakyan dahil sobrang kipot na ng kalsada sa area namin dahil sa pang-aabuso ng nasa 3 nangungupahan sa paligid namin...

mga tanga at abusadong nangungupahan na ayaw namang gamitin bilang parking space ang parking lot ng inuupahan nilang bahay...

is feeling , karma...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Invitational Conference 2025


August 23, 2025...

Creamline versus Tiggo..
madami din ang live audience..
audience din lang si Morado...

Set 1, maagang nakaagwat ang Creamline, activated kaagad si Gumabao, pero nakahabol din naman ang Tiggo at nagkaroon ng palitan ng kalamangan, nakakalas ang Tiggo sa bandang dulo, at sila nga ang nanaig dahil sa tulong ng 10 huge errors ng Creamline..
Set 2, makulit na ang floor defense ng Tiggo, madalas na sila ang lamang, si Baldo naman ang activated, mainit na ang laro ni Galang, pero nagtagumpay na naman ang nightmare chase ng Creamline kasabay ang double substitution nina Dimaculangan at Bernardo, sila ang nanaig sa extended set dahil sa kanilang 19 attacks..
Set 3, una na ulit nakalamang ang Creamline, pero madalas na nagagawa ng Tiggo na tapyasan ang malalaki nilang kalamangan, activated na din ang floor defense ni Baldo, at si Galanza naman ang uminit ang opensa, napanindigan naman nila yung set sa tulong ng 6 errors ng Tiggo..
Set 4, dikitan ang simula ng laban sa tulong ng mga replacement ng Tiggo, maaga ding ginamit ang double substitution nina Dimaculangan at Bernardo, makulit na ulit ang floor defense ng Tiggo at hindi pa kabisado ng Creamline ang atake ng mga Middle Blockers nila, nagawa tuloy makaagwat at mang-iwan ng Tiggo, nakuha nila yung set dahil sa kanilang 9 attacks at sa tulong ng 12 huge errors ng Creamline..
Set 5, unang nakalamang ang Creamline sa tulong ni Gumabao, pero habol nang habol ang Tiggo, natapon yung 8-5 at 10-7 na kalamangan, na-extend yung set, pero talagang naagaw pa iyon ng Tiggo...

3-2, panalo ang Tiggo..
masyadong madaming errors ang Creamline for this match...

is šŸ’” feeling , sorry, Morado at Galanza.. natapon yung laro...

---o0o---


August 26, 2025...

Creamline versus Kobe Shinwa..
so may puntos na nga kaagad ang PLDT laban sa Creamline mula sa PVL on Tour..
bagay na unfair, dahil hindi nila masusukat nang maayos ang kakayahan ng bawat team laban sa isa't isa..
tapos wala din ngang nagawa ang Kobe Shinwa laban sa PLDT...

konti lang ang live audience..
may pagod ang Kobe mula sa laban nila kahapon, pero mainit na kaagad ang simula nila...

Set 1, unang nakalamang ang Kobe, as expected sa mga Japanese ay maganda at makulit ang floor defense nila, double substitution nina Dimaculangan at Bernardo, late chase ng Creamline at na-extend yung set, pero nanaig ang Kobe dahil sa kanilang 18 attacks and 4 service aces..
Set 2, mainit na si Galanza, dikitan ang laban, naubos ng Kobe ang kalamangan ng Creamline, Bernardo for Gumabao, at naagaw nga ng Kobe yung set dahil sa kanilang 21 attacks..
Set 3, nalagas na naman ang lamang ng Creamline, palitan ng kalamangan, Soriano in, double substitution nina Dimaculangan at Bernardo, at napanindigan nga nila ang set dahil nakuha nila lahat ng scoring stats kontra sa kanilang 9 big errors..
Set 4, unang nakalamang ang Kobe, maagang double substitution nina Dimaculangan at Bernardo, nakahabol sila, pero muling umagwat ang Kobe, at tinapos na nga nila ang match...

3-1, panalo ang Kobe Shinwa...
kaya naman hindi na makababalik ang Creamline sa Finals...

is šŸ’” feeling , sorry, Morado at Galanza.. ayaw mo kasing maglaro para sa Creamline, Morado...

---o0o---


August 29, 2025...

Creamline versus Zus..
ang natitirang pag-asa nila para makalaban man lamang ulit sa Battle for Third..
hindi masyadong madami ang live audience...

Set 1, maagang nakalamang ang Creamline, pero mabilis din naman na nakadikit ang Zus at nagkaroon pa ng palitan ng kalamangan, muli namang nakaagwat ang Creamline, nag-double substitution pa nina Dimaculangan at Bernardo, nanaig sila dahil nakuha nila lahat ng scoring stats lalo na yung 8 kill blocks...
Set 2, una namang nakaagwat ang Zus, pero naagaw ng Creamline ang kalamangan, Dimaculangan for Negrito, testing din ni Celis, muli silang nanaig dahil sa kanilang 12 attacks and 4 kill blocks..
Set 3, testing ng bench ng Creamline, dikitan tuloy ang laban at palitan ng kalamangan, at nanaig pa rin nga sila kahit pa pinaglaro nila ang kanilang bench...

3-0, panalo ang Creamline...

untikan na ang Kobe Shinwa kanina laban sa Tiggo..
pero dahil sa reverse sweep ng Kobe, eh Tiggo tuloy ang makakaharap ng Creamline para sa Battle for Third...

is  feeling , salamat kahit papaano, team.. at least may chance ulit para sa podium finish.. para kina Morado at Galanza...

-----o0o-----


August 23, 2025...

[Trade]

day 620...

umaabot na ang C sa bottom na level 19.2... šŸ™

level 19.2 to 23 yung una nilang na-recover..
USD 82 sana iyon para sa akin...

is feeling , d*e will be done...

---o0o---


August 24, 2025...

[Trade]

day 621...

bumagsak na naman ang C ngayong araw..
balik sa level 19.9...

is feeling , d*e will be done...

---o0o---


August 25, 2025...

[Trade]

day 622...

level 19.9 to 21 na quick recovery kagabi..
USD 22 sana iyon para sa akin..
bago sila muling bumagsak sa mas mababang level 19.8... šŸ™

bago na namang bottom sa Binance..
umaabot na sila ngayong araw sa level 18.8... šŸ™

pinaninindigan ko ang C, kaya naman walang pwedeng mangyari sa kanila na maganda..
kakambal ko ang pagkawasak..
kaya lahat ng bagay na mauugnay sa akin ay nawawasak...

is feeling , d*e will be done...

---o0o---


August 26, 2025...

[Trade]

day 623...

level 18.8 to 20.5 na quick recovery..
USD 37 sana iyon para sa akin..
tapos ay muli din naman silang nagpabagsak sa level 18.9... šŸ™

umaga nang gumawa ulit ng pump ang C..
level 18.9 to 22.2..
USD 72 sana iyon para sa akin..
level 20.2 to 21.7..
USD 30 naman sana iyon..
level 20.3 to 21.5..
USD 24 naman sana iyon..
level 20.4 to 21.9..
USD 30 ulit sana iyon..
pero hapon nang tumigil na sila sa paggawa ng mga pump... šŸ™

ganito na naman ulit..
sandamakmak na kita..
pero nagaganap lang sa ilalim ng kasumpa-sumpa kong entry point... šŸ™

is feeling , d*e will be done...

---o0o---


August 27, 2025...

[Trade]

day 624...

at nagpabagsak na nga ulit ang C matapos yung paulit-ulit nilang short pump kahapon..
lahat ng asset na binabantayan ko ay nasa recovery mode sa ngayon..
at bukod tangi lang ang C na nasa lugi na ulit na level... šŸ™

is feeling , d*e will be done...

---o0o---


August 28, 2025...

[Trade]

day 625...

level 19.2 na bottom kahapon..
tapos mas bumaba na ulit below 19 ngayong araw..
hanggang level 18.8..
tapos bumawi ng recovery hanggang level 20.8..
USD 44 sana iyon para sa akin... šŸ™

bago sila muling bumaba sa level 20...

is feeling , d*e will be done...

---o0o---


August 29, 2025...

[Trade]

day 626...

at nasundan pa nga yung pump kagabi..
level 20 to 22.1..
USD 43 sana iyon para sa akin..
level 20.5 to 22..
USD 30 naman sana iyon..
level 20.9 to 22 ulit..
USD 21 sana iyon... šŸ™

pero kagaya noong huling beses..
eh nagpabagsak na naman ang C matapos ang paulit-ulit na pump... šŸ™

is feeling , d*e will be done...


Saturday, August 23, 2025

Flood Money

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is šŸ’€ feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is šŸ’€ feeling , day 1869...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..

update (512 + 501 + 205 + 121 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • mahalaga daw ang mental health, pero walang nagpapahalaga sa mental health ng mga non-pet owner na inaabuso ng mga pet owner at ng mga pet na dumi nang dumi sa tapat ng mga bahay nila

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Cavite yata iyon, yung babaeng abogado na binitbit ang traffic enforcer sa minamaneho niyang sasakyan
  • sa Caloocan City, yung ama na d-in-etain daw ng ilang pulis kahit wala namang kaukulang kaso, na namatayan naman ng anak dahil sa Leptospirosis, na nakuha daw dahil sa paglusong sa baha dahil sa kakahanap sa kanyang ama
  • sa Caloocan City, yung isa pang hinuli na kasabayan daw nung ama na namatayan ng anak dahil sa Leptospirosis, na d-inetain daw nang wala namang kaso, at saka na lang ginawan ng kaso na related sa illegal-gambling
  • sa Caloocan City, yung lasing na pulis na nagpaputok ng baril
  • yung 9 na tauhan ng Customs na sinibak dahil daw sa reklamo ng pangingikil sa may NAIA Terminal 3
  • yung sinibak na 5 airport police sa NAIA dahil nangingikil daw ng 40% sa mga taxi driver doon
  • sa General Santos City, yung 5 pulis na inireklamo dahil sa pangingikil sa isang motorista
  • sa Tiwi, Albay, yung dating Konsehal na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil laban sa isang kompanya
  • yung Mayor ng San Simon, Pampanga na naaresto dahil sa pangingikil laban sa isang negosyante, Php 80 Million daw para hayaan silang makapagtayo ng negosyo doon sa area
  • sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, yung 2 opisyales ng BuCor na nabisto sa tangkang pagpapapasok ng kahon-kahong alak at sigarilyo
  • yung 2 junior officer na nag-file ng rape case laban sa isang high-ranking Philippine Air Force official, through sexual assault daw
  • sa Philippine National Police Academy, yung kadete na minolestiya daw ng isang opisyales sa barracks
  • sa Ilocos Sur, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa tangkang sextortion
  • sa isang hotel sa Tuguegarao City, yung nakunan ng video na 2 opisyales ng LTO, na nakitang nananakit ng 2 daw na binatilyo doon sa event
  • sa Argao, Cebu, yung lalaking pinatay sa pamamaril ng SK Federation President nang dahil lang daw sa selos
  • sa DasmariƱas, Cavite, yung Barangay Captain at 2 Kagawad na napatay sa pamamaril ng isang Barangay Tanod habang nasa flag ceremony sila
  • sa Ibajay, Aklan, yung Vice Mayor na pinatay sa pamamaril ng isang Konsehal, dahil daw sa personal na alitan
  • sa Davao City, yung babaeng negosyante na napatay sa pamamaril ng karelasyon daw nito na pulis

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung dating Spokesperson na nasa 3 daw ang passport ayon sa DOJ
  • sa mismong Senado, yung staff ng isang Senador na hinihinalang gumamit ng marijuana sa restroom
  • yung ilegal daw yung 1xBet dito sa bayan, pero nagawa pa nilang dalhin ang endorser nila na si Eva Elfie dito at nagdaos pa ng event

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung napasok na rin ng Monkeypox ang probinsiya ng Iloilo
  • yung napapasok na rin ng Monkeypox ang iba pang rehiyon sa bayan
  • yung 500% na pagtaas ng naitala na kaso ng HIV para daw sa age group na 15 to 25 y/o
  • yung ginulpi dati na PWD na lumalabas na may violent tendencies talaga, na malaya pa ring nakakaperwisyo doon sa EDSA Bus Carousel
  • yung pambabarat ng mga trader sa palay ng mga magsasaka, kasi kesyo daw ay may Php 20 ng bigas
  • sa Benguet daw, yung itinatapon na yung ibang carrots dahil sa oversupply
  • sa bagong pamunuan ng DOTr, yung higit daw sa kalahati ng mga napautang na para sa jeepney modernization ang hirap namang makabayad
  • yung 2 traffic enforcer na lumabag sa batas gamit ang kanilang mga sasakyan, na t-in-icket-an ng MMDA
  • sa Baguio City, yung hepe ka sa LTO, pero nahuli ka dahil sa drunk driving
  • yung nagagamit na ngayon yung mga Dalian train para sa MRT, bagay na hindi ginawan ng paraan ng nakaraang administrasyon
  • yung lumalabas na palpak yung safety bollards sa NAIA na kasama sa projects para doon sa airport noong 2019, Php 8 Million daw yung budget para dun kaso nabuking na iyon yung mababaw lang ang pagkakabaon
  • yung pag-amin ng Secretary ng DPWH na may nag-e-exist nga na mga ghost flood control projects
  • sa Oriental Mindoro, yung joint inspection sana sa gumuhong dike na hinarang ng mga tauhan nung contractor, kesyo kailangan daw muna ng sulat mula sa DPWH
  • lahat ng palpak na flood control project ng DPWH at ng kanilang mga nakukuhang contractor, na ngayon lang nakakalkal
  • yung regular na mahabaang brownout sa Siquijor dahil sa kapalpakan ng supplier nila ng kuryente, na pagmamay-ari din ng pamilya ng mga Senador
  • sa OWWA, yung hindi aprubadong pagbili ng nasa Php 1.4 Billion daw na halaga ng lupain ng dating administrator last year
  • sa GSIS, yung mga opisyales na bumili ng nasa Php 1.45 Billion na halaga ng shares sa Alternergy Holdings Corporation
  • yung nag-invest daw ang GSIS ng lagpas Php 1 Billion sa online gambling company at lugi na ngayon ang shares nila, bukod pa sa nag-invest din daw sila sa ilang kompanya na walang malinaw na track record
  • yung namigay nang namigay ng lisensya ang PAGCOR sa mga online gambling company, pero ngayon ay target na silang i-ban ng ilang mga Senador
  • yung ginagawa ng maraming Senador na komplikado ang isyu sa online gambling, dahil ginagamit nila yung isyu bilang pantakip sa mas masahol na kasalanan laban sa bayan, ang pagtakpan ang pagnanakaw sa buwis ng mga mamamayan
  • yung Senador na gustong i-regulate ang mga online streaming platform, samantalang regulated na yung age ng mga user ng kanilang payment processor, at yung may-ari na lang ng account ang dapat gumabay sa minors na pagagamitin nila nung account
  • kay Senator Hontiveros, yung laging tinataniman ang panig niya ng mga testigo na bigla na lang binabaliktad ang mga nauna nilang testimonya
  • yung naganap daw na pagbabawas ng boto ng ilang transparency server para sa eleksyon, kesyo may mga nagdoble daw kasi ng transmission kaya itinama
  • sa Dumaguete at Zamboanga, ayon sa PPCRV, yung hindi nagtugma ang actual na bilang ng mga bumoto kumpara sa mga balota na nabilang, di hamak na lamang yung nabilang na balota kumpara sa naging botante
  • yung mga reklamo na mali daw ang nabilang na kandidato sa resibo, kumpara sa totoong mga ibinoto nila
  • sa social media, yung pagkalat ng mga pekeng election survey gaya nung para sa Davao City
  • yung maagang demolisyon laban sa dating Vice President, kesyo wala daw itong plano na isuko sa ICC ang dating Pangulo kung nagkataon at kaibigan din daw ng kasalukuyang Vice President
  • yung tagapagtanggol noon ng anomalous deal sa Pharmally ang head na ngayon ng Senate Blue Ribbon Committee
  • yung interpretation ng Supreme Court na nalabag daw ng impeachment laban sa Vice President yung 1-year rule
  • yung iginiit ng Supreme Court na immediately executory daw ang maling desisyon nila, pero ang pagprotekta sa bayan laban sa mga magnanakaw ay pwedeng ipagpaliban nang matagal na panahon
  • noong may nagsampa na dati ng impeachment case eh sobrang bagal umaksyon ng Senado, pero ngayon namang may utos na i-dismiss na iyon eh ang bilis nilang kumilos
  • yung mga Senator judge na nag-aabogado para sa mismong nasasakdal
  • yung manipulasyon ng maraming Senator judge sa impeachment case, sa pamamagitan ng pagbabalik nung articles of impeachment sa Lower House
  • yung Senador na itinuturing kaagad na witch hunt lang ang impeachment laban sa Vice President
  • yung Senador na kakampi ni Tanggol sa paglaban sa katiwalian, pero ayun at takot palang lumaban sa katiwalian sa totoong buhay
  • yung Senador na matapang lang sa pakikipaglaban sa kasamaan sa mga programa nila sa TV, pero takot din palang bumangga sa alyansa ng mga tiwali
  • yung Senador na nakipag-argue pa, may party-list pa sila na lumalaban kuno sa kuropsiyon, pero kasama din naman pala siya sa mga magmamanipula sa konstitusyon
  • sa Senado, yung video na nagpapakita na talagang kaalyado ng mga tutol sa impeachment trial ang 1 akala mo eh partial na Senador, para guluhin sa pagsasalita ang 1 Senadora na pabor na bigyan ng katarungan ang bayan
  • yung Senador na ang suggestion sa paglaban sa tiwaling opisyal ng gobyerno ay ang labanan at talunin na lang daw iyon sa darating na eleksyon, sa halip na parusahan nang naaayon sa batas
  • yung Senador na nag-endorse ng AI-generated video, kung saan gumamit ng parang estudyante na pinapalabas na pamumulitika lang ang impeachment laban sa Vice President
  • yung walang pakialam yung isang Senador kung FAKE AI news ang ipinapakalat niya
  • yung Senador na gumawa ng Senate resolution para ibasura na kaagad ang impeachment laban sa kaalyado nilang Vice President
  • yung FAKE news ng isang Senador, na kesyo guided siya ng holy spirit
  • yung Senador na gumawa naman ng Senate resolution para i-dismiss na kaagad ang kaso ng impeachment laban sa kaalyado nilang Vice President
  • yung Senador na gustong magpasunog, na patunay na ang katapatan niya ay hindi para sa bayan, kundi para sa kaalyado niyang angkan lamang
  • yung Senador na naninindak ng kapwa niya Senador, dahil lang sa hindi kaagad masunod ang kagustuhan ng alyansa nila na maibasura na kaagad ang impeachment case laban sa kaalyado nilang Vice President
  • yung mga walang kuwentang Senador na sang-ayon sa Supreme Court na protektahan ang katiwalian
  • yung kasalukuyang Mayor ng Davao City na binatikos ang pagtalaga sa latest na PNP Chief, samantalang ang tatay niya mismo ay nagtalaga kaagad ng 1-Star General lamang bilang PNP Chief noong panahon nito
  • yung Mayor ng Davao City na nag-endorse din nung AI-generated video na nagpapakalat ng FAKE na opinyon ng kabataan
  • yung acting Mayor ng Davao City na gustong makipagsuntukan sa PNP Chief
  • yung suntukan daw na walang gloves ang gusto, puwerket mas bata siya
  • yung Representative mula sa Davao City na kinasuhan ng physical injuries at grave threats
  • yung pagpabor ng Vice President sa pagpapakalat ng AI-generated content na nagpapakalat ng FAKE news
  • yung ipunin daw ang tubig-baha at i-deliver sa MalacaƱang, na para bang may nagawa ang kanyang ama noon upang masolusyunan ang mga problema sa pagbabaha
  • yung FAKE news ng Vice President na kesyo ang mga Senador na sumusunod sa konstitusyon at lumalaban sa katiwalian DAW ang mga bias

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung lumalabas na majority ng mga botante sa kabuuan ng Mindanao at sa Cebu Province eh supporters at protektor ng katiwalian
  • sa Abra, yung nakunan ng video na 2 poll watcher na nagse-shade ng mga balota para sa mga botante
  • yung walang kuwentang survey na nagpapakita na pabor ang maraming botante sa mga kriminal
  • yung panibagong walang kuwentang survey tungkol sa impeachment, kesyo 42% daw ng 1,200 ang gustong protektahan ang katiwalian
  • yung ayon sa isang bagong survey na maraming mahihirap na lokal na mamamayan ang mula sa Mindanao, samantalang nasa kanila rin ang maraming supporters ng mga tiwali
  • yung mga mamamayan na naloko ng FAKE news tungkol sa CMEPA at mga savings account sa banko
  • yung ang seselan ng mga lokal na mamamayan, siguro 2021 to early 2022 pa pinagpapaslang yung mga nawawalang sabungero, pero ngayon pa sila nandidiri sa mga isda mula sa Taal Lake
  • yung nasa 9 na aso na namatay matapos na kumain ng kanin na may lason dahil pinabayaan lang silang nakakawala ng kanilang mga amo sa kabila ng abiso
  • yung rider na aksidenteng nabundol ng SUV dahil sa biglang pagtawid ng isang walang kuwentang aso, na ikinamatay ng kanyang angkas
  • sa Kidapawan sa North Cotabato, yung estudyante na naka-motor na namatay matapos na sumemplang dahil umiwas daw na makabangga ng aso, kung saan nasundan pa yung aksidente noong naroon na yung mga rescuer
  • yung video nung mga rider na literal na nag-iinuman habang nagmo-motor
  • sa Boracay, yung anak at pamangkin ng isang Senador na basta na lang ginulpi ng mga kalalakihan
  • sa Santiago City, Isabela, yung solo rider na basta na lang binugbog at pinalibutan ng isang grupo na may mga naka-motor din
  • sa Isabela City sa Basilan, yung estudyante na binugbog ng 2 kapwa niya estudyante matapos daw tumanggi nung biktima na gumamit ng sigarilyo
  • sa Bambang, Nueva Vizcaya, yung babaeng estudyante na binugbog ng mismong mga kaibigan niya sa labas ng paaralan, na nagsimula lang daw dahil sa negatibong komento
  • sa Iligan City, yung 1 Grade 3 student na kritikal ngayon sa ospital matapos na gulpihin ng 4 to 5 na high school students
  • sa Tondo, matapos yung nangyaring sunog, yung mga utak-kriminal na lokal na mamamayan nila na tulung-tulong na nagnakaw ng mga kable ng kuryente puwerket patay yung daloy
  • sa Makati City, yung French daw na tinurukan ng pampatulog ng mga lokal na mamamayan habang nakasakay sila taxi upang mapagnakawan
  • sa ParaƱaque City, yung menor de edad na estudyante na nahulian ng lagpas Php 200,000 daw na halaga ng ilegal na droga at ng patalim sa loob mismo ng kanilang paaralan
  • sa Balabagan, Lanao del Sur, yung guro na napatay sa pamamaril ng kanyang 20 y/o na Grade 11 na estudyante na binigyan niya ng bagsak na grado
  • ang patuloy na paghahasik ng lagim ng Houthi sa Red Sea sa pamamagitan ng pagpapalubog ng mga cargo ship
  • yung pagsisimula naman ng Israel ng giyera laban sa Iran
  • yung nasa lagpas Php 40 Million na halaga ng smuggled vape products na galing sa Imperyo na d-in-eclare daw na mga gamit sa kusina
  • yung nasa lagpas Php 200 Million na halaga ng smuggled na isda mula sa Imperyo na nasabat ng Customs at DA sa Maynila
  • yung paglaganap daw ng iba't ibang klase ng sakit sa hanay ng mga nahuling illegal POGO workers
  • yung Imperial citizen na naaresto sa NAIA, nagpanggap daw kasi bilang lokal na mamamayan at gumamit ng mga pekeng dokumento
  • sa Sual, Pangasinan, yung nasa 9 daw na menor de edad, na mga lokal na mamamayan, na sinamantala ng mga Imperial citizen nilang amo, kesyo hindi daw pinapasahod nang tama para sa trabaho nila doon sa fish pen
  • sa Bunawan, Agusan del Sur, yung 13 katao, kabilang ang 4 na Imperial citizen, na nahuli dahil sa illegal mining
  • sa ParaƱaque City, yung 2 Imperial citizen na pinapatubos ang passport ng kapwa nila Imperial citizen, kung saan nanuntok pa ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek noong hinuhuli na sila
  • sa Mariveles, Bataan, yung 10 nahuli na Imperial citizen na nagpapatakbo ng love at cryptocurrency scam hub
  • sa isang condominium unit sa ParaƱaque City, yung nabisto na scam hub kung saan nagsisira na yung mga Imperial citizen ng ebidensya sa pamamagitan ng paghahagis ng mga gadget palabas ng kanilang bintana
  • sa Cavite, yung naaresto na 2 Imperial citizen na sinubukang tumakas sa checkpoint, na mukhang sangkot daw sa kidnapping
  • sa ParaƱaque City, yung 4 na Imperial citizen na dinukot ang kapwa nila Imperial citizen na nagpapapalit lang daw sana ng foreign currency
  • sa Makati City, yung babaeng Vietnamese na dinukot at ginahasa ng 3 Imperial citizen, na sinubukan pang manghingi ng ransom sa asawa nung biktima
  • yung FAKE news daw ng Imperyo na kesyo may naharang silang barko ng bayan
  • sa Pulilan, Bulacan, yung 2 Imperial citizen na nahulihan ng IMSI catcher
  • yung Imperial research vessel na namataan sa may baybayin ng Sta. Ana, Cagayan na wala daw pakialam sa mga radio challenge
  • yung 3 barko ng Imperial coast guard na lumapit na sa Batanes
  • malapit sa may Pag-asa Island, yung umaabot sa 464 square meters ng coral reef na nasira ng parachute anchor ng isang Imperial fishing militia
  • yung mga naharang na Imperial citizen na tinangkang lapitan ang BRP Sierra Madre
  • sa may Bajo de Masinloc, yung eroplano ng PCG na binuntutan ng fighter jet ng Imperyo
  • yung barko ng BFAR na binomba ng water cannon ng Imperial coast guard
  • sa may Bajo de Masinloc din, yung barko ng BFAR na binomba na naman ng tubig ng barko ng Imperyo
  • malapit sa may Bajo de Masinloc, yung 2 barko ng Imperyo na nagkabanggaan dahil sa panghahabol nila sa barko ng PCG
-----o0o-----


August 16, 2025...

sa Oriental Mindoro..
yung joint inspection sana sa gumuhong dike..
na hinarang ng mga tauhan nung contractor, kesyo kailangan daw muna ng sulat mula sa DPWH...

is feeling , yung contractor na yung nasusunod kesa sa gobyerno...

---o0o---


August 20, 2025...

[Natural Calamities]

sa bandang itaas..
nasa Magnitude 5.1 na lindol..
sa may area ng Calaca, Batangas...

is feeling , wala sa tamang lugar...


>
yung pag-amin ng Secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH)..
na may nag-e-exist nga na mga ghost flood control projects...

is feeling , ang kultura ng 40% kickback...


>
lahat ng palpak na flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng kanilang mga nakukuhang contractor..
na ngayon lang nakakalkal..
dahil kailangang tabunan ang isyu tungkol sa paghadlang sa impeachment case...

is feeling , ang gagaling...


>
sa Caloocan City din..
yung isa pang hinuli, na kasabayan daw nung ama na namatayan ng anak dahil sa Leptospirosis..
na d-inetain daw nang wala namang kaso, at saka na lang ginawan ng kaso na related sa illegal-gambling...

is feeling , lagot na.. fabrication...


>
sa Caloocan City..
yung ama na d-in-etain daw ng ilang pulis kahit wala namang kaukulang kaso..
na namatayan naman ng anak dahil sa Leptospirosis, na nakuha daw dahil sa paglusong sa baha dahil sa kakahanap sa kanyang ama...

is feeling , nag-iimbento na daw ng mga kaso...

---o0o---


August 21, 2025...

sa ParaƱaque City..
yung menor de edad na estudyante na nahulian ng lagpas Php 200,000 daw na halaga ng ilegal na droga at ng patalim sa loob mismo ng kanilang paaralan...

is feeling , tapusin ang tutubuan ng mga sungay habang bata pa sila...

---o0o---


August 22, 2025...

hindi ko nakuha kung saang lugar..
yung mga rider na literal na nag-iinuman habang nagmo-motor, para siguro sa content..
at gumagawa din ng mga mapanganib na maneuver..
iniimbestigahan pa kung totoong alak ang kanilang iniinom doon sa video...

is feeling , i-ban na kasi ang vlogging...


>
sa Cavite yata iyon..
yung babaeng abogado na binitbit ang traffic enforcer sa minamaneho niyang sasakyan...

is feeling , ayos.. katiwalian talaga sa lahat ng panig...


>
yung mga naharang na Imperial citizen na tinangkang lapitan ang BRP Sierra Madre...

is feeling , init na init na sila para wasakin ang buong bayan.. pati ang buong mundo...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of August 2025 (Cursing the Altcoin Trading Festival)

Loveless Story


August 16, 2025...

malungkot..
so madami nga sa pamilya ni Attendant Ry ang naging bahagi na ng industriya..
yung pamangkin niya yata iyon..
nakatatandang kapatid..
mga malalapit na kaibigan, na hindi ko alam kung kamag-anak din ba nila...

pero this time..
eh dalagita na halos kaga-graduate lang sa senior high school..
around 18 to 19 y/o siguro..
nasa legal age na..
pero bata lang ang tingin ko sa kanya noong nakikita ko siya dati...

is feeling , i guess ganun talaga ang realidad ng buhay sa lugar nila.. and to think na hindi naman sila mako-consider na mahirap...

---o0o---


August 17, 2025...

araw na naman ng paniningil..
52 months na ng mga utang niya..
34 months na walang ibinabayad..
20 months na walang communication dahil sa pagtatago niya...

is feeling , maagnas sana 'yang ilong mo kapag nakabayad ka na...

---o0o---


August 20, 2025...

so ito ang kabayaran..?
kapag pinanindigan ko ang isang asset..
complete destruction... šŸ™

is šŸ’€ feeling , put*ng ina itong existence ko na ito...


>
sa late months noong 2021..
meron akong lagpas USD 700 worth ng assets mula doon sa scam game..
around USD 1.00 lang noon ang palitan ng XRP..
meaning..?
wala pala dapat akong ginawa sa nakaraang 3 taon, simula noong early 2022..
dahil mati-triple naman pala yung halaga ng mga asset na meron ako..
nasa USD 2,100 na sana ako this 2025..
nabawi ko na sana yung USD 1,200 na total na halaga ng mga naipon kong asset..
at may USD 900 pa sana ako na patubo... šŸ™

is šŸ’€ feeling , ganun kadumi ang taglay kong isinumpang kapalaran...

---o0o---


August 22, 2025...

problema na naman sa bubong..
pa rin..
ako nga talaga ang isinumpa... šŸ™

naaayos naman sa tuwing inaayos ko..
pero sa kung anong isinumpang dahilan..
eh paulit-ulit yung problema..
na para bang may kung anong makapangyarihan na talagang winawasak yung bubong... šŸ™

is šŸ’€ feeling , d*e will be done...


>
halos 4 months na lang ang natitira sa buhay ko...

dati..
iniisip ko pa na baka magkakaroon ng magandang twist ang journal ko..
lalo na noong nakapasok na ako sa mundo ng comics...

pero hindi pala..
dahil lahat ng ginagawa ko, nawawasak..
hindi tungkol sa pagbangon mula sa tuluy-tuloy na buhos ng mga kamalasan ang journal ko..
tungkol pala ito sa tuluy-tuloy na buhos ng mga kamalasan, at iyon na yun..
isang example..
kung paano tumapos ang mga makapangyarihan ng buhay ng tao sa pamamagitan ng depression... šŸ™

is šŸ’€ feeling , d*e will be done...

-----o0o-----


[V-League]


PVL on Tour 2025 (Battle for Third)


August 17, 2025...

Creamline versus Cignal..
mas malaki ang venue ngayon, at hindi nila napuno, pero later ay nadadagdagan pa yung mga live audience..
present si Morado..
birthday nina de Jesus at Cayuna, kaya parehas na gustong mag-celebrate..
magagawa na kaya ng Creamline na lagpasan ang hamon nina Erika Santos this time...??

Set 1, unang nakalamang ang Creamline, maganda kaagad ang blocking nila, nakuha nila yung set dahil sa kanilang 4 kill blocks and 3 service aces..
Set 2, Cignal na ang unang nakaagwat sa tulong ni Guino-o, pero nakahabol naman ang Creamline at naging palitan ang kalamangan, hirap na ang Creamline na basahin ang opensa nila pero nakagawa pa rin sila ng chase, double substitution nina Dimaculangan at Bernardo para ma-extend yung set, at nagtagumpay nga sila sa kanilang nightmarish chase dahil sa kanilang 19 attacks and 2 service aces laban sa kanilang 7 errors..
Set 3, dikitan sa simula at palitan ng kalamangan, pero nakakalas ang Creamline sa bandang dulo at wala ng nagawa ang Cignal...

3-0, panalo ang Creamline..
at nanaig na nga sila laban kay Erika Santos..
bale Zus lang talaga ang hindi nila nagawang mabawian sa tournament na ito, maliban sa PLDT...

Awards:
  • Best Setter - Negrito
  • 1st Best Outside Spiker - Baldo
  • 1st Best Middle Blocker - Panaga

is  feeling , salamat sa podium finish, team.. para kina Morado at Galanza...

---o0o---


PVL Invitational Conference 2025


August 21, 2025...

at simula na nga kaagad ng digmaan para sa top 4 teams ng PVL..
kasama ang mga Japanese team na Kurashiki Ablaze at Kobe Shinwa University, na mga dati na ring naging Champion dito sa Pilipinas...

Creamline versus Cignal..
madami ang live audience...

Set 1, nagkaroon ng palitan ng kalamangan pero umagwat din ulit ang Cignal, activated kaagad si Guino-o, lito na kaagad ang Creamline sa mga attacker ng Cignal at maganda din ang floor defense nila, naghabol ulit ang double substitution nina Dimaculangan at Bernardo, pero kinapos ang Creamline dahil nakuha ng Cignal lahat ng scoring stats..
Set 2, mabilis lang na nakahabol ang Cignal, pero kumalas naman ulit ang Creamline, activated na sina Baldo at Galanza, at iniwanan nga nila ang kalaban dahil sa kanilang 17 attacks..
Set 3, maaga na ulit na palitan ng kalamangan, naka-check na si Galanza, Vargas for Baldo, double substitution nina Dimaculangan at Bernardo, naiwanan ang Creamline dahil sa services ni Guino-o, naghabol sila pero muling kinapos dahil sa 17 attacks ng Cignal..
Set 4, una na ulit na nakaagwat ang Creamline, buhay na naman ang opensa at depensa nila sa side na ito ng court, at wala ngang nagawa laban sa kanila ang Cignal dahil nakuha nila lahat ng scoring stats..
Set 5, pati si Atienza ay naka-score na rin, nabuhay ang coverage ng Cignal, maagang palitan ng kalamangan, pero uminit pa lalo ang laro ni Gumabao, at iniwanan na nga nila ang Cignal...

3-2, panalo ang Creamline...

kaso bad news..
biglang umatras ang Kurashiki Ablaze..
kaya naman papalitan na lang sila ng Zus..
bawas ang Japanese experience... šŸ™

is  feeling , salamat, team.. para kina Morado at Galanza...

-----o0o-----


August 16, 2025...

[Trade]

day 613...

so nagpapatuloy ang pagkawasak ng C dahil pinaninindigan ko sila..
walang hila ang Bitcoin kapag pataas, pero malakas ang hila kapag pababa... šŸ™

level 22.3 to 24.1 yung huli nilang naakyat..
USD 33 sana iyon para sa akin..
bago sila bumaba sa mas masahol na bottom na level 21.4... šŸ™

level 21.4 to 23.5 yung naakyat nila ngayong araw..
USD 40 sana iyon para sa akin.. šŸ™
pero bumaba din ulit sila...

is feeling , 2 days left bago ang first month ng C sa Binance...

---o0o---


August 17, 2025...

[Trade]

day 614...

dahil sa sobrang pangit na ng level ng C..
bumagsak na rin sila sa kanilang lowest trading volume simula noong napasok sila sa Binance..
eh nagbaba na ulit ako ng target na selling price...

is feeling , bukas na o sa susunod na araw ang first month ng C sa Binance...

---o0o---


August 18, 2025...

[Trade]

day 615...

wala pa ring ginagawang maganda ang C..
mukhang ako nga talaga ang nagdadala ng kamalasan sa mga asset simula pa noong panahon ko sa SLP at XRP...?? šŸ™

bale..
lumagpas na rin pala sa USD 1,000 lahat ng napapakawalan kong potensyal na kita sa C simula noong pumasok ako sa kanila... šŸ™

tapos sa halip na tumaas..
eh bumagsak na ulit ang C sa level 21.4...

is feeling , first month ng C sa Binance...

---o0o---


August 19, 2025...

[Trade]

day 616...

ito na yung limit ng itinakdang araw..
ang first month sa Binance..
August 18, so lumabis pa nga sa ibang parte ng mundo yung oras kung tutuusin..
pero wala talagang nangyayaring maganda sa C... šŸ™

walang epekto ang Altcoin Trading Festival ng Binance..
at in fact, eh mas bumaba pa lalo ang level ng C ngayong araw..
umaabot na sila ngayon sa level 21.1... šŸ™

is feeling , palagi akong magiging mali.. at mahirap...

---o0o---


August 20, 2025...

[Trade]

day 617...

crash ng Bitcoin sa USD 113,000..
so wasak din tuloy ang C..
umaabot na sila ngayong umaga sa level 20.4 na lamang... šŸ™

sa mga oras na ito naman ay pabulusok na sa Impiyerno ang C... šŸ™

is šŸ’€ feeling , d*e will be done.. sobrang perpektong architecture ng buhay...

---o0o---


August 21, 2025...

[Trade]

day 618...

dahil sa kasumpa-sumpa kong existence sa poder nila..
eh naparusahan pa ang C na lalong bumaba..
kapansin-pansin din na sa lahat ng binabantayan kong assets, eh sila lang yung sobra-sobra na ang ibinagsak..
umaabot na sila kagabi sa level 19.7 na lamang... šŸ™

is šŸ’€ feeling , d*e will be done...

---o0o---


August 22, 2025...

[Trade]

day 619...

level 19.7 to 21.3..
USD 33 sana iyon para sa akin..
level 20.2 to 21.5..
USD 26 naman sana iyon... šŸ™

nasa Impiyerno pa rin ang C... šŸ™

is šŸ’€ feeling , d*e will be done...